Chapter 21

1.1K 98 10
                                    

Chapter 21

NAGPAPASALAMAT si ate nang umuwi siya sa kanyang bahay ay mahimbing na natutulog ang kanyang mga anak. Hinalikan niya ang mga ito sa noo at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Sinundan naman siya ni Brenda na marahil ay nalilito at nag-aalala sa maagang pag-uwi niya at sa namumula at namamaga niyang mga mata.

Kakatwang nakauwi pa siya sa ganoong istado ng kanyang hitsura. Humarap siya kay Brenda at malapad na ngumiti. Pero ang tagapag-alaga ng kanyang mga anak ay nanatiling seryoso ang tingin sa kanya.

"Nag-resign ako sa trabaho."

Hindi na nagulat pa si Brenda, bagkus ay huminga lang ito ng malalim saka lumapit sa kanya. Mahigpit siya nitong hinagkan at hinahaplos ang kanyang likuran. Hindi nito alam kung gaano niya kagusto ang ginagawa nito dahilan para bumadha ang hagulhol sa kanya.

Tinugunan niya ang yakap ni Brenda at hinayaan ang sarili na umiyak sa balikat nito. Kung anu-anong pag-aalo ang ginawa ni Brenda sa kanya upang tumahan siya pero wala itong nagawa. Inilabas niya ang lahat ng sakit na nararamdaman niya at hinayaan lang siya nito.

Hindi niya alam kung ilang minuto silang nanatili sa posisyong iyon hanggang sa igaya siya ni Brenda sa upuan at bigyan muli ng tubig. Umupo ito sa tabi niya at nanatiling nakatitig sa kanya.

Huminga siya ng malalim nang maramdaman ang pagkalma niya at humarap kay Brenda.

Ikinuwento nito sa babae ang lahat ng nangyari. Mula sa una kung paano sila nagkakilala ni Blake at sa muli nilang pagkikita at sa mga nangyari pagkatapos no'n. Ito naman ay tahimik lang na nakinig sa kanyang kwento at tumatango sa tuwing hihinto siya.

"Ang problema ay sa akin. Kahit na anong gawin ko, hindi ko parin magawang magalit ng husto sa kanya. Sa mga sinabi niya, dapat nga kamuhian ko na siya, pero wala e." Naiiling niyang sabi. "Ang rupok ko. Kaya naman bago pa ako makagawa ng bagay na pagsisisihan ko, ay tinapos ko nalang." Aniya saka pinunasan ang mga luhang tumutulo sa kanyang mga mata. "Kaysa naman umabot kami sa punto na, hindi na namin kayang makita ang isa't isa."

"Paano 'yon, siya ang ama ng kambal? Paano kung isang araw malaman niya at kunin niya ang mga anak mo sa'yo."

"Then probably he's right. I don't deserve any of my twins because I am lacking."

Hinawakan ni Brenda ang kanyang kamay. "Hindi niya alam kung ano ang sinasabi niya dahil hindi niya nakikita ang sakripisyong ginagawa mo para sa mga bata. Kung ibang tao lang iyon ay baka sumuko na sa mga pamumuna niya sa trabaho, pero ikaw, kinaya mo para sa mga anak mo." Ngumiti si Brenda at ito na ang pumunas sa mga luha niya. "Ikaw na yata ang pinakamatapang na ina na nakilala ko sa buong mundo. Isipin mo nalang na pagsubok ito at bukas, malay mo, may iba palang nakatadhana para sayo."

She smiled. She can't help but thank God for giving her someone like Brenda. Too bad she doesn't have work anymore, she can't pay for her service anymore.

Atleast, bukod sa mga kaibigan niya ay may isang tao na makikinig sa kanya at ipaglalaban ang karapatan niya bilang babae at bilang ina ng kanyang mga anak.

Kung alam lang niya na sa ganoong sitwasyon sila aabot ni Blake ay hindi na sana niya tinanggap pa ang trabaho. Sana hindi na lumalim pa ang nararamdaman niya at hindi na sana siya nasasaktan pa.

Marahas siyang umiling. Kung anuman ang nangyari ay nangyari na. Hindi na niya kailangan pang iyakan dahil walang mangyayari sa kinabukasan nila ng kanyang mga anak.

Kailangan niya muling maghanap ng trabaho para makakain sila ng kanyang mga anak. Kahit hindi gano'n kalakihan ang sahod, ang mahalaga ay may trabaho siya at mabubuhay niya ang kanyang mga anak.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now