Chapter 26
PANAY ang sulyap ni Blake sa kanyang relo at bawat minuto na dumaan ay panay ang ingos niya.
It's been thirty-five minutes since he left Athena on the sidewalk. She should have been back by now.
Pero paano kung hindi? Ang maliit na boses na animo'y demonyo sa kanyang balikat ang bumulong sa kanya. Paano kung umiiyak parin siya sa gilid ng daan?
Tama lang na alamin niya kung nasaan ito. Aniya sa isip nang kunin niya ang kanyang cellphone sa bulsa at hinanap ang numero ni Athena. Natigilan siya nang mabasa ang pangalang itinipa niya sa kanyang contact list.
Goddess.
Animo'y nakatitig sa kanya ang pangalan na iyon at tinutudyo siya at sinasabing siya na ang pinaka-bastos na tao sa mundo dahil pinaiyak niya ang isang babae, lalo na ang katulad ni Athena na sobrang liit.
God, Athena, where are you? Aniya habang tumitipa ng mga letra para rito.
'Meeting already started. You're late.'
It sounded formal, terse even as he read it over. Maybe he should add an emoji or two.
But which one?
The smiley one?
Nah, he mentally shook himself. This was no smiling matter.
Maybe heart.
Gusto ng mga babae ang 'heart emoji' Kailanman ay hindi siya nagkamali sa kanyang naisip kahit pa hindi niya nagawa iyon kay Lillian o kahit na kaninong babae. Tumango tango siya habang dinadagdagan ng limang heart emoji ang kanyang text.
Pero paano kung—isa na namang boses ang bumuhay sa kabila niyang balikat— baka iba ang isipin ni Athena at maisip niyang may gusto ka sa kanya.
"Fucking hell!" Angil ni Blake na ikinagulat ng mga naroon habang binubura ang kanyang text message na balak sana niyang i-send kasama ng heart emoji, mas lalong nainis sa sarili dahil sa pag-aalala kay Athena.
Trabaho nito ang ayusin siya. Paalala niya sa sarili saka ibinalik ang cellphone sa kanyang bulsa.
"The list is up, sir!" Dona pointed at the screen, giving him a much needed distraction.
Bumaling si Blake sa screen at iritasyon ni Blake ay dumoble sa tuwing baba ang listahan ng mga influencers at lahat ay hindi niya natitipuhan.
Nadidismayang napabuntong hininga siya na bumaling sa team. "Tell me about Zena Jone!"
Ang assistant ni Dona ang siyang nagsalita at idinitalye sa kanya ang tungkol sa influencer.
"Did I say I want her bio?" Inis na sambit ni Blake sa babae. Mas lalong lumalim ang pagkakakunot ng kanyang noo. "Tell me everything not made up."
Mabilis itong tumipa sa laptop at kapansin pansin ang malalim nitong paghinga, halatang kinakabahan.
"She's had few DUI's, may mga nakakaaway sa club and a few recent issues." Anunsyo ng kanyang PR.
"Is this someone we want to associate with our brand? Why the hell is she even on the list." Malamig na tanong niya. "Next!"
Isa sa mga PR ang tumawag sa pangalan ni Clara Gozon. Pangalawa ito sa listahan ng mga influencers.
"Nautal ba ako nang sinabi kong gusto kong makita ang mga impormasyon na hindi isinulat ng inyong PR agency?! Get me all her skeletons!" Hindi na napigilan ni Blake ang sumabog sa galit. Nagtataka siya kung bakit ang mga ito ang napili niya sa Marketing management.
Isa sa mga ito ang nagtaas ng kamay. Kung matatandaan niya ay Josh ang pangalan nito o John, Jules, basta isa sa mga pangalang nabanggit niya. Hindi na kasi niya pinagkakaabalahang alalahanin ang mga pangalan ng kanilang intern dahil tatlong buwan lang naman ang kontrata ng mga ito, six months kung papalarin.

YOU ARE READING
Hate To Want You
RomantikAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...