Chapter 19

1K 91 5
                                    


Chapter 19

PAGKATAPOS ng morning session ni Athena kay mrs. Romero kinabukasan ay natagpuan na naman niya ang kanyang opisina na puno ng bulaklak. Hindi na siya nagulat pa nang dumugin ng mga assistant mula sa iba't ibang executives ang kanyang maliit na opisina at makarinig ng bulong bulungan.

"Wala ka pang isang buwan rito pero mukhang marami ka ng tagahanga." Ang assistant ni Carson ang nagsalita saka nito kinuha ang isang maliit na card sa isang palumpon ng bulaklak. "Looking forward to coffee with you, R.N."

Ramdam ni Athena na ayaw sa kanya ng assistant ni Carson. Kahapon pa lamang nang ipakilala siya ni Carson rito ay kita na niya ang pag-uuyam nito sa kanya at naiindihan naman niya iyon dahil sino nga ba naman siya para pumasok para maging kahati nito sa trabaho.

"Perks of being a new girl, I guess." Athena shrugged. "Magsasawa rin ang mga 'yan, siguro ay bukas makalawa ay mawawala na ang paghanga nila sa akin."

Ngumiti ang assistant ni Carson ngunit nagdala iyon ng kilabot sa buo niyang katawan. Kahit na nakangiti ito ay hindi niya nakitaan ng palakaibigang ekspresyon ang babae. "Well, enjoy it while it lasts."

"Sino si R.N? Dito ba siya nagtatrabaho?" Singit na tanong ni Kate sa tensyong namumuo sa pagitan nila ni  Vivian.

"Hindi ko alam." Kinuha ni Athena ang card sa kamay ni Vivian at muntik na siyang magkaroon ng sakit sa puso nang magtama ang mga mata nila ni Blake na patungo sa kinaroroonan nila.

"If you are done wasting company's time, I suggest you all return to your desks and do your goddamn jobs!" Malamig na sabi nito.

Hindi na nito kailangan pang ulitin ang sinabi dahil bigla nalang naglaho na parang bula ang mga ito at naiwan silang dalawa.

"Mr. Tuazon, how can I help you, sir?" Tanong niya na hindi binababa ang tingin sa lalaki upang hindi siya madala sa intimidasyon ng  lalaki.

Hindi niya ito nakita ng buong umaga dahil iniiwasan niya ito dahil ayaw niya na magkaroon na naman sila ng hindi kaaya-ayang pagtatalo. Tama na ang nangyari kahapon.

Pero ngayon, mukhang ang dragon mismo ang lumalapit sa kanya.

Dressed in what Athena was starting to believe is his work uniform—an impeccably tailored three-piece suit—he looked every bit the sexy, tempting Lucifer of a CEO that he is.

Ang suot nito ay light grey na walang tie at dalawa sa butones nito na nasa itaas ng pang-ilalim na pulo ay nakabukas. Marahil ay para paglawayin ang mga babaeng makakasalubong nito sa hallway.

"Hindi mo ba ako papapasukin?" Tanong nito sa kanya at bago pa man makatanggi si Athena ay pumasok na ito at naiwan siyang nakamaang habang pinapanood ang lalaki na suriin ang kabuohan ng maliit niyang opisina.

Umingos ito saka inilapag ang maliit na silver case sa kanyang mesa. "Here, keep this with you."

Sumilip si Athena mula sa loob ng case at naroon nakalagay ang  EpiPens dahilan para mapakunot siya. "Ano ho ang gagawin ko dito?"

"Incase you fuck up again, you'll need them to save my life." Malamig na sabi nito at naiiritang tinabi ang palumpon ng bulaklak na nasa mesa niya.

"Ahm, sir, hindi ho rito ang opisina ni Kate." Aniya saka ibinalik ang case kay Blake. "Kailangan niya 'yan dahil siya ang assistant mo at kung ang ibig sabihin nito ay ang paghingi mo ng tawad—"

Sasabihin sana niya na kung iyon man ang paraan nito para humingi ng tawad ay hindi ito naturuan ng mabuti ng magulang, pero naiwan ang kanyang sasabihin sa ere nang marahas itong umiling.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now