Chapter 9ILANG araw ang nakakaraan nang muli siyang makatanggap ng tawag mula sa pangalang mrs. Romero. Tiningnan rin niya ang email niya upang malaman kung anong kompanya ang tumanggap sa kanya, pero wala siyang nakitang kahit na ano roon.
Inaasahan niya na makakapasok siya sa Romanov pero hindi iyon ang nakita niya sa email.
Kunot noo niyang ibinalik ang atensyon sa kausap sa kabilang linya. "Ahm, may I ask which company is this?"
"Tuazon Express, ms. Bernardo."
Halos malaglag ang puso ni Athena nang marinig ang pangalan ng kompanya. Tatlong taon niyang iniiwasan ang kahit na anong konektado sa ama ng kanyang mga anak. Sinong mag-aakala na ito mismo ang lalapit sa kanya? Pero hindi naman siya lumapit rito at wala siyang balak na lumapit, kaya naman nakapagtataka na bigla bigla ay tatawag ito sa kanya.
"I am sorry, pero wala ho akong natatandaan na nagpasa ako ng resume at nagpa-interview sa Tuazon Express. Baka nagkamali lang ho kayo ng tinawagan?" Aniya. Sana nga ay tama ang hinala niya, na namali lang ang babae.
"You are Athena Bernardo, 27 years old and used to work at Imperial Industrial in Spain. Is that correct?"
Nalaglag ang kanyang panga. "Y-Yes."
"Then we are not mistaken." Hindi niya maramdaman ang emosyon sa tono ng babae. "I am going to arrange an interview for you tomorrow at lunch at a hotel. Don't be late, ms Bernardo."
Bago pa man siya makapagsalita ay ibinaba na nito ang tawag. Naiwan siyang nakatanga sa screen ng kanyang cellphone at ipinu-proseso ang nangyayari.
How can she accept an interview from Tuazon Express when that is the company of her twins father? At sa dinami dami ng kompanya na tatanggap sa kanya ay bakit iyon pa na wala naman siyang balak pasukan.
Pero kung itataas niya ang kanyang pride ay baka hindi na dumating ang gano'ng pagkakataon sa buhay niya. Kung hindi niya tatanggapin ay baka kung saan na sila pulutin ng kanyang mga anak gayong kaunti na lang ang meron sa kanyang credit card.
Nagpakawala siya ng buntong hininga saka nagdesisyon na tanggapin na ang interview at kung papalarin ay ang trabaho. Ang ipinagdarasal lamang niya ay hindi si Blake ang pagsisilbihan niya. Iyon lang at wala ng iba.
Mabilis niyang tinawagan ang kanyang mga kaibigan upang tulungan siyang magprep sa interview bukas at kaagad naman na dumating ang mga ito ng hapon at tinulungan siya sa kanyang mga anak sa panggabing routine ng mga ito. Inilapag nila ang mga anak sa sala upang maglaro.
"Sigurado ka na ba sa gagawin mo?" Tanong ni Dennise na mukhang mas kinakabahan pa sa kanya. Nasabi na niya sa mga ito kung anong kompanya ang tumawag sa kanya para sa interview at hindi na siya nagulat sa reaksyon ng mga kaibigan.
"Alam kong wala akong gaanong experience, but how hard can it be?" Kibit balikat na aniya. "I am hoping it's a junior assistant role so that we don't cross path. Kung junior assistant lang, I am sure it's mostly setting up meetings and running errands, right? Ginawa ko iyon sa Imperial Industrial."
"Well, your brother has been nothing but nice to you. He never really gave you a heavy loads of work. Iba ito, Athena." Saad ni Sofia. "And you know that's not what we meant. Tuazon Express. Blake Tuazon. The twins father."
Athena stared at her blankly.
"He's the CEO." Dennise stated the obvious as she carry Selene.
Masaya siya na komportable na ang kanyang mga anak sa kanyang mga kaibigan. Pero si Dennise ang pinakapaborito ng dalawa dahil ito ang palaging nasa bahay niya.

YOU ARE READING
Hate To Want You
RomanceAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...