"...Lahat ng tao naghahanap ng hustisya na para bang ang dali-dali lang hanapin kahit may pera ka o ikaw pa ang pinakamayaman sa buong mundo hindi mo agad mahahanap ang sinasabi nilang hustisya."
CHAPTER 14
Questions
HALOS isang oras na kaming tahimik kahit isa walang gustong magsalita at tanging ang mahihinang paghikbi lamang ni Sasha ang umaalingawngaw sa buong paligid. Nandito ngayon sina Kael at Lewis, halos sabay silang dumating sa unit ko nang malaman nila ang nangyari kay Miracle.
Isinugod si Miracle sa ospital ngunit wala na talaga itong buhay patay na siya nang idinala roon. Sa hitsura ng bangkay ni Miracle parang hindi tao ang pumaslang sa kanya halos nagkandalasog-lasog na ang kanyang katawan, hindi lang siya pinatay parang binababoy pa siya. Simula kagabi hindi na kami natulog ni Sasha, inabot na kami ng umaga sa ospital habang nasa morgue na ang bangkay ni Miracle, hindi ko alam kung galit ba ang mga magulang ni Miracle sa amin dahil kami ang huli niyang nakasama at maaaring isa kami sa mga pagbintangan.
"S-sino ang unang nakakita sa bangkay ni Miracle?" Basag ni Kael sa katahimikan, sa tono ng kanyang pananalita hindi maitatangging galit ang tinig nito.
Nanatili lang akong nakayuko at humihinga nang malalim. "Zaf." Bahagyang napaangat ang ulo ko sa pagbitaw ni Sasha sa pangalan ko.
Marahan ko silang isa-isang tinignan at hindi maipagkakailang bakas sa kanilang mga mata ang kalungkutan. "Zaf, wala ka bang ibang nakita sa mismong kinaroroonan ni Miracle noong gabing iyon?" Napatitig ako kay Kael na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko habang nasa bulsa ng kanyang pantalon ang kaliwa niyang kamay.
Diretso akong nakatitig sa kanyang mapanuring mga mata na para bang konting maling salita lang ang bibitawan ko hindi na ito maniniwala sa akin. Huminga ako nang malalim at umiling.
"Sigurado ka?" Umalis siya sa kanyang pagkakasandal at tumayo nang maayos.
Marahan akong tumango sa tanong niya habang nanatili pa ring nakatitig sa kanyang mga mata. Bahagya siyang naglakad papalapit sa pwesto ko at biglang umupo sa tabi ni Sasha na nakaupo sa sofa na kinauupuan ko. Konting distansya lang ang pagitan naming tatlo.
"Bakit lumabas si Miracle kagabi?" Biglang alingawngaw na tanong ni Lewis.
Dumako ang aking tingin sa kanya habang nakahalukipkip itong nakasandal sa lamesa.
Narinig kong suminghap si Sasha sa tanong ni Lewis. "May bibilhin lang daw siya sabi niya sa akin... Hindi ko alam na iyon na pala ang huli naming pag-uusap." Pumiyok ang boses ni Sasha at muli itong umiyak ng tahimik.
Sa aming lima sina ni Miracle ang pinakamalapit sa isa't-isa kaya alam kong sobrang sakit kay Sasha ang nangyari. Masakit din para sa akin dahil wala na si Miracle, wala na ang kaibigan ko... Kung sino man ang pumatay sa kanya mabulok sana siya sa kulungan.
"Bakit niyo kasi pinalabas si Miracle?! Bakit niyo hinayaan? Alam niyong gabing-gabi na at babae siya delikado sa labas!" Napaigtad ako sa malakas na tanong ni Kael.
Sinulyapan ko siya at bigla itong tumayo sa kanyang pagkakaupo. "Kayong dalawa ang huli niyang kasama! Kasalanan ninyo ito! Tangina!" Marahas siyang napasabunot sa kanyang buhok at naaninag kong may tumulong luha sa kanyang mga mata.
Nasa harap namin siya ni Sasha habang hindi pa rin nawawala ang galit sa kanyang aura. "Kung mga totoong kaibigan talaga kayo sana hindi ninyo siya pinalabas kagabi!" Muli siyang sumigaw sa harap namin habang pabalik-balik ang kanyang tingin sa aming dalawa ni Sasha.
Ambang magsasalita sana ako nang biglang nangunang nagsalita si Sasha. "Bago pa siya lumabas kagabi nanghingi pa siya sa akin ng tubig at sabi niya gusto niya ng softdrinks. Alam mo naman si Miracle kapag gusto niya masusunod! Pinigilan ko siya kagabi pero nagpumilit siya kaya wala kang karapatan Kael para pagsalitaan ako ng ganyan!" Dumako ang tingin ko kay Sasha at bumungad sa akin ang mugto niyang mga mata habang patuloy lang ang pag-agos ng kanyang mga luha. "Wala kang alam Kael! Kahit ang nararamdaman ni Miracle hindi mo alam! Dahil alam niyang kahit hanggang ngayon siya pa rin ang sinisisi mo dahil sa pagkamatay ni Xena!"
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Fantastique(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality