"Truth hurts. But lies can kill." --Karen Marie Moning
CHAPTER 15
White lies
NANG marating namin ang presinto bumungad sa amin ang iba't-ibang tao na nagkakagulo, mayroong umiiyak na babae at nagrereklamong binugbog siya ng kanyang asawa, mayroon namang isang lalaki na nagrereklamong pinagtulungan siyang bugbugin ng mga kaibigan niya ngunit ang mas nakaagaw ng atensyon ko ang isang matandang babae na umiiyak at naririnig kong bigla na lamang niya nakitang patay ang kanyang anak habang ito'y natutulog ngunit nagdudugo ang dibdib nito.
"Zaf, ano ka ba! Tara na!" Nagulat ako nang biglang higitin ni Sasha ang braso ko, itataboy ko sana ang kanyang kamay na nakahawak sa braso ko ngunit mahigpit ito. Wala na akong magawa kundi ang hayaan siyang hilahin ako sa gitna ng maraming taong nandito sa presinto.
Sinusundan lang namin ang dalawang pulis na sumundo sa amin, hindi ko alam kung saan kami dadalhin dahil masyadong malawak ang presintong ito hindi tulad ng ibang presinto na masikip at walang pasikot-sikot.
Maya-maya pa'y biglang tumigil si Sasha sa paghila sa akin at doon ko na lang napagtantong nasa isang maliit kaming kwarto. Agad kong pinasadahan ng tingin ang buong paligid sa silid na ito tanging ang isang maliit na lamesang bilog, dalawang upuan na nasa pagitan ng lamesa at isang ilaw na nasa kisame lamang ang nakikita ko, kahit ang bawat sulok ng kwartong itong walang kahit anong gamit o basurahan man lang. Hindi ko alam kung matatawa ba ako dahil ganitong-ganito ang napapanood ko sa mga pelikula o palabas sa t.v.
"Ms. Zafania Torres." Napasinghap ako nang banggitin ni P03 Dumlao ang aking buong pangalan.
Binaling ko ang aking tingin sa kanya habang mariin siyang nakatitig sa mga mata ko na para bang gusto niyang basahin kung anong nasa loob ng aking kaluluwa. "Ikaw lang ang maiiwan dito," Aniya at bigla niyang tinignan sina Kael, Sasha at Lewis na nasa tabi ko. "Sa labas muna kayong tatlo, si Ms. Torres muna ang tatanungin ko." Dugtong niya habang nakatingin sa mga kaibigan ko.
Narinig kong tumikhim si Kael. "Sabay-sabay mo na kaming tanungin." Malamig ang pagkakabitaw niya sa kanyang sinabi.
Nanatili lang akong nakatingin kay P03 Dumlao, kanina ko pa gustong basahin ang ekspresyon ng kanyang mukha ngunit para itong isang blangkong papel. "Si Ms. Torres muna ang tatanungin ko." May diin ang bawat pagbitaw niya ng salita na para bang konting imik mo lang ay sisigawan ka niya ngunit iba ang sinasabi ng hitsura ng kanyang mukha, blangko talaga ito na kahit buong magdamag mong titigan ang kanyang mga mata mananawa ka lang.
"Sige po, Sir P03 Dumlao." Narinig kong sabag ni Sasha.
Biglang naglakad si P03 Dumlao patungo sa gitna kung saan naroroon ang lamesang bilog at mga upuan. Hindi ko na binigyan atensyon pa ang paglabas ng mga kaibigan ko pinapanood ko na lamang ang bawat galaw ni P03 Dumlao hanggang naupo siya sa isang upuan.
"Ms. Zafania Torres." Biglang nabuhayan ang buong katawan ko, dali-dali akong nagtungo sa kanya at naupo sa kabilang banda ng upuan.
Napansin kong may maliit siyang notebook na nasa kanyang harapan at isang itim na ballpen. Narinig kong bigla siyang tumikhim kaya napatingin ako sa kanyang mukha, hindi ko alam kung kanina pa siya nakatingin sa akin o sabay lang kaming napatingin sa isa't-isa. Bahagya siyang may dinukot sa kanyang bulsa na isang maliit na record player, pinindot niya iyon bago nagsimula magtanong.
"Pangalan?" Diretso siyang nakatitig sa mga mata ko at nananatiling blangko ang kanyang aura.
"P03 Dumlao alam mo naman ang pangalan ko." Bahagya akong tumawa ngunit bigla akong napatigil nang marahan niyang tinapik-tapik ang lamesa gamit ang kanyang ballpen. Napalunok ako ng laway bago sumagot, "Zafania Torres." Nagsulat siya sa kanyang maliit na notebook kahit alam kong kanina pa nakasulat ang pangalan ko roon.
BINABASA MO ANG
Demon's Game Nightmare (COMPLETED)
Paranormal(COMPLETED) Sometimes nightmare can be a reality