"Tulad nito, isang voice recorder. Inosenteng tignan na aakalain mong walang laman sa loob, ngunit kapag pinindot mo ito maraming mga boses na hindi inosenteng maririnig mo. Nagpipilit na maging inosente ngunit bakas sa kanilang mga tono na hindi. Maraming hindi inosente..."-- P03 Dumlao
CHAPTER 16
The Psychic
*DANE LEWIS SEBASTIAN'S POV*
TAHIMIK lang kaming tatlo nina Kael at Sasha habang nasa labas at hinihintay si Zaf. Tulad nila hindi pa rin ako makapaniwalang wala na si Miracle, kahit na nararamdaman kong may kakaibang mangyayari sa kaarawan ko. Kaninang umaga tumawag sa akin si Kael at binalitang wala na si Miracle ay hindi ako naniwala pero nang marating ko ang unit ni Zaf at naabutan ko silang umiiyak ayaw man tanggapin ng buong sistema ng aking sarili pero kailangan. The first day of our friendship started I thought it'll be a normal college days, normal people in our surroundings, normal friendship and normal community but I was wrong, everything I thought normal are not.
Masaya. Naramdaman ko ang saya noong mga umpisa pa lang, kahit na laging nag-aaway sina Miracle at Kael ayos lang sa akin, wala namang problema iyon pero habang tumatagal nag-iiba. Ang mga kilos, ugali lalo na ang pananalita nila napapansin kong hindi na normal tulad ng dati sa bawat pagbitaw nila ng mga salita para bang may laman ito at kahulugan na mahirap tuklasin kumbaga listen between the lines.
Ilang buwan pa lang kaming magkakasama at magkakaibigan ngunit alam kong hindi iyon sapat upang makilala namin ang isa't-isa dahil habang tumatagal ay unti-unti na nilang nilalabas ang mga tunay nilang ugali. Kahit na patay na si Miracle aaminin kong ayoko sa kanya, mabait siya pero lahat ng tao may masamang ugali, siguro normal lang na kaayawan ko ang masama niyang ugali. Maganda si Miracle, maamo ang mukha na aakalain mong anghel, isang anghel na may tinatagong sungay.
Noong mag-iisang buwan na kaming magkakaibigan at magkakikilala unti-unti kong nakikita ang tunay na ugali ni Miracle. Inamin niya sa aking gusto niya ako, hindi iyon alam nina Kael, Sasha lalo na ni Zaf pero imbis na tanggapin ko ang alok niyang maging boyfriend niya, tinanggihan ko ito. Dahil alam kong ilusyon lang niya na magustuhan ako. Isang ilusyon lamang.
Noong tumuntong ako ng edad kinse nagbago ang lahat sa akin, akala ko sa tuwing nakararamdam ako ng parang mabigat sa aking dibdib at sumasakit ang ulo ko ay normal lang. Pero hindi, sa tuwing nararamdaman ko iyon ang kasunod niyon ay may hindi nangyayaring maganda.
Nag-umpisa ito noong namatay ang Mama ko, sa hindi malamang dahilan biglang bumigat ang pakiramdam ko, iyong pakiramdam na hindi ko pa nararamdaman at ang araw na iyon doon ko mismo naramdaman, kakaiba ito na sa buong sistema ng aking katawan, para bang hindi nararamdaman ng ibang tao... Mahirap ipaliwanag, dahil sa sobrang kakaiba nito.
Simula noong naramdaman ko iyon ang naging kasunod niyon nasagasaan ng truck ang Mama ko, noong una akala ko normal lang, akala ko aksidente lang pero hindi dahil sa mga sumunod na araw nararamdaman ko ang pakiramdam na iyon at ang kasunod trahedya. Para akong hindi tao, tingin ko sa sarili ko isang halimaw. Nararamdaman ko na ngunit hindi ko alam kung pipigilan o kung paano ko sila ililigtas, nakakatawang isipin na para ako isang superhero na mangmang.
Premonition, sabi ng isang Psychiatrist iyan daw ang tawag sa abilidad ko. Nalaman ko lang iyon noong tumuntong ako ng edad disisyete at huminto sa pag-aaral nang dahil sa nangyayari sa akin. Tinulungan ako ng tita kong nag-alaga sa akin simula noong namatay ang Mama ko. Pinatingin niya ako sa kaibigan niyang Psychiatrist, sinabihan ako ng doctor na huwag daw mag-alala dahil may dalawa o tatlo sa sampung tao na nagkakaroon ng ganitong abilidad. Walang gamot sa Premonition, ang ibang ispesyalista hindi naniniwala sa ganitong uri ng abilidad ngunit sabi ng Psychiatrist sa akin na huwag lang ako basta-basta magtitiwala sa nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality