"One day your life will flash before your eyes. Make sure it's worth watching." -- Gerard Way
Chapter 26
Vanished Soul
HALOS tatlong araw na akong hindi natutulog simula noong napaginipan ko si Ate Shi, natatakot ako dahil baka sa susunod na bangungutin ako mas malala pa ang mangyari kahit na sobrang malala na ang nangyayari sa akin. Panay ang inom ko ng kape kahit na minsan nakararamdam pa rin ako ng antok pilit ko itong nilalabanan, bumabawi na lang ako sa pagkain at mga energy drinks lalo na kapag nasa school at tuwing nasa bahay naman ako nanonood na lang ako ng movie o t.v series, medyo nakahihinga ako ng maluwag sa ganitong ginawa ko dahil kahit papaano walang nangyayaring masama. Gusto ko sana magpatingin sa espesyalista tungkol sa nangyayari sa akin pero alam kong wala silang magagawa dahil kahit anong gawin ko hinding-hindi ko na ito matatakasan.
"Zaf, bakit parang lumalaki yata eye bags mo?" Agad akong napatingin kay Sasha habang nakapalumbaba siya sa kanyang desk.
Halos tatlong segudo yatang naumid ang dila ko sa kanyang tanong. "Ah..." Marahan kong hinawi ang iilang buhok na tumatakip sa aking mukha at nginitian siya. "May pinapanood kasi akong t.v series kagabi kaya medyo puyat." Bahagya akong tumawa sa aking sinabi upang hindi niya mahalatang kinabahan ako sa tanong niya.
Dahan-dahan naman siyang napatango habang ngumingiti kahit na may bakas ng pagdududa ang kanyang mga mata sa sagot ko. "Kailan mo pala balak bumili ng mga pagkain para sa field trip?" Naramdaman kong nakahinga ako nang maluwag nang ibahin niya ang usapan.
"Baka bukas na lang, kung gusto mo sabay tayo after class tutal hati tayo sa lulutuin nating ulam diba?" Dahan-dahang lumalawak ang ngiti niya sa sinabi ko.
"Oo nga pala!" Bigla siyang natawa nang medyo napalakas ang boses niya buti na lang wala pa kaming professor ngayon. "Mag adobo na lang kaya tayo Zaf? Iyon lang alam kong lutuin atsaka hindi rin masyadong magastos." Tinaas-taas niya ang kanyang dalawang kilay habang nakangiti sa akin.
Napailing ako sa ginawa niya kasabay nang mahina kong pagtawa. "Okay lang sa akin pero hindi ako marunong magluto, paano iyan?"
"Edi ako ang magluluto balak ko sana sabay na lang tayo pumunta rito sa school, bale bukas okay lang ba kung sa iyo muna ako matutulog?" Sa Sabado na kasi ang field trip namin at Thursday na ngayon.
Hindi agad ako nakapagsalita sa tanong niya, hindi dahil sa ayokong patulugin siya sa bahay pero natatakot ako baka may mangyaring masama sa kanya kung ako ang makakasama niya sa pagtulog.
Nakatitig ako sa mga mata ni Sasha habang nakatitig din ang kanyang mga matang naghihintay ng kasagutan ko. Napabuntong-hininga na lamang ako at tumango sa tanong niya kahit na labag sa kalooban ko. Bahala na kung anong mangyayari... Bahala na.
"Hoy ano iyang pinaguusapan niyo?" Napasinghap ako nang biglang sumabat si Lewis na nasa kabilang tabi ko, pinaggigitnaan nila ako ni Sasha at si Kael naman katabi ni Sasha natutulog.
Tinitigan ko ng masama si Lewis habang pabalik-balik ang kanyang tingin sa amin ni Sasha na may malawak na ngiti sa kanyang labi. "Kay Zaf ako matutulog sa Friday, sabay kaming pupunta rito sa school." Wala sana akong balak sagutin ang tanong ni Lewis at hindi na lang sana siya papansinin ngunit pinangunahan na ni Sasha.
Napatango naman si Lewis at akmang magsasalita sana siya nang biglang may pumasok na prof dito sa classroom namin. Sandaling nagturo ang prof namin at bigla itong nagpa-quiz, siya mismo ang nagbigay ng blangkong puting papel sa amin upang doon mismo sumagot.
Napailing na lang ako habang nilalagyan ng pangalan ang papel na ito. Sa tatlong araw kong walang tulog pakiramdam ko pagod na pagod ang utak ko hindi ko alam kung makakasagot ba ako sa quiz namin ngayon. Habang nagsusulat ang prof namin sa white board para sa quiz na ito hindi ko napigilang ihiga sandali ang ulo ko sa ibabaw ng desk, kanina ko pa nararamdaman na parang bumigat ang aking ulo at ano mang oras ay babagsak na ito.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality