"Happiness can kill you."
Chapter 29
Happy Moments
TOTOO nga talaga ang sabi ng karamihan kapag masaya ka sa isang bagay o kapag nag-eenjoy ka sa isang pangyayari bumibilis ang takbo ng oras. Nakarating kami kanina sa Enchanted Kingdom mga bandang alas-diyes ng umaga at ngayon alas-sais na, may usapan kasi na dapat saktong alas-syete ay nasa bus na kaming lahat kaya naman isang oras na lang ang natitira sa amin. Hindi kami naghihiwalay nina Kael, Lewis at Sasha dahil mahirap na baka maligaw kami kaya lahat ng pwedeng masakyan namin halos nasakyan na namin lahat, iyong iba kasi may bayad hindi kasama sa mga binayaran namin. Napag-usapan din namin na mamaya na lang kami kakain dahil baka masuka kami, ang iba kasi naming classmate nagkakandasuka-suka dahil sa mga nakahihilong rides.
Ito na yata ang pinakamasayang araw naming magkakasama, hindi nawawala ang mga ngiti sa aming labi at lalo na si Kael ngayon ko lang siya nakitang masaya at humahagalpak ng tawa.
"Ano ng last na sasakyan natin?" Natatawang tanong ni Sasha.
Isa-isa ko silang tinignan at natawa ako sa mukha nina Kael at Lewis, nakangiwi kasi sila ngunit halatang pinipigilan lang nila ang reaksyon ng kanilang mga mukha habang patingin-tingin sa mga rides na nakapaligid sa amin. Kanina pa kasi namin sila pinipilit ni Sasha na sumasakay sa mga rides na ayaw nilang dalawa ngunit wala na rin silang nagagawa kaya sumasakay na rin sila kahit ayaw nila. Sila pa ang pinakamalakas na sumigaw kaysa sa amin ni Sasha, kaya imbis na matakot kami natatawa na lang kami sa mga hitsura nilang dalawa.
"Sakay tayong flying fiesta!" Nangingiting sigaw ko at mabilis na nakipag-apir sa akin si Sasha.
"Ayoko!!!" Sabay na singhal nina Kael at Lewis sa amin at bigla silang natawa sa sarili nila.
Napailing ako habang inaayos ko ang aking buhok gamit ang mga daliri ko. "Sige hindi na, libre niyo na lang kami ng ice cream." Untag ni Sasha at narinig kong napabuntong-hininga si Kael.
"Umupo lang kayo roon, hintayin niyo kami." Napatango na lang kami ni Sasha sa sinabi ni Lewis at agad naman silang umalis ni Kael.
Sandali kaming naglakad patungo sa pahabang bakanteng upuan. "Hays!" Malakas na pagbuntong-hininga ang pinakawalan ni Sasha nang nakaupo na kami.
Sinulyapan ko siya habang palinga-linga siya sa kanyang paligid na may ngiti sa kanyang labi. "Grabe ang saya!" Mas lalong lumalawak ang ngiti niya kaya nama'y napangiti na rin ako.
"Sha, sakay tayo sa space shuttle." Agad siyang napalingon sa akin.
"Ngayon na?" Nagugulumihanang tanong niya.
Dahan-dahan akong napapatango habang nararamdaman kong lumalawak ang pagngiti ko subalit biglang napakunot ang kanyang noo. "Hintayin na lang muna natin sila Lewis." Aniya at bigla siyang nag-iwas ng tingin sa akin.
Bahagya kong niyugyog ang kanyang balikat. "Malayo pa iyong bilihan ng ice cream dito kaya kung sasakay na tayo ngayon maaabutan natin sila atsaka bonding na rin nating dalawa ito!" Ngising singhal ko sa kanya ngunit umiling lang ito.
"Ayoko Zaf."
Napabuntong-hininga ako at pasimple ko siyang inirapan. Tumayo ako mula sa aking pagkakaupo at humalukipkip ako sa harap ni Sasha, marahan siyang tumunghay sa akin nang nananatili pa ring kunot ang kanyang noo. "Kung ayaw mo, edi huwag ako na lang mag-isa ang sasakay!"
Pinagtaasan ko siya ng kilay at mabilis na naglakad palayo sa kanya kasabay nang pagngiti ko. Alam kong hindi ako matitiis ni Sasha, lihim tuloy akong natatawa.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality