Chapter 23

1.1K 89 11
                                    


Chapter 23

ATHENA found herself sitting on her chair inside her small office. She promised herself that she will no longer come and work in Tuazon Express. Pero nang ilatag ni Blake sa kanya ang mga kontrata at kung ilang salapi ang mawawala sa kanya kapag ipinagsawalang bahala niya ang kontrata ay wala na siyang nagawa kundi ang pumayag sa gusto nito.

Ayaw naman niyang humiling sa kuya niya dahil maging ito ay may problema rin. Lalo na at nalaman niya kung anong klaseng tao ang kuya niya.

Kaya naman wala na siyang magagawa kundi ang tanggapin ang sitwasyon niya ngayon.

Pero sa isang kondisyon. Si Carson parin ang boss niya. Hindi na niya idinagdag pa ang iba pang mga kondisyon dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi makikinig sa kanya si Blake.

Sino nga ba naman siya? Isa lamang siyang empliyado at wala na siyang magagawa roon. Ang hiling lang niya ay huwag na sana nitong yurakan ang pagkatao niya dahil durog na durog na siya.

Kaya naman naisip niyang iwasan ang hallway kung saan ang office ni Blake na mukhang sinadyang itaas ang blinds upang makita kung ano ang mga galaw sa labas. Mabuti na lamang at mabait si Carson na siyang nagdadala ng mga dokumento sa kanya upang gawin niya. Naiintindihan nito ang kilos niya.

Ngunit sadyang kahit na anong gawin niya ay gagawa at gagawa talaga si Blake ng paraan para mapatawag siya sa opisina nito. Ilang beses niya iyong tinanggihan pero hindi na niya maatim ang paulit ulit na pagpunta ni Kate para tawagin siya. Naawa siya rito at ayaw na niya itong abalahin pa.

Inis siya napabuntong hininga nang matanaw si Blake mula sa loob ng office nito. Nakatalikod ito at may kausap sa cellphone. Base sa kilos nito ay mukhang nakikipagsigawan ito sa kausap.

Napailing siya at hinintay itong matapos bago kumatok. Nang humarap ito at magtama ang kanilang mga mata ay kinaway nito ang kamay upang papasukin siya. Hindi naman napigilan ng puso niya ang tumibok ng mabilis dahil sa mala-adonis na lalaki.

Lihim niyang sinuway ang sarili at pinaalalahanan na hindi na ito pwede pang paglawayan.

Nilunok pa muna niya ang laway na muntikan ng tumulo sa kanyang bibig dahil sa kakisigan ni Blake bago pumasok. Hindi niya alam kung tahimik lang si Blake na nakikinig sa kabilang linya o pinagmamasdan nito ang galaw niya papalapit sa mahogany table nito. Hindi niya mabasa kung ano ang nasa isip nito.

Pakiramdam niya ay nag-init ang kanyang mukha dahil sa uri ng titig nito. "You wanted to see me?" Nag-iwas siya ng tingin upang itago sa lalaki ang pagkailang niya sa titig nito.

Ibinaba ni Blake ang tawag at umupo sa swivel chair nito. Iminuwestra nito ang visitor's chair para sa kanya pero wala siyang planong tumagal at makipag-usap kay Blake.

All she want was to be over whatever he wanted to discuss with her and leave before her heart beats for him. Before her desire to take his lips win.

Marahas siyang umiling.

Dinig niya ang pagbuntong hininga nito. At kung anumang emosyon ang nakita niya sa mga mata nito ay naglaho at napalitan ng malamig na emosyon. "The research on influencers, where are we?" Pinagsiklop ni Blake ang mga braso nito dahilan para makita niya ang pag-galaw ng muscles nito, animo'y gustong kumawala sa kasuotan, at nasusukso sa kanya.

Napalunok si Athena at napapikit, pilit na binubura ang maduming naisip.

"So?" Taas ang kilay na anito, ang ngisi ay dahan dahang ngiti at nagyayabang. Na para bang nabasa nito kung anumang pumasok sa kanyang isip.

"Anong research, sir?" Tanong niya. Alam niya kung anong research ang tinutukoy nito. Pero mas pinili niyang mag-maang maangan para makapag-isip ng sasabihin na hindi siya mabubugahan ng apoy.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now