"Kailangan bang mamatay ang isang tao sa magandang paraan?" -- Sasha Ramirez
CHAPTER 17
The Observer
*SASHA RAMIREZ'S POV*
MARAMING naglalaro na katanungan sa isipan ko, ang iba ay may kasagutan ngunit ayokong tanggapin ang sagot na iyon pero mas maraming tanong ang nangingibabaw na mahirap alamin ang sagot at mahirap tanggapin ang katotohanang sagot. Natatakot akong malaman ang katotohanan, natatakot akong maka-epekto ang katotohanang iyon sa buhay ko at sa mga taong nasa aking paligid.
Sino nga ba ang pumatay kay Miracle?
Alam kong iyan ang nangingibabaw na katanungan sa aming lahat na malalapit sa kanya, walang pagpipilian na sagot na para bang exam lang, ngunit pwedeng may paghinalaan. Lahat ng tao sa buong mundo pwedeng paghinalaan, pwede maging testigo at maging biktima kung tutuusin wala namang kwenta ang mga kinukuhang impormasyon sa aming mga kaibigan niya dahil isa man ang lumitaw na testigo itatapon na lang sa basurahan ang mga impormasyong sinagap sa amin.
Ayokong isipin na maaring isa sa amin ang pumatay sa kanya, pwedeng ako, si Zaf, Kael at si Lewis. Ngunit sa kabilang banda hindi kaya ang nangyari kay Miracle ay isang magandang bagay? Hindi kaya minadali lang ng Diyos ang buhay niya upang hindi na siya mahirapan? Hindi kaya dapat pa kaming magpasalamat dahil namatay na siya? Oo nga't nakalulungkot ang sinapit niya ngunit may magagawa pa ba kami? Maibabalik pa ba ang oras upang baguhin ang pagkamatay niya? Upang sa magandang paraan siya mamatay? Kailangan bang mamatay ang isang tao sa magandang paraan?
Life is totally connected to death kaya hindi na nakapagtataka kung biglaan na lang mamamatay ang isang tao, hindi na iyon bago dahil lahat ng tao ay mamamatay. Hiram lang itong buhay natin at anumang oras kayang-kaya Niya itong bawiin.
There are two types of death with regards to it's timing. Possible Death, this is where a person possibly die but there's a possible to save his or her life due to his or her merits and the other one is Destined Final Death, this is the time of death that no one can escape. Sa kaso nang pagkamatay ni Miracle walang kasiguraduhan kung Possible Death ba ang nangyari sa kanya, kung nagkaroon pa siya nang pagkakataon upang isalba ang kanyang buhay o ang Destined Final Death wala na siyang takas dahil nahuli na siya ng kamatayan.
Si Kael at ako ang mas nakakikilala kay Miracle, highschool pa lang magkakaibigan na kami ngunit nagbago ang lahat nang mamatay ang isa naming kaibigan na si Xena. Tulad ng nangyari kay Miracle, biglaan ang kanyang pagkamatay at hanggang ngayon hindi namin alam kung nagpakamatay ba siya o pinatay siya.
Dati, ako ang sinisisi nila akala nila kasalanan ko dahil sa natawag kong demonyo, akala nila sinaniban si Xena at iyon ang nag-udyok upang magpakamatay siya. Mataas ang porsyentong hindi siya pinatay dahil siya mismo ang pumatay sa sarili niya ngunit ayaw nilang tanggapin ang katotohanan. Iyon ang mahirap sa taong naghahanap ng hustisya kapag ang katotohanang hindi kapani-paniwala hindi talaga nila paniniwalaan at ang mas paniniwalaan nila ay ang kasinungalingan. Halos dalawang taon na rin ang nakalilipas at nagkaroon na ng lamat ang pagkakaibigan naming tatlo.
Alam kong hindi pa rin nawawala ang nararamdaman nilang ako pa rin ang may kasalanan, hindi ko ginusto ang nangyari, hindi ko ginustong demonyo ang natawag ko noon imbis na multo. Sina Kael, Miracle at Xena lang ang nakaaalam na may abilidad akong magtawag ng multo which seems to be a form of automatic writing. Ayoko ng ganitong abilidad dahil pakiwari ko sinumpa ako, pero sila mas natutuwa pa kaya sinubukan namin noon sa bahay ni Xena ngunit hindi multo ang natawag ko kundi isang demonyo.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality