Chapter 24
TAHIMIK lang si Athena habang nakatanaw sa labas ng sasakyan. Nakahalukipkip siya at sinikap na hindi lingunin ang tahimik lang rin na si Blake.
Ang tanging ingay lang na maririnig sa loob ng sasakyan ay ang malalim nilang pagbuntong hininga at ang paminsan minsang pagtatanong ng driver at head security ni Blake na nagpakilalang James sa kanya.
Bagama't kaedaran ito ng kanyang ama ay hindi ito mahahalata dahil sa hitsura. Kahit sinong babae na makakakita rito ay magkakagusto dahil sa angking kakisigan at kabataan.
Gano'n rin ang driver nito na si Charles na alam niyang isa rin sa security ni Blake. Bumaling siya sa wing mirror ng sasakyan kung saan may dalawang itim na SUV ang nakasunod. Hindi na siya magtataka kung ang dalawang iyon ay kasama rin sa security details nito.
Napabuntong hininga siya at isinandal ang ulo sa salamin ng sasakyan. Bumalik ang kanyang isip sa naganap kanina sa cafeteria. Naghalo-halo ang emosyon sa kanya, takot, antisipasyon, kaba at marahil ay ang pag-asang makilala ni Blake ang kanyang mga anak.
Pero mas nangingibabaw sa kanya ang takot. Takot na baka itanggi nito ang mga anak o takot na baka kunin sa kanya ang mga bata. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ni Blake kung sakali man na makilala nito si Selene at Artemis.
Nasa sariling mundo siya nang marinig niya ang pagtawag sa kanya ni Blake. Lumingon siya sa labas sa pag-aakalang nakahinto sila pero umuusad pa ang sasakyan at paminsan minsa'y humihinto sa traffic.
Bumaling siya kay Blake at lumukso ang kanyang puso nang magtagma ang kanyang mga mata. "Y-Yes?"
"Your kids."
Nahigit niya ang kanyang paghinga at halos bumara ang laway niya sa kanyang lalamunan. "W-What about my kids?" Nauutal niyang tanong.
"Paano kayo nagko-co-parent ni Zeus sa mga anak niyo kung may naglalaban kayo sa kustodiya ng mga anak niyo?"
Hindi niya alam kung matatawa siya o maiinis sa seryosong ekspresyon ni Blake sa tanong. Hindi niya akalaing hanggang ngayon ay iyon parin ang tingin nito sa relasyon nila ng kuya.
Muli siyang napabuntong hininga. "Zeus is not the father of my twins."
Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay napansin niya ang bahagyang paglingon ni James at ang tingin ni Charles sa rearview mirror. Pero ang kanyang atensyon ay nasa naguguluhang tingin ni Blake.
"Zeus is my older brother." Sambit niya. Hindi nakaligtas sa kanyang mga mata ang pagkagulat at tuwa sa emosyon ni Blake. "Tulad ko ay kambal rin ang anak niya. He is talking about his ongoing divorce battle and twins custody with his wife. Now that I answer your question, I hope you won't degrade my character from now on." Wika niya.
"Bakit hindi mo sa akin sinabi?" Tanong nito.
"Nagtanong ka ba? All you did was made your own assumptions and judged me." Ingos niya.
Nag-iwas ito ng tingin, halatang nagsisisi sa ginawa. Pero kaagad rin iyong nawala dahilan para humanga siya sa mabilis na pag-iba ng ekspresyon nito bawat segundo. "E bakit hindi mo tinatama sa tuwing nababanggit ang pangalan niya. Natural lang na maisip kung may relasyon kayo."
Napamaang siya sa pagdadahilan nito. Malamang ay isang malaking kabawasan sa pagkalalaki nito ang aminin na lamang ang kasalanan. Napailing nalang siya at hindi na sinagot pa si Blake.
Atleast ay naklaro niya rito ang relasyon nila ng kuya niya.
Napansin niya ang bahagyang pag-ngiti nito at kaagad ring nawala nang iiwas nito ang mukha sa kanya. Hindi na ito nagsalita pa pero ang likuran ng kamay ay nakatakip sa bibig nito.

YOU ARE READING
Hate To Want You
RomanceAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...