"It is forbidden to kill; therefore all murderers are punished unless they kill in large numbers and to the sound of trumpets." -- Voltaire
Chapter 25
Chaos
"ZAFANIA, uminom ka muna ng tubig at nang kumalma ka naman." Untag ni Ate Shi na halos mapatalon ako sa aking kinauupuan.
Tinitigan ko siya habang umuupo siya sa aking harapan. "A-ate..." Nararamdaman kong nanginginig ang aking labi sa kabang nararamdaman ko.
Inabot niya ang baso sa akin. "Uminom ka muna." Aniya at nag-aalangan man ako ngunit tinanggap ko rin iyon.
Nang masayaran ng malamig na tubig ang aking lalamunan bahagyang nakahinga ako nang maluwag. Inabot ko kay Ate Shi ang baso at muli akong napatitig sa kanyang mga mata na para bang gusto kong ikumpirma sa aking sarili na totoo na ito at hindi isang bangungot.
Nang magising ako kaninang umaga halos nanginginig ang buo kong katawan buti na lamang pinakalma ako ni Ate Shi at salamat sa Diyos dahil buhay siya... Akala ko mangyayari muli sa totoong buhay ang nangyayari sa panaginip ko tulad ng sa matandang babae dahil ang pagpatay ko sa kanya sa bangungot ko ay nangyari sa totoong buhay. Hindi ko alam kung paano ko ito maiiwasan, kung paano ito mapipigilan at hindi ko alam kung paano ito tatapusin.
"Zaf, okay ka na?" Pinagtiklop ko ang aking tuhod at marahan ko itong niyakap.
Huminga ako nang malalim at muli kong tinitigan si Ate Shi na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. Naglalaban ngayon sa aking isipan kung sasabihin ko ba sa kanya ang totoo, ngunit walang mga salita ang bumubuo sa isipan ko kung paano ko ipaliliwanag sa kanya.
Tumango na lang ako bilang tugon sa kanyang tanong at bahagya akong napayuko. Napasinghap ako nang hawakan ni Ate Shi ang braso ko at mabilis akong napatingin sa kanya, hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa kanyang mga mata...
"Zaf, may problema ka ba?" Marahan akong umiling.
"Wala naman Ate binangungot lang ako ng masama." Pilit akong ngumiti sa kanya at inayos ko na ang aking pagkakaupo.
Nakita kong bahagyang umaliwalas ang kanyang mga mata. "Magdasal ka na lang Zaf bago ka matulog," Aniya habang tumatayo sa pagkakaupo. Sinusundan lang ng aking mga mata ang bawat kilos niya. "Magbihis ka na kailangan natin mag grocery wala ng pagkain diyan sa ref mo." Naiiling usal niya habang nakangiti ito.
Tumango na lamang ako sa kanya ngunit hindi pa rin nawawala ang pag-aalala sa aking dibdib. Tumayo ako at naunang lumabas sa aking kwarto ngunit laking gulat ko nang makita ko si Ate Shi na nagsasalin ng tubig sa baso.
Napamulagat ang aking mga mata at agad akong napatakip sa aking bibig gamit ang kanang kamay ko kasabay nang paghuhuramentado ng aking puso.
Bigla siyang napalingon sa kinatatayuan ko na may ngiti sa kanyang labi. "Pasensya na Zaf ang tagal ko, nilinis ko pa kasi itong natapon na tubig." Aniya habang napapakamot pa siya sa kanyang ulo.
Mabilis na gumalaw ang aking katawan papasok sa kwarto ko at mas lalo akong nagulat nang madatnan kong walang tao!
S-s-sino ang kausap ko kanina?
* * *
-Kael's POV-
"Sigurado po ba kayo?" Mariin kong tinitigan si P03 Dumlao sa kanyang mga mata habang nakatitig din siya sa akin.
Ilang segundo kaming nagsukatan ng tingin nang bigla siyang sumagot sa tanong ko. "Oo." Bigla akong napamura.
Tama nga ang hinala ko.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality