A/N: Two more chapter siguro na POV lang ni Blake, since naghihingalo si Athena. 😂😂 And this one is Zeus's POVZEUS
NAGPUPUYOS sa galit si Zeus habang kaliwa't kanan ang lakad at naghihintay sa labas ng operating room kung nasaan nag-aagaw buhay ang kanyang kapatid.
Her baby sister!
Tushev had dug his own grave by touching his sister and he will do everything in his power to see him dead. He will never see another day light again after hurting his sister.
Pero sa mga oras na iyon ay kailangan muna niyang isantabi ang plano kay Tushev at hintayin ang magiging resulta ng operasyon ng kanyang kapatid.
Nagtitiwala siya sa kakayahan ni Eros, alam nito ang ginagawa at alam niyang makakaligtas ang kapatid niya sa kritikal na kalagayan.
Bumaling siya sa kanilang ina na kanina pa humahagulhol sa pag-iyak habang inaalo ng asawa. Pero imbes na makisimpatya siya rito ay naiirita siya, pero dahil alam niya kung ano na ngayon ang relasyon ni Athena at ng kanilang ina ay hindi niya magawang lapitan ang ina.
She disowned Athena after she got pregnant with her twins. Ni minsan sa buhay ng mga ito ay hindi manlang inalam kung kamusta na ang kanyang kapatid. Sa tatlong taong pananatili ni Athena sa Spain ni minsan ay wala siyang narinig sa mga ito. Wala itong karapatang umiyak sa harapan niya dahil kahit na kailan ay hindi naman ito naging ina sa kanya at kay Athena.
Kung hindi lang ito mga magulang ni Athena ay hindi niya ipapaalam sa mga ito ang nangyari sa kapatid.
"My baby.." sambit ng ina habang humihikbi. Pagkadikit ang kamay na animo'y nagdarasal.
"She'll be fine, honey." Saad ng ama ni Athena at kita niya ang pangamba sa mukha nito, halatang hindi kumbinsido sa sinabi.
Of course, Athena will be fine. He knows how strong she is. After all those years of being alone and pregnant, he never see her break down and cry.
Nasa ganoong sitwasyon siya nang lumabas si Eros sa operating room, kasunod nito ang babaeng doktor na malalim na humugot ng hininga. Sa pagkakatanda niya ay Casey ang pangalan nito.
Silang tatlo ay lumapit kay Eros at Casey. Kaagad na tinanggal ng dalawa ang suot na facemask.
"The operation was a success." Anunsyo ni Eros pero batid niyang meron pa itong sasabihin.
Nagpasalamat ang kanilang ina sa Diyos at doon ay ang ama naman ni Athena ang humagulhol.
"Is she okay?" Tanong niya na hindi napapanatag sa balita ni Eros. He wants a concrete answer to know that his baby sister is alright and will make it tonight.
"Dahil hindi siya kaagad nadala dito sa ospital ay marami ang nawalang dugo sa kanya. We did a blood transfer and we stitched her wound alright. But don't worry too much, nothing I can't handle. She will wake up as soon as she wants."
"What do you mean?"
"Losing a lot of blood has taken a toll in her body. Especially someone as tiny as her." Sagot ni Eros. "Hindi naman alam ang eksaktong paggising niya but we hope it's sooner than later."
"Thank you." Mahinang sambit ng kanyang ina.
"Can I talk to you for a second?" Ani Eros sa kanya.
Iniwan nila si Casey upang mas ipaliwanag pa ang sitwasyon ni Athena.
Nang makalabas sila sa hallway ng operating room.
"Zeus, this is serious. Red Snake has never been this provocative." Mariing sabi ni Eros na alam kung ano at sino ang kanilang kaaway. "Paano nila nalaman ang tungkol kay Athena? I thought you made sure that your family are safe."
"Hindi ko alam!" Asik niya sa hangin. Kuyom ang mga kamao. Dahil sa galit na nararamdaman ay naging malalim ang kanyang paghinga.
It's true, Red Snake was once a neutral organization. Ni minsan ay hindi nakialam ang mga ito sa ibang grupo. Pero simula nang maupo si Tushev, ay nagkaroon na ng gulo sa pagitan nila. Mas naging mapusok ang mga ito at palagi silang hinahamon, kung ano man ang dahilan ay hindi niya alam.
He once met Tushev at the casino and he lost millions to him. Dahil doon ay hindi na siya tinigilan ni Tushev at dahil sa mataas ang kompyansa niya sa sarili ay hindi niya pinansin ang mga banta nito sa kanya.
But now he realized how wrong he was for ignoring Tushev. Kung alam lang niya na totoong ahas pala ang kalaban niya ay hindi sana niya ito pinagsawalang bahala.
"Nasaan ang mga anak ni Athena?"
"They're safe in one of my private house." Sagot niya sa tanong ni Eros. "But I need to know if Athena will make it out alive?"
"She will be fine." Sagot ni Eros saka tinapik ang kanyang balikat. "The wounds are deep but it didn't touch any vital organs. Tushev is indeed a skilled killer. He knows where to hit."
"And he will pay for hurting my sister." Tiim bagang na aniya.
"Hindi gulo ang sagot sa lahat ng problema, Zeus. If you kill Tushev, I am sure that his brother or his cousin will avenge him. Paikot ikot lang iyan hanggang sa hindi na si Athena ang madamay, pati mga anak mo."
"I dare him to touch my kids!"
"Just make sure, they're safe first." Ani Eros bago siya nito iwan.
Hindi muna siya bumalik sa OR at naisipang lumabas muna upang tawagan si August. Gusto niyang malaman kung ano ang magiging plano nila kay Tushev. Ngayon na wala na sa alanganin ang buhay ng kanyang kapatid ay sisimulan na niya ang paghahanap sa lalaki.
Palabas na sana siya ng ospital nang matanaw ang hindi inaasahang tao. Hindi sana niya ito papansinin sa pag-aakalang may pamilya itong binisita, pero nang makita siya nito ay kaagad itong tumayo mula sa kinauupuan at lumapit sa kanya.
Kunot noo niyang pinasadahan ng tingin ang kabuohan ng lalaki. His hair and clothes are out of place, he doesn't look like the man he'd seen in every business magazine, The rising businessman they say.
Para itong basang sisiw at kung saan saan nakagawi ang buhok. Namamaga ang mga mata at gusot ang suot na black suit.
But this man, he knew from the very beginning. Hindi na niya kailangan pang pagtagpi-tagpiin ang lahat dahil unang tingin pa lamang ay alam na niya.
Mula sa asul nitong mga mata, sa ilong, kilay at bibig. Hulmang hulma ang dalawang bata na ngayon ay mahimbing na natutulog at malamang ay hinihintay ang pagdating ng ina.
This man infront of him is the father of Athena's twins. The man she desperately hide from him.
Kung wala lang sila sa harap ng maraming tao, ngayon na kating kati ang kanyang mga kamay na makakita ng dugo, malamang ay dumapo na ang kanyang kamao sa pisngi nito. Malamang ay hindi na ito makikilala ng mga tao pagkatapos niyang ihayag ang galit niya sa nanakit sa kanyang kapatid.
Kahit hindi ito ang nanakit sa kanyang kapatid ay isa ito sa dahilan kung bakit bumaliktad ang mundo ng kanyang kapatid. Kung bakit sa loob ng tatlong taon, mag-isa nitong binuhay ang mga anak. Ang lalaking ito ang dahilan ng lahat.
As much as he wants a complete family for his nephew and niece, the fact that he still doesn't know about them yet, means Athena doesn't want him in their life.
"How is she?"
How dare you?! Matalim ang tinging pinukol niya sa lalaki. "Why are you here Tuazon?" Angil niya na hindi sinagot ang tanong nito.
"Gusto kong malaman kung kamusta na si Athena? Is she alright? Is she safe? Pwede ko ba siyang makita? I promise I—"
"Leave."
Sari-saring emosyon ang nabasa niya kay Blake at kung hindi lang masama ang timpla niya ay baka naawa pa siya rito. Pero wala siyang panahon na harapin ito at problemahin.
"You are not allowed to visit my sister. Do me a favor instead, never show yourself infront of her ever again." Aniya bago niya ito iniwan.
****
Last update for tonight. Bukas naman. Samantalahin ang one week na bakasyon. Hehe
YOU ARE READING
Hate To Want You
RomanceAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...