Chapter 7

1.3K 87 7
                                    


Chapter 7

Three years later...

ANG MGA kaibigan ni Athena ay naghahanda na na batiin siya sa harap ng gate ng kanyang bagong bahay nang iparada niya ang kanyang sasakyan. Ibinaba niya ang bintana ng kanyang sasakyan upang kawayan ang mga ito.

Ang nabili niyang bahay ay hindi gano'n kalaki kahit na nasa loob ng village. Mas gusto kasi niya na nakakapa niya ang bawat bahagi ng kanyang matitirhan. Kahit na ayaw ng kuya niya na mahiwalay siya rito ay ayaw niyang makitira sa tahanan nito lalo na at may mga anak na rin ito.

Her brother has twins as well. Hindi siya makapaniwala na sa tinagal tagal na pagiging single ng kuya niya ay sinong mag-aakala na may asawa at anak na pala ito. Dahil sa hindi naman sila magkasama ay hindi niya alam kung anong klaseng buhay ang meron ang kuya niya.

Zeus has been born with a silver spoon on his mouth. Because his father's family are so wealthy, they don't have to worry about everything else.

Bumaba siya driver seat at nagtungo sa backseat kung saan natutulog ang kanyang kambal sa car seat ng mga ito. Napangiti siya nang makita ang mapupulang pisngi ng mga anak niya na kaysarap pisilin. Ngunit pinigilan niya ang sarili upang huwag gisingin ang dalawa.

Pero hindi nagtagal nang lumapit ang mga kaibigan niya at isa isang dinampot ang mga anak na biglaang nagising dahil sa tilian ng mga kaibigan. Mabuti na lamang at hindi iyakin ang kanyang mga anak kapag nagigising.

"Guys, they're sleeping!"

"Gising na sila!" Wika na Clara na siyang bumuhat sa anak niyang babae.

Si Dennise naman ang bumuhat sa anak niyang lalaki na salubong ang kilay habang nakatitig sa kanya. Dahil doon ay ang maasul na mga mata ni Artemis ang una niyang napansin.

Hanggang ngayon ay hindi parin siya makapaniwala, na siya ang nagdala ng siyam na buwan at nagluwal sa mga ito ngunit ni isa sa dalawa ay hindi manlang nakakuha ng kahit na ano sa kanyang mukha. Maliban na lamang sa dimples niya ay wala ng iba na nakuha ang mga bata. Lahat ay sa ama ng mga ito.

Napailing na lamang siya saka bumaling sa bagong bili niyang bahay. Napangiti siya at labis ang saya na nararamdaman habang nakatingin sa bahay.

It was the first house she bought after one year of working as her brother's secretary. She'd done it, bought her first home. It was small, only three bedroom, but since it was a corner lot, she had a bit of extra yard space. With a growing rumbustious twins, she'd need plenty of yard space.

Muli niyang binalingan ang kambal niya nang umangal na ang mga ito at pilit na inaabot siya. Her heart swelled with the love so intense she thought it would burst in her chest. They were the love of her life, the light that pulled her out of the darkest days. The moment she knew their existence, she began to live and breath for them.

Kahit na mabigat ay kinarga niya ang dalawa niyang anak na siniksik ang mga ulo sa kanyang leeg. Nakanguso naman ang kanyang mga kaibigan na hindi nakontento sa pagkarga sa mga anak.

Natatawang inirapan niya ang mga ito. "You'll get your chance once they are in a good mood. Ginising niyo kasi."

Sabay sabay silang nagtungo sa kanyang maliit na tahanan. Ibinaba niya ang kanyang dalawang anak sa sahig at ang mga ito ay inabala na ang mga sarili nang makita ang mga laruan na nasa isang kahon.

Ang iba sa kanilang mga gamit ay naroon na dahil sa tulong ng kuya Zeus niya kaya napadali paglipat nila. Ang ibang mga gamit na naroon, tulad ng sala set, mga crib, kama, at mga gamit sa kusina ay binili ng kuya niya upang makapagsimula siya.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now