Chapter 40

1.2K 91 12
                                    


Chapter 40

HINDI maipinta ang mukha ni Blake nang dalhin niya si Athena sa loob ng private room na kanyang ni-reserved para sana sa kanilang dalawa. Kaya lang ay nasira iyon nang iwan siya nito sa kalagitnaan ng meeting niya kasama ang kambal at hindi rin nito nadala ang cellphone malamang ay para iwasan siya.

He wants to apologise for his behaviour but since she ran away again for God knows where, his irritation doubled. Mabuti na lamang at nagpadala ng text si Kate at ipinaalam nito na kasama si ate sa isang Italian restaurant at hindi na siya nagtanong pa dahil alam niya kung saan ang restaurant na iyon.

Si Carson at Calvin ay sumama sa kanya at dahil siya ang nagmamaneho ay nakatanggap siya ng mura sa mga ito dahil sa mabilis niyang pagmamaneho. Hindi naman niya pinansin ang dalawa dahil nagpupuyos siya sa galit.

How can she be so insensitive? Does she even know how jealous and possessive he can be everytime she mingles with men who lust for her? And that damn new employee?! How can he flirt with his fellow employee? Hindi ba nito nabasa ang code of conduct na inimplementa niya sa kanyang kompanya? Hindi ba nito nabasa na bawal ligawan ang kanyang empliyado? Lalong lalo na si Athena dahil si Athena ay kanya na.

No one can take her away from him! They'll fire them right away if he saw them flirts with her. He dare them try!

Mula sa loob ng sasakyan ay dinig niya ang malakas na tunog ng kanyang mga gulong dahil sa kanyang biglaang preno. Mabilis siyang bumaba sa sasakyan at hindi na hinintay ang dalawa. Ang kanyang mga mata ay nakapako sa pintuan ng restaurant.

Ilang saglit pa ay dumako iyon sa pamilyar na bulto na nasa labas hindi kalayuan sa pintuan. Kahit na nakatalikod ito sa kanya ay kilalang kilala niya ang babae. Pero mas lalong kumulo ang kanyang dugo nang makilala ang lalaking kausap nito.

Jay Lazaro! Her fucking ex-fiancé!

He knows the guy not just because he is Athena's ex, but he heard from his sister who owns an art gallery that he embezzled lots and lots of money from art foundation one year ago. Nakulong ito at nakalaya rin dahil sa presidente ang ama nito ng foundation.

Noong una ay hindi niya pinag-interesan ang balitang iyon dahil wala naman iyong maitutulong sa kanyang kompanya, pero ngayon na alam niyang konektado ito kay Athena ay hindi siya makakapayag na lumapit ito sa pag-aari niya.

Lumipat ang kanyang direksyon sa kinaroroonan nila at gano'n nalang ang pagdilim ng kanyang paningin nang makita ang pagtaas ng kamay nito na nagbabantang hawakan ang kanya.

Mabilis ang naging paghakbang niya at kinuyom ang kamao, at doon ibinuhos ang lakas at itinama sa matigas nitong pisngi ang kanyang kamao. Hindi niya alintana na ang pagkirot ng kamao niya dahil sa malakas na pagsuntok niya. Ang mahalaga ay hindi nito nahawakan si Athena. Nawalan ito ng balanse at natumba.

"Fucking touch her again or I'll kill you!" Angil niya at akmang susugurin muli ito nang awatin siya ni Carson.

"Stop it," inis na bulong nito sa kanya, batid niyang pinipigilan siya nitong makagawa ng iskandalo dahil ayaw nitong madamay ang restaurant ng kasintahan. "Calm down."

How can he calm down when someone tried to touch what's his! How can he suppressed his anger when the man who once loved by Athena is infront of him talking with her? His jealousy is taking over, wanting to come out and kill this bastard! 

Sinaktan rin nito ang kasintahan niya, pero salamat roon at naging kanya si Athena. Kung hindi nito iniwan si Athena ay baka hindi niya ito makikilala at baka hindi siya ang nakapagbigay ng supling rito.

Mayroon naman itong magandang naidulot sa kanya kahit na papaano. Dahil doon ay papalampasin niya ang ginawa nitong pagkausap kay Athena.

Sana.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now