"Philosophers and physicists say we might be living in a computer simulation, but how can we tell? And does it matter?" -- Matthew Francis
Chapter 24
Real or not Real?
ISANG linggo na ang nakalilipas nang mamatay ang matandang babae, sa mga nakalipas na araw laman ng balita sa t.v ang nangyari sa kanya maraming ding taga-media ang pabalik-balik dito sa tenement, iniinterview ang mga kalapit na unit ng matanda pati na rin ang mga pulis ay patuloy na nag-iimbistiga ngunit wala silang mahanap na kahit anong bakas kung sino ang pumatay sa matanda at dahil doon mas lalong nag-ugong ang balita sa misteryong batid nang pagkamatay niya. Mas lalo ko tuloy napaniniwala ang aking sarili na ako ang may gawa niyon, ako ang pumatay pero napaka-imposible talaga dahil panaginip lamang iyon... isang bangungot.
Sa mga nagdaan na gabi mas lalong lumalakas si Nocturssio sa bangungot ko at ang nakapagtataka parang ibang-iba ako sa panaginip dahil nakikipag-usap na ako sa kanya at umaayon sa mga gusto niyang gawin. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nangyayari sa akin sa panaginip ko, gusto kong pigilan pero hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung saan ako magsisimula at kung paano ko ipagsasabi ito sa ibang tao upang matulungan ako.
Wala pa ring nahahanap kung sino ang pumatay kay Miracle, hindi na rin kami inaabala ng mga pulis at nawalan na kami ng balita sa mga magulang ni Miracle.
"Sasama ba kayo sa field trip?" Tanong ni Sasha habang kumakain kami.
Uminom ng tubig si Lewis na nakaupo ngayon sa harap ko at ang katabi niya si Kael samantalang si Sasha naman ang nasa tabi ko. "Oo, grade rin kasi iyon sayang naman." Aniya at sumubo ito ng kanin.
"Sasama rin ako baka kasi mababa ang prelim exam ko sayang din iyong grade." Usal ko sa kanila.
"Ako rin." Sabay na bigkas nina Sasha at Kael.
Napailing na lang ako at natawa. Nang matapos kaming kumain agad na bumalik kami sa classroom para sa last subject. Last week sinabi ng professor naming may field trip kami at mag-oovernight kami sa isang hotel, limang libo sana ang babayaran namin pero nag-sponsor daw ang mayor sa lugar namin kaya kahalati na lang ang babayaran at kapag sumama may dagdag agad na grade. Sa Puerto Galera kami pupunta at sa hotel matutulog tapos kinabukasan pupunta naman kaming Enchanted Kingdom, kailangan ko pang makausap si Mama tungkol dito para madagdagan ang pinapadala nilang pera sa akin tutal next week na agad ito.
"Zaf, sabay tayong mamili ng pagkain para sa field trip." Napatingin ako kay Sasha na nasa tabi ko habang nagsusulat ito sa kanyang notebook.
Tumango ako sa kanya at ewan ko lang kung napansin niya dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa kanyang isinusulat. "Sige, balak ko sanang mga de lata na lang bibilhin ko, tinapay atsaka mga sitsirya."
Marahan siyang napatingin sa akin at bahagya niyang inayos ang kanyang salamin. "Gusto mo magluto tayo ng ulam? Hati tayo sa gagastusin para may makain tayo kapag nasa bus at sa hotel, malamang mamahalin ang mga pagkain doon para tipid tayo." Ngiting anyaya niya sa akin, bahagya na rin akong napangiti sa kanya.
"Sige." Nabigla ako nang kalabitin ni Lewis ang balikat ko.Kunot-noo akong napatunghay sa kanya na nakaupo sa kaliwa ko at agad namang bumungad sa akin ang maaliwalas niyang mukha kasabay nang pagbalandra ng kanyang brace sa mga mata ko. "Ako na sa kanin." Aniya at sinundan pa ng mahinang pagtawa.
Umingos ako sa kanya at binalik ko ang aking tingin kay Sasha, tinanguan naman niya ako habang nakangiti at bumalik muli ito sa kanyang pagsusulat. Pasimple kong sinulyapan si Kael na katabi ni Sasha, diretso lang ang kanyang tingin na tila'y malalim ang kanyang iniisip habang pinapaikot-ikot niya ang kanyang ballpen sa kanyang kanang kamay. Bahagya akong umiwas sa kanya ng tingin nang magsalita ang prof namin ngunit kasabay nang pag-iwas ng aking tingin, siya naman ang tumingin sa akin. Pakiwari ko maraming nalalaman itong si Kael.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality