Chapter 13

1.1K 88 6
                                    


Chapter 13

HINDI alam ni Athena kung paano siya nakauwi dahil sa labis na emosyon. Ni hindi rin niya alam kung paano siya nakaalis sa Tuazon Express dahil napagtanto niyang nasa harap na siya ng kanyang bungalow at katokin ni Brenda ang bintana ng driver seat. Bahagya niyang ibinaba ang salamin.

"Kamusta ang trabaho? May nakalimutan ka ba?" Tanong nito nang buksan ang pinto ng kotse at tanggalin ang seatbelt sa kanya.

Naririnig ni Athena ang mga tanong ni Brenda at ibinuka niya ang kanyang bibig upang sagutin ito pero hindi niya magawang magpakawala ng salita. Pagod ang utak niya para iproseso ang lahat, lalo na kung alam niyang masasaktan lang siya.

"May nangyari ba? May masakit ba sa'yo?" Muling tanong ni Brenda saka siya maingat na hinila palabas ng sasakyan saka siya pinaikot upang makita kung may masakit ba sa kanya. Natigilan ito at kumunot nang walang makita sa kanya.

"Athena, ayos ka lang ba?"

Athena sighed and touched her chest. She was hurt right her, in that place where her heart used to be.

Pero binigyan niya lang si Brenda ng malapad na ngiti   at tiniyak na maayos lang siya. Pero nang pumasok siya sa bahay at ang dalawang pares ng mga mata ay pumukol sa kanya, dalawang pares na kaparehas ng ama ng mga ito, hindi na napigilan ni Athena ang mapaiyak at tumakbo sa banyo. Sinarado niya iyon at doon ibinuhos ang lahat ng emosyon sa loob ng isang oras.

Ipinagpalagay na ni Brenda na hindi naging maayos ang unang araw niya sa trabaho. Kaya naman dinala nito ang kambal niya sa labas upang magkaroon siya ng oras para ibangon ang sarili.

Habang siya ay nasa banyo at iniiyak ang lahat, tumawag ang kaibigan niyang si Dennise upang itanong ang unang araw niya sa trabaho at kaagad niyang nalaman kung ano ang nangyari nang marinig nito ang boses niya.

"Pupunta kami diyan mamaya, pagkatapos ng trabaho. Ipahinga mo muna ang sarili mo, ok?"

Ginawa ni Athena ang advice ng kanyang kaibigan. Pagkatapos niyang naligo ay nagtungo siya sa kanyang kwarto at ipinahinga ang sarili. Wala pang limang minuto ay nakatulog siya.

Nang sumapit ang hapon ay nangako siya kay Brenda na tatawagan niya ito kung kailangan niya muli ng mag-aalaga sa kanyang mga anak. Nang siya na lamang ang ay nakipaglaro siya sa dalawa niyang anak.

Both Artemis and Selene knows how to walk, but Selene needs a little bit of support to balance herself when she stands up. Both of them likes the moon so all of their story books are about moon and star.

Nakipaglaro siya sa dalawa hanggang sa mapagod ang mga ito at makatulog. Dinala niya ang dalawa sa kwarto ng mga ito at inihiga sa mga crib ng mga ito.

Dumating ang mga kaibigan niya alas-siete ng gabi at may mga dalang pagkain at hindi nakalalasing na wine. At ikinuwento niya ang nangyari sa kanila ni Blake ng araw na iyon.

"Gago pala 'yang Blake Tuazon na 'yan e!" Inis na singhal ni Dennise. Kung anu-ano pang mura ang pinagsasabi nito.

"Pero aminin niyo, napaka-hot na gago niya." Nakangising ani Clara at kahit na ayaw niyang aminin ay sumang-ayon siya sa isip.

Ilang oras na ang nakakaraan simula ng huli niyang makita si Blake, pero ang paru-parong iniwan nito sa kanyang katawan ay nagliliparan parin. Halos magliyab ang kanilang katawan sa init ng kanilang pagtatagpo, ang kuryente na dumaloy sa kanilang katawan ay nagbibigay ng bumuhay sa natutulog niyang pagnanasa.

Pero gaano pa kasarap ang mga halik ni Blake at kung gaano pa niya gustuhing manatili sa bisig nito, ang galit sa mukha nito Blake ay hindi kayang buwagin ng paghingi niya ng tawad. Sa tuwing ipipikit niya ang kanyang mga mata ay nakikita niya ang disgusto sa mukha ni Blake nang makita nito ang singsing na ibinigay sa kanya ni Jay noong nagpropose ito sa kanya.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now