Chapter 17DETERMINADONG isantabi ang galit at sakit na nararamdaman at kinalimutan ang nangyari kanina sa breakroom, ginugol ni Athena ang buong atensyon sa kanyang magiging trabaho.
At dahil sa natatakot siyang galitin na naman si Blake ay hinintay na lamang niya si Mrs. Romero at si Kate na siyang tumulong sa kanya para sa magiging schedule niya sa araw na iyon.
Kate granted her initial access and reminded her to change her password, while mrs. Romero briefed her about Blake's schedule for the day.
Bilang parte ng kanyang training, ay kailangan niyang umupo sa mga meetings ng buong araw, i-coordinate ang gym visit ni Blake sa personal trainer, ayusin ang lunch time nito, kunin ang mga damit nito sa laundry shop, at gumawa ng mga reports at presentations.
Para kay Athena ay napakaraming trabaho iyon sa buong araw, pero wala siyang karapatan na magreklamo lalo na at malaki ang demand niyang sweldo.
Nasa kalagitnaan siya ng pag-gawa ng kanyang schedule nang huminto sa desk niya ang dalawang matangkad at matipunong lalaki na nakipagkwentuhan pa kay Kate at mrs. Romero bago itinuon ang atensyon sa kanya.
"You must be Athena, I am Carson and this is Calvin, my twin brother." Nag-angat siya ng tingin sa dalawa at napagtanto na nasa lalo ng mga ito ang kambal na akala niya ay nakuha niya sa kanyang ina gayong kambal rin ang anak ng kuya niya.
They were both dark-haired but they aren't look-alike. Makikilala niya kung sino si Carson at kung sino si Calvin sa dalawa base na rin sa ugali at kilos.
Pero hindi maipagkakaila ang angking kagwapuhan ng dalawa, na tulad ni Blake ay tiyak na hahabulin ng mga babae.
"It's a pleasure to meet you, sir." Tinanggap niya ang nakalahad na kamay ni Carson at saka niya sinunod si Calvin na may pilyong ngisi sa labi. Gayunpaman ay hindi siya nakaramdam ng ilang sa ngiting iyon.
Kaagad niyang binawi ang kamay kay Calvin. "Tatapusin ko lang ang trabaho ko." Aniya saka ibinalik ang atensyon sa laptop.
"Ofcourse." Nasisiyahang ani Calvin na para bang meron itong alam na hindi niya alam–at ayaw nitong sabihin sa kanya. Hindi niya maiwasang maalala sa lalaki ang kanyang pilyang kaibigan na si Clara.
"See you later," sabi ni Carson at kinawayan pa siya bago hilahin ang kapatid na si Calvin papasok sa loob ng opisina ni Blake.
"They are both second in command," paliwanag ni Mrs. Romero nang mawala na sa kanilang paningin ang dalawa. "Sila ang in-charge kung nasa business trip si Blake. Si Carson ang namamahala sa Marketing, PR and Comms. Si Calvin naman ang ulo pagdating sa lahat ng financial areas in the business."
"Ok." Sabi ni Athena. "Should I be taking notes? I feel like I should be taking notes."
Natawa si mrs. Romero sa pagkataranta niya. "Relax. Hindi mo kailangang mag-quiz sa buong maghapon."
"Hinga lang." Dagdag ni Kate. "Kaya mo 'to!"
"Kaya ko 'to!" Pinalakas ni Athena ang kanyang loob. Pero alam niya sa kaibuturan ng kanyang puso ay hindi niya kaya, lalo na at si Blake ang boss niya. Natatakot siya na sa loob ng isang araw ay susuko siya sa kaunting pag-usok lamang nito.
She was swimming panic-creep as she watched the emails in her inbox and her laptop chime incessantly.
"I've sent you Mr. Tuazon's dietary requirements," si Mrs. Romero na ang nagbukas ng inbox niya upang ipakita sa kanya ang iba't ibang schedule ng pagkain ni Blake sa isang bawat linggo. "Hindi siya nagbi-breakfast. Mas gusto niya ang macchiatos and Americanos from his favorite coffee shop, diyan lang sa baba. Kapag sinabi mo ang pangalan ni Blake, alam na ng mga barista kung ano ang gagawin. Hindi mo na rin kailangang problemahin ang tanghalian niya dahil ang mismong ina ni Blake ang gumagawa ng lunch para sa kanya. Ang tangi ko lang paalala sa'yo ay tingnan mo ang dietary list niya as soon as possible. It's important."

YOU ARE READING
Hate To Want You
Roman d'amourAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...