"...just like a puzzle without pieces." -- Kael Molari
CHAPTER 18
The Piece
*KAEL MOLARI'S POV*
ISANG palaisipan sa amin ngayon kung sino ba talaga ang pumatay kay Miracle. Palaisipan na hindi mawari kung masasagot pa ba o habangbuhay ng magiging palaisipan sa aming lahat. Hindi ko alam kung posibilidad pa ba mahanap ang pumatay sa kanya pero isa lang ang kailangan namin mahanap ngayon kundi ang hustisya.
Dati hustisya lang sa pagkamatay ni Xena ang hinahanap namin ni Miracle pero ngayon hustisya na para sa kanya. Hindi alam ni Sasha na kumikilos kami ni Miracle upang malaman lahat ng katanungang nasa isipan namin tungkol sa dati naming kaibigan, unti-unti'y nagkakaroon ng mga sagot at ang mga katanungan na kinatatakutan namin.
Sa bawat sagot hindi nawawala si Sasha, sa bawat pangyayaring pinagtatagpi-tagpi namin noon hindi siya nawawala. Ngunit ayokong maniwala dahil kaibigan namin siya, ayokong maniwalang may kinalaman si Sasha sa pagkamatay ni Xena at ayokong masira ang pagkakaibigan namin.
Ngayong wala na si Miracle ako na lang ang nakaaalam ng mga kasagutan na iyon, nasa akin ang alas sa hustisya nang pagkamatay ni Xena.
Hindi talaga ako galit kay Miracle, kung tutuusin palabas lang namin ang mga alitan sa pagitan naming dalawa upang hindi makahalata si Sasha. Ang maging blockmate ko sina Miracle at Sasha ay sadya ang lahat ng iyon, pinagusapan namin iyon ni Miracle upang mabantayan namin ang mga kilos ni Sasha ngunit lumipas ang mga bawat segundo wala kaming nakitang kakaiba sa mga kilos niya kaya hindi namin masiguro kung talagang may kinalaman siya sa pagkamatay ni Xena.
History repeat itself, hindi ko alam kung ano itong nangyayari sa amin, kung bakit masyadong brutal ang ginawang pagpatay kay Miracle, kung bakit siya pinatay at kung sino ba talaga ang pumatay sa kanya. Parang dati kay Xena nangyari ang ganito pero ngayon kay Miracle naman. Hindi ko alam kung sinumpa ba kami at unti-unti kaming mamamatay. Sino na ang susunod sa aming dalawa ni Sasha? Ako o siya? Aksidente lang ba ang mga nangyayari? Aksidenteng dalawa sa mga kaibigan namin ang pinatay?
Hindi ko alam kung bakit nasa presinto kami ngayon at isa-isa kaming tinatanong tungkol sa nangyari bago pa man mamatay si Miracle, ganitong-ganito ang nangyari noong namatay si Xena at isa lang ang sana huwag mangyari ngayon ang hindi malaman ng mga pulis na ako at si Sasha ay kaibigan ni Xena.
Gusto kong makipagtulungan sa mga pulis upang malaman ang kasagutan sa lahat ng katanungan namin ngayon, gusto kong isa ako sa makatutuklas nang pagkamatay niya at kailangang ako ang unang makakita ng autopsy ng bangkay ni Miracle. Iba ang nasa kutob ko, alam kong hindi lang siya basta-basta pinatay.
Isa pa sa mga palaisipan sa akin ngayon ang nangyayari kay Zafania, Psychology ang kurso namin at isang Psychiatrist ang Mommy ko kung kaya't sa bahay puro libro tungkol sa kurso namin at madalas nagbabasa ako tungkol sa mga behavior ng mga bawat tao at ang nangyayari kay Zaf na tungkol sa kaibigan niya ay isa lamang imahinasyon. Imaginary friend kumbaga. Mag-isa lang siya sa unit niya at wala siyang nakakausap sa mga katabing unit kaya malaki ang posibilidad na gumana ang imahinasyon niyang may kaibigan siya na nakatira sa kabilang unit niya kahit wala naman. Hindi masama ang magkaroon ng imaginary friend pero masama kung magiging aggressive ang kaibigan niyang iyon. Ngunit ang mas bumabagabag sa akin kung ano ang nangyayari sa bangungot ni Zaf, hindi normal ang binabangungot lang ng basta-basta dahil kapag binabangungot ang isang tao kapag pagod lang at malalim ang tulog. Ang nangyayari kasi kay Zaf kahit mababaw ang tulog niya binabangungot agad siya.
Hindi ko alam kung ano ba itong napasukan ko, gusto kong tumakas sa nangyayari ngayon, magpakalayo-layo, tanggalin sila sa buhay ko at huwag nang maalala ang lahat ng ala-alang binuo naming lahat ngunit hindi pwede dahil nandito na ako at wala na akong takas. Kung tumakas man ako ngayon alam kong hahabol-habulin lang ako ng mga ala-ala namin. Ang kailangan ko lang gawin ay ang matuklasan ang mga kasagutan sa palaisipan sa aming lahat, lalo na kung sino ba talaga ang pumatay kay Miracle.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality