Chapter 43HINDI na nagulat pa si Athena nang pagdating niya sa opisina ay wala roon si Blake. Kagabi matapos ang kanilang pag-uusap tungkol sa sensitibong bagay na nangyari sa kanya noon ay humingi ito ng tawad sa kanya. Bagama't bukal sa loob nito ang paghingi ng tawad ay nag-iba ang emosyon nito at hindi niya maipaliwanag.
Kaagad ring umalis si Blake sa kanyang bahay at hindi na siya tinawagan pa. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito at natatakot siyang hulaan iyon.
Umupo siya sa kanyang upuan at inumpisahan na ang mga gawain bago pa man siya maunahan ni Blake. Gusto niyang matapos siya bago ito dumating upang makapag-usap silang dalawa.
Hindi pa man niya nabubuksan ang unang files sa kanyang mesa ay bumukas ang pinto at pumasok si Kate na badha ang pagkagulat nang makita siya.
Kumurap pa ang mga mata nito. "Anong ginagawa mo rito?"
"Nagtatrabaho?"
"I mean, akala ko ay kasama ka ni boss sa UAE."
"UAE? Anong ginagawa niya doon?"
"Hindi mo alam?"
Umiling siya. Hindi niya alam na meron itong pupuntahan at bilang personal na assistant nito ay dapat alam niya ang mga lakad na meron ito.
"Anong nangyari?" Ibinaba niya ang folder na hawak at ang buong atensyon ay na kay Kate lamang.
"Hindi ko alam." Anito. "Pero ang aga na dumating ni Carson at Calvin. Nasa loob lang sila ng kanilang mga opisina at tarantang taranta ang mga assistants nila kanina pa. Hindi ko sila matanong kasi classified daw. Kaya nga nagpunta ako dito, kasi akala ko alam mo."
Dumako ang kanyang mga mata sa pintuan ng kanilang opisina nang mapansin ang ibang mga assistant at empliyado na nakatingin at naghihintay ng kanyang sagot.
Umiling siya nang ibalik niya ang tingin kay Kate. "Hindi ko alam."
Tumango si Kate at nalilito kung bakit hindi niya alam. Lahat ng empliyado ng Tuazon ay alam kung ano ang relasyon nila ni Blake at bilang isa sa assistant nito ay alam niya dapat ang bagay na iyon kahit pa ito ay urgent ay dapat na nag-paalam ito sa kanya.
Pakiramdam niya ay wala siyang kwentang assistant kung ang bagay na napaka-importante ay hindi niya alam.
"Baka dahil sa kamamadali ay hindi na niya nasabi sa'yo?" Ani Kate nang mapansin nito ang ekspresyon ng kanyang mukha.
Tumango siya. Sana nga ay iyon lamang ang dahilan. Hindi na siya kinausap nito kagabi o tinawagan. Kaya naman nakakapagtaka na hindi nito sabihin sa kanya kung ano ang nangyayari sa negosyo nito.
"May problema ba?" Tanong ni Kate sa kanya.
Umiling siya at tipid na ngumiti. "Wala naman."
Tumango si Kate at nagtungo sa mesa ni Blake upang kunin ang mga files na gagawin nito ngayong araw. Pagkatapos ay nagpaalam na sa kanya at naiwan siyang balisa.
Tumayo siya sa kanyang upuan saka kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan si Blake, ngunit makailang tawag na siya ay dinadala lang siya nito sa voicemail ni Blake.
"Answer your phone." Inis na aniya.
Kalaunan ay sumuko na rin siya at bagsak ang balikat na bumalik sa kanyang upuan. Napailing at inumpisahan na ang kanyang mga gawain. Marahil ay busy ito kaya mamaya na lamang niya ito tatawagan.
Abala siya sa pag-aasikaso ng next week schedule nito nang mapansin niya mula sa labas ng opisina ang mga kapwa niya Assistant na sabay sabay na nagtungo sa boardroom. Bumukas ang pintuan at pumasok si Kate roon.
![](https://img.wattpad.com/cover/289628122-288-k101187.jpg)
YOU ARE READING
Hate To Want You
RomanceAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...