"Death is near..."
CHAPTER 08
Mors Prope Est
LUMIPAS ang mga araw naging abala na kami sa kani-kaniyang gawain. May quiz kami next week kaya todo review kami, hindi pa rin lumilipat sina Miracle at Sasha sa unit ko dahil tinatamad pa raw sila. Naging normal naman ang mga nagdaang araw, nag-aasaran at pikunan pa rin sila pero mas naging malapit na kami sa isa't-isa. Buong akala ko ngayon ang birthday ni Lewis kaso nagkamali raw siya ng tingin sa kalendaryo, nakapagtataka dahil imposible namang makalimutan niya ang birthday niya.
Naging sanay na rin ako sa unit kong mag-isa at paminsan-minsang kinakausap si Jeah at pati na rin ang ibang kafloor ko.
"Zaf, kumain ka na ba?" Napahinto ako sa pagsusulat ng notes ko nang bigla akong tanungin ni Lewis na nasa tabi ko.
Ibinaba ko ang ballpen sa ibabaw ng papel saka siya tinignan. "Hindi pa." Napatango siya habang nakatingin sa akin.
"Mukhang wala yata tayong Prof, yayain kaya natin silang kumain?"
"Huwag na. Maghintay pa tayo baka may dumating."
Hindi na siya nagsalita at tinuloy ko na lang ang pagsusulat. May mga notes akong hindi naisulat kaya kailangan ko pang komopya. Ganoon din sina Miracle, Sasha at Kael itong si Lewis lang talaga ang masipag sa amin. Buti na lang at mukhang walang Prof dahil halos kalahating oras na yata kaming naghihintay ang iba naming blockmates lumabas na ng classroom.
Sa susunod na linggo birthday na ni Lewis hindi ko pa alam kung ano ang ireregalo ko sa kanya. Kahit na minsan hindi kami nagkaiintindihan, kami lang dalawa ang malapit sa isa't-isa at ang ikinatatakutan ko parang nahuhulog na ang loob ko sa kanya.
"Ang hirap magsulat!" Dinig kong sigaw ni Kael.
"Mas mahirap kung wala kang notes!" Pang-aasar naman nitong si Lewis.
Natawa na lang ako at muling bumalik sa pagsusulat. Itinuon ko lang ang atensyon ko sa ginagawa ko at hindi na lang sila pinansin. Habang tumatagal nangangawit na ang kamay ko, pero binaliwala ko ito dahil malapit naman na akong matapos sa pangatlong chapter. Sandali kong binitawan ang ballpen ko at bahagyang napasandal sa kinauupuan ko. Maingat kong ginalaw ang ulo ko dahil nangawit ito mula sa pagkakayuko medyo nakararamdam na ako ng antok pero nilalabanan ko ito. Sandali kong pinikit nang mariin ang mga mata ko saka huminga nang malalim at muling dumilat.
Hinawakan ko ulit ang ballpen ko at nagsimulang magsulat. Hindi ko na pinapansin ang mga nasa paligid ko lalo kong sineryoso ang isinusulat ko.
"Zaf." Awtomatikong napatigil ako sa pagsusulat at dahan-dahang inangat ang ulo ko mula sa pagkakayuko.
Bumungad sa akin ang isa kong blockmate na babae. "Bakit?" Hindi kami close nito at parang ngayon lang yata niya ako pinansin.
Sandali niya akong tinitigan at ganoon din ako sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba itong nakikita ko na parang ang dilim ng tingin niya sa akin at nanlilisik ang mga mata niya hanggang sa unti-unting napapaangat ang magkabilang dulo ng kanyang labi. "Mors prope est." Bulong niya nang nakangisi.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality