"Your nightmares follow you like a shadow, forever." -- Aleksandar Hemon
CHAPTER 05
Second Dream
"ZAF, kumusta naman pag-overnight nila sa unit mo?" Nilingunan ko si Lewis na katabi lang ng upuan ko, naka-eyeglasses ito at nakangiti sa harap ko. Bumungad na naman sa akin ang nakasisilaw na brace niya.
Hindi naman siya mukhang nerd, trip lang siguro niya mag-eyeglasses at magbrace.
"Okay lang naman. Medyo nagkainitan lang sina Sha at Miracle. Pero bati naman sila." Iniwas ko ang tingin sa kanya at muling tumingin sa librong nirereview ko.
Noong gabing nag-overnight kami kung ano-ano ang mga sinasabi ni Sasha kaya nainis sa kanya si Miracle hindi kasi kami nakanood ng maayos pero kinabukasan nagkabati naman agad sila, hindi muna titira si Miracle sa unit ko sabay na lang daw sila ni Sasha sa paglipat next week. May pasok na ulit kami ngayon at mukhang late na naman silang tatlo, kami lang ni Lewis ang nandito. Hindi naman ako nababahala sa sinabi sa akin ni Sasha tungkol sa painting na nakasabit sa dingding ng kwarto ko tulad nga ng sabi ni Miracle baka paranoid lang ito.
Ilang minuto pa kaming naghintay ni Lewis kina Kael, Miracle at Sasha pero kahit isa sa kanila walang dumating. Dalawang subject lang mayroon kami ngayon at tig-dalawang oras lang iyon. Siguro si Kael tinamad na naman pumasok.
"Hindi papasok si Kael." Untag ng katabi kong si Lewis. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy na lang ang pagrereview ko. "Sina Miracle rin daw at Sasha." Agad akong napatingin sa kanya na hawak-hawak ang kanyang cellphone na nakatingin sa akin.
Napakunot ang noo ko at ibinaba ang librong hawak ko. "Bakit hindi sila papasok?!" Singhal ko sa harap niya at tumawa naman siya saka umiling.
"Tinatamad daw si Miracle, si Sasha naman masakit daw ang puson." Muli siyang tumawa na para bang may nakakatawa sa sinabi niya.
Tinitigan ko lang siya habang tawa siya nang tawa. Mayamaya pa'y huminto siya nang mapansin niyang nakatitig ako sa kanya. Pinagtaasan ko siya ng kilay saka ko siya inirapan. "Tagal dumating ng Prof natin, hindi kaya absent iyon?" Salita lang siya nang salita pero hindi ko siya pinapansin. Napakadaldal ng lalaking ito, hindi ko nga alam kung lalaki ba talaga ito o bakla.
Pero hindi naman siya bakla dahil may hitsura naman siya. Idagdag pa ang pagiging maputi niya tapos may pagkamatured ang mukha niya mas matanda yata siya sa akin ng dalawang taon.
Ilang minuto pa kaming naghintay para dumating ang Prof pero wala pa rin dumadating, halos makabisado ko na ang nirereview ko dahil paulit-ulit ko na itong binabasa.
"Zaf, mukha yatang wala tayong Prof." Bigla akong napahikab at isinara na ang librong hawak ko. Bahagya ko itong inilagay sa bag ko saka tumingin kay Lewis. "Cutting tayo." Bulong niya habang nakangisi.
Umiling ako saka siya inirapan. "Ayoko. Ikaw na lang kung gusto mo." Sambit ko.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality