Chapter 10

1.3K 100 5
                                    


Chapter 10

"MS. BERNARDO." A low, raspy voice jolted Athena out of her daze. Umikot siya upang makita ang matangkad na babaeng may puting buhok na sa bungad ng noo nito. Ang tingin nito ay may buong kyuryusidad sa kanya.

Parang nakita na niya ang babae, pero hindi lang niya matandaan kung saan.

"Ako nga pala sa Rica Romero." Inilahad nito ang kamay sa kanya.

Nang tanggapin niya ang kamay nito ay inaasahan niya na may kahinaan na ito dahil narin sa katandaan, pero namamangha siyang may lakas pa ito na pisilin ang kanyang palad.

"It's a pleasure to meet you."  Sabi niya saka bahagyang yumuko bilang pagrespeto sa matanda.

"Sumunod ka sa akin." Tinalikuran siya nito at naglakad patungo sa interview room sa mismo ring palapag. Siya naman ay sumunod sa matanda at hindi na tinanong kung sino ang magiging boss niya. Umaasa kasi siya na hindi si Blake at alam niyang imposible na ang lalaki ang magiging amo niya.

Nang pumasok sila roon ay bumungad sa kanya ang isang malawak na silid na may malapad na mesa at ilang upuan. Habang naghahanda si Mrs. Romero ng tsaa para sa kanila ay ibinahagi nito sa kanya ang posisyon nito sa Tuazon Express.

Mrs. Romero are in charge of the administration office. All the secretaries, personal assistants and office support personnel reported to her. She made the 'hiring and firing' decisions.

"So?" Panimula ni mrs. Romero nang ilapag nito ang tsaa sa mesa. "Why do you want to work for Tuazon Express? You don't have much experience in office support."

"Ahm, I work in Imperial Industrial in Spain." Aniya. Gusto niyang sabihin na hindi siya nag-apply sa Tuazon pero dahil desperado siya sa trabaho ay hindi na niya iyon binanggit pa. Bagkus ay naging prangka siya, oo at wala siyang gaanong experience sa trabaho dahil hindi naman mabibigat ang ibinibigay sa kanya ng kuya niya dahil nagdadalang tao siya noon at hindi rin iyon ang trabaho na gusto niya.

But she was a quick learner and would work twice as hard as her peers because this job was her lifeline.

"How so?"

"Well," Athena began as she pushed her glasses, a clear sign she's nervous as fuck. "I am a single parent and recently bought a house. I need a permanent job to support my twins."

"How old is your twins?"

"2 years and a month."

Tumango ang matanda. "I'll be honest with you, you don't have a lot of experience, and the role is extremely demanding."

"I am not afraid of hardwork." Mabilis niyang sambit.

"Hindi iyon ang ikinababahala ko." Anito. "It's the executive you'll be working closely with. He's demanding, sometimes unreasonable, your life has to revolve around him. Kapag tumatawag siya, hindi ka pwedeng magtanong, kailangan mong magpakita. Hindi mo pwedeng hatiin ang oras mo sa trabaho, mga kaibigan at kung anu-ano pa. You have to sleep, eat and breath the job."

Napalunok si Athena dahil mukhang hindi magandang boss ang makakasama niya araw araw. Kung sinuman ito.

"He has a fiery temper; as a result, staff calls him 'Dragon' because when his unhappy, he breathes fire." Nakangiting saad nito.

"He sounds terrifying." Mahinang sabi niya.

"He is," tangong sambit nito. "But he is a generous man." Dagdag nito saka kinuha ang isang papel sa hawak na file at ipinasa sa kanya.

"That's how much he's offering for the role."

Habang nakatingin si Athena sa papel at sa ilang numero na nakasulat roon ay kulang nalang ay malaglag ang kanyang mga mata dahil sa laki ng pagluwa niya.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now