Chapter 6
LUMIPAS ang limangpong minuto bago nakarating si Athena sa kanilang bahay. Tulad ng kanyang inaasahan ay matalim at mga nanghuhusgang tingin ang sumalubong sa kanya. She knew they were both livid judging from the cold, silent way they regarded her when she came in.
Her parents are both professors at a famous university, prided themselves on being rational, thinking people who used words instead of fist, and the quieter, and the calmer the tone, the better.
"Explain!" Magka-krus ang kamay ng kanyang ina na hindi manlang siya hinintay na maupo sa sofa. Ang kanyang ama naman na nakaupo at nakatutok sa lesson na hawak ay parang walang pakialam sa kanya.
Napabuntong hininga siya. She didn't really want to explain anything to them. As much as possible, she'd rather keep it to herself until she give birth. But of course, she still respect them as her parents.
"I am sorry, you found out the way you did."
"Kay Jay ba iyan?" Alona, her Mom asked in her breathy voice, hope lighting up her face.
Palaging naiisip ni Athena na mas maganda ang kanyang ina kung ngingiti lang ito. Pareho sila ng hugis at kulay ng mata at kung sa pananamit naman ay mas magara ang suot ng kanyang ina kumpara sa kanya na sa ukay lang nabibili ang mga damit.
Her Mom has a very slender and tall body, which she envy the most. Her morena skin was smooth and ageless. Her hair was always kept in a chic bob and she wore very little make up. Kaya kahit may edad na ito ay marami paring humahanga sa angking ganda ng kanyang ina.
They are very much alike and she hates being compared to her mother.
Umiling siya. "Hindi si Jay." Sagot ni Athena at hinanda ang sarili para sa matatalim na tingin ng kanyang mga magulang.
Dahil sa kanyang sinabi ay ang kanyang ama ang unang nanigaw sa kanya, binabato siya ng kung anu-anong akusasyon na hindi niya alam kung tama bang sabihin ng isang ama.
"Kaya ka iniwan ni Jay, nanlalaki ka kapag nakatalikod siya." Kalmadong sabi ni Allen Bernardo, ama ni Athena, ang kamay nito ay nakapatong sa mabilog at malaki nitong tiyan, resulta ng mga pagkain at alak na iniinom nito. Bilid siya sa kanyang ama dahil kahit na may tensyon na sa isang argumento ay hindi ito nagtataas ng boses, pero hindi ibig sabihin na hindi masakit ang mga salitang bumibitaw sa mga bibig nito.
To Athena, she'd found it reassuring somehow. But as she got older, she'd slowly come to realize it was his brand of intimidation.
Madalas ay natatanong niya sa kanyang sarili kung anong klaseng tao ba ang kanyang mga magulang bago nagkakilala ang mga ito. Madalas kapag nagkakausap sila ng kuya Zeus niya ay tinatanong niya kung anong klase bang ina ang kanilang ina, ngunit dahil lumaki ang kuya niya na hindi naramdaman ang kalinga ng isang ina ay wala itong maisagot sa kanya.
"Jay, cheated on me first, Dad. He left me for one of my closest friends. Pinahiya niya ako at hindi ko na alam kung paano pa i-explain ang lahat sa inyo." Athena blurted out. Pagod na siyang ipagtanggol ang sarili lalo na sa kanyang mga magulang. Pagod na siyang hangarin ang pagmamahal at suporta sa dalawa. Magulang niya ang mga ito at dapat ay siya ang pinagtatanggol ng mga ito at hindi si Jay.
"Malamang ay may ginawa ka para mapunta siya sa babaeng 'yon!" Pagtutuloy nito.
"You are unbelievable!" Hindi na niya napigilan pa ang magtaas ng boses dahilan para magulat ang kanyang mga magulang sa tono ng pananalita niya. Kahit kailan ay hindi niya nagawang magtaas ng boses sa kanyang mga magulang o kahit na kanino dahil iyon ang turo sa kanya ng mga ito. "Sinaktan niya ako. Pinahiya niya ako. Anak niyo ako!"

YOU ARE READING
Hate To Want You
Любовные романыAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...