Chapter 37

1.2K 108 20
                                        

Chapter 37

SUMABOG ang puso ni Blake ng napakatinding pagmamahal, buong buo na nagbabantang kunin ang lakas ng buo niyang katawan, habang nakatingin sa dalawang maliit na bersyon niya.

Sinasanay pa niya ang kanyang sarili na napakalaking pagmamahal na pumupuno sa kanyang puso nang ang alon ng napakalalim na kalungkutan, nakakaubos ng lakas ang bumuhos sa kanya dahilan para mapaupo siya.

He wanted to cry, but he didn't want to appear weak infront of them, they might not take it.

Hindi naalis ang tingin niya sa dalawang bata na may nalilitong tingin sa kanya. Si Selene na may kislap ang mga mata ay dahan dahang ngumiti sa kanya dahilan para mas lalong lumambot ang puso niya.
Selene has a long and straight hair, her eyes are blue, with long eyelashes and very refined eyebrows, nose so cute and lips so red and beautiful. But the one thing that caught his eyes was her deep dimples on both of her cheeks, the only thing that Athena have on their little girl's beautiful face. Mukhang kailangan niya itong bakuran sa mga manliligaw.

Si Artemis naman ay nakatingin lang sa kanya, hindi niya mabasa ang emosyon nito at kumpara kay Selene, hindi ito ngumiti sa kanya kaya hindi niya alam kung may dimples ba ito o wala. Artemis is like the carbon copy of him, with his curly dark hair, so thick eyebrows and long lashes. Nose so straight and thin lips. He bet his boy will make all the girls cry when he grew up.

Itinaas niya ang kanyang kamay upang hawakan si Artemis, pero ganoon na lamang ang pagkadismaya niya nang umatras ito at nagtago sa likuran ni Athena.

Nagkatinginan sila ni Athena na hindi alam ang gagawin sa nangyari. Si Selene naman ay nalilito rin kaya mas piniling sumunod kay Artemis. May kung ano sa kanyang puso ang pinipiga sa tagpong iyon. Inaasahan na niya ang gano'ng reaksyon ng kanyang mga anak, pero iba pala ang pakiramdam kapag nasa ganoon na siyang sitwasyon.

"Hey, what's wrong?" Lumuhod si Athena at hinarap ang mga bata. "He is Daddy. He wants to meet you."

"Mommy, I don't like him."

His heart sank at what his son just said. If it's someone else said those words in front of his face, he would've lashed out on them like a freaking dragon. But this little boy infront of him is his own flesh and blood, his precious son who has yet to know him.

Kailangan niyang habaan ang kanyang pasensya at naiintindihan niya kung bakit ayaw siya nito. Hindi pa siya nito lubusang kilala kaya naman gagawin niya ang lahat, mapalapit lamang sa dalawa niyang anak.

"He is scary."

"Art, honey." Hinawakan ni Athena ang magkabilang pisngi nito at dahan dahang inangat. Ang mga mata ni Artemis ay nasa ina lang ang tingin. "He loves you. I wouldn't be able to have you two without him. Go on." Mahinang tinulak ni Athena ang dalawa sa harap niya.

Bagama't may pag-aalinlangan parin sa mukha ng mga ito ay sumunod na lamang kay Athena. Tahimik lang ang mga ito at tanging si Selene lamang ang nakatingin sa kanya. Kumukurap ang mga mata na animo'y kinikilala siya.

"Mommy, same eyes." Namamanghang ani Selene kay Athena dahilan para mapangiti siya. Hindi nito alam na hindi lang mata ang pagkakapareho nilang dalawa.

Nakangiti siyang nag-angat ng tingin kay Athena. Na nakangiting tumango lang sa kanya. Hindi nagtagal ay gumaan na ang loob ni Selene sa kanya at tumabi ito sa kanya, hindi niya napigilang buhatin ang anak at ilagay sa kanyang binti.

Naguguluhan man ay hindi ito umalis roon. Bumaling siya kay Artemis at iminuwestra ang kabila niyang binti para rito.

Umiling ito at bumaling kay Athena. "Mom, can I go up?"

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now