Chapter 34

1.1K 105 12
                                    


Chapter 34

"BLAKE!"

Hindi pinansin ni Blake si Lilian at patuloy lamang sa paglalakad patungo sa sasakyan niya na nakaparada sa driveway ng restaurant.

Kuyom ang kanyang kamao at wala siya sa mood na kausapin ito dahil baka kung saan dumapo ang kanyang kamay sa labis na galit.

Nagpupuyos siya sa dating kasintahan dahil sa ginawa nitong pagsira sa dapat sana ay maayos na gabi nila ni Athena. At kung nararamdaman man nito ang galit niya ay mas makakabuting lumayo ito sa kanya.

Ngunit dahil ito ay si Lilian na isang abogado at ayaw magpatalo alam niyang hahaba ang gabing iyon sa kanilang dalawa

"Talk to me!"

"What is there to talk about?" Hindi niya hinarap si Lilian dahil tiyak niyang mandidilim lang ang kanyang paningin. "You ruined everything, Lilian."

"Sigurado ka ba sa sinasabi mo? Ako ba talaga? O ang babaeng 'yon? Kaya ba nanlalamig ka sa akin? Dahil may babae ng nagpapainit sayo?"

As much as he wants to avoid Lilian, her using Athena, trigger him to the core. Mabilis siyang humarap rito at malalaki ang hakbang na nilapitan niya si Lilian. Pinipigilan niya ang sarili na sakalin ang babae. "Don't you ever!" Duro niya sa mukha nito.  "She is not like that compared to you!"

Sarkastiko itong natawa pero nagbabadya ang mga luha sa mga mata nito. "You never defend me like you did to her. Never in our relationship have I ever heard you protect me, even from your family.."

"Matagal ng may lamat ang relasyon natin, bago pa pumasok si Athena sa buhay ko." Malamig na aniya. "To tell you the truth, Athena came in to my life first."

Nakikita niya sa mga mata ni Lilian ang sakit dahil sa sinabi niya. Pero wala siyang pakialam. Mas mabuting malaman na nito kung hanggang saan lang ang ito sa buhay niya at sino talaga ang nagmamay-ari ng puso niya.

"She never left my mind and you.. you were just a distraction." Kibit balikat na sabi niya dahilan para bumugso ang emosyon ni Lilian. Ang kaninang tapang na nakapaskil sa mukha nito ay tuluyang natunaw sa labis na sakit. "Binigay ko naman lahat, mapasaya ka. Luho mo—"

"But never your heart." Putol nito sa kanya. "The only thing I truly wanted."

Hindi siya nakapagsalita. Marahil ay meron rin siyang pagkakamali sa kanilang naging relasyon at medyo naiintindihan niya kung saan ito nanggagaling.

Ang kanilang relasyon ay kaswal lamang. Naghihiwalay man at nagkakabalikan rin dahil pareho silang may kailangan sa isa't isa. Para sa kanya, sa loob ng tatlong taon ng kanilang relasyon ay nasanay na lamang sa prisensya ni Lilian, pero kahit na anong gawin niya ay hindi niya nagawang ibigay rito ang kanyang pagmamahal. Isang bagay na madali lang para kay Athena na makuha.

Iyon ang kauna-unahang pagkakataon na makita niya si Lilian sa ganoong sitwasyon. Ang Lilian na kilala niya ay matapang, sa korte man o 'di kaya ay sa ibang bagay. Seeing her genuinely cry infront of him, makes him realise he hurt her too. But nothing can hurt him the way he saw how hurt Athena was after Lilian told her about vasectomy.

Oo, noon ay naisip niya na gawin iyon dahil wala naman talaga siyang plano na magkaanak kay Lilian. Hindi niya nakikita ang sarili na maging isang ama dahil narin sa kanyang mga problema.

Pero ngayon na bumalik si Athena ay napagtanto niyang hindi masama ang mangarap na magkaroon ng mga anak. At nasira lahat ni Lilian iyon, kaya kahit gusto niyang kaawaan ito ay mas nangingibabaw ang galit niya rito.

"You're right, I never truly love you. I thought you knew that!" Sigaw niya rito.

"Bullshit!" Angil nito. "Babae ako, Blake. I want to feel wanted and love. Yes, I may used your money for my pleasure, but deep down in me.. what I really want was for you to atleast spend time with me. Nag-expect ako sa relasyon natin, kasi karapatan ko 'yon! Girlfriend mo ako!" She cried. "You never take me on a date, siguro sa bar kapag gusto mo magpakalasing, but never in a fancy restaurant like this!

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now