Chapter 12HINDI mapakali ang isip ni Athena at wala na sa dalawang taong panay ang pagsasalita at pilit na mapapayag siya sa kung anumang gusto ng mga ito.
Kung kukunin niya ang trabaho—tinanggap na niya ang trabaho—pero kung i-enroll niya ang kanyang kambal sa daycare, ay baka mapalapit ang mga ito sa anak ni Blake, kung sakali mang naroon ito. At baka maging magkaibigan pa ang mga ito. Kung babae ang anak ni Blake ay tiyak niyang matutuwa si Selene, at kung lalaki man, kahit na alam niyang tahimik si Artemis ay hindi parin siya mapapanatag.
Hindi! Sabi niya sa kanyang sarili. Hindi maaaring magkrus ang landas ng kanyang kambal at ang anak ni Blake. Lalo na at nasisiguro niyang makikita ni Blake ang mga bata. Hindi ngayon, hangga't hindi niya nasasabi kay Blake ang tungkol sa dalawa.
"It's still doesn't solve the late hours I have to work." Putol niya kay Blake nang hindi parin ito huminto sa pagsasalita tungkol sa daycare curriculum.
Umingos ito, hindi nasisiyahan sa ginawa niyang pagputol sa kanyang pagsasalita, pero wala siyang pakialam. Galit rin siya dahil sa paghahayag nito ng nangyari sa kanila tatlong taon na ang nakararaan.
"Paano ang ama ng iyong kambal? Hindi ba siya pwedeng tumulong?" Tanong ni mrs. Romero upang marisolba ang kanilang problema.
"Wala silang ama." Sabi ni Athena. Binigyan siya ni mrs. Romero ng nakakaawang tingin, habang si Blake naman ay puno ng kyuryusidad.
"Was it worth it?" Tanong ni Blake na pinag-krus ang mga kamay at itinuwid ang mahabang mga binti. Ang mga tingin nito ay nag-iinteroga sa kanya.
"Ang alin?" Napalunok niya. Hindi niya gusto ang pag-usapan ang tungkol sa kanyang mga anak lalo na kung ang nagtatanong ay ang mismong ama ng dalawa.
"Ang dalhin ang kanyang mga anak at iwan kang nag-iisa upang buhayin ang dalawa." Malamig na tanong nito. "Pero, hindi na ako magtatanong pa o magugulat kung ikaw mismo ang nang-iwan sa kanya pagkatapos ng gabing pinagsaluhan niyo. Poor guy."
"You don't know anything about me, mr. Tuazon." Matalim ang tinging pinukol niya sa lalaki. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig at nakakuyom. Bagama't tama ito sa sinabi ay wala itong karapatang magbigay komento sa buhay niya dahil minsan lang naman niya iyon nagawa.
Wala itong karapatang umupo sa trono at husgahan siya; kung alam lang niya ang hirap na kailangan niyang tiisin para lang ilabas ang kanyang kambal sa mundong ito na ligtas at maayos at lahat ng bagay na nawala sa kanya dahil sa lalaki.
"Alam ko kung paano ka umalis nang hindi nagpapaalam o wala manlang pasasalamat." Angil nito saka tumayo at nagtungo sa bintana. Kapansin pansin ang malalim na paghinga nito na halatang kinakalma ang sarili.
Nagpaalam si mrs. Romero upang makapag-usap sila ng pribado. Pinanood niya ang matanda na lumabas sa silid na alam niyang ramdam nito ang tensyon sa pagitan nila ni Blake.
Naisip niyang umalis narin habang may sibil pa sa pagitan nila ni Blake, lalo na kung gusto niyang magkaroon ng pagkikita ang kambal niya at ng ama ng mga ito na mangyari. Pero ang tingin lang nito sa kanya na para bang nababasa nito ang nasa isip niya ang dahilan kung bakit nanatili siya sa kanyang kinauupuan.
Nagtungo ito sa mahabang mesa kung nasaan ang refreshments upang kumuha ng kape. Bumalik si Blake sa bintana at sumandal doon habang sumisimsim ng kape. Malamang ay malamig na iyon. Pero hindi iyon alintana ng lalaki na lumambot ang ekspresyon ng habang humihigop ng kape.
Tumitig si Athena sa kapeng natitira pero hindi siya nagtangkang kumuha dahil sa matalim na tingin ni Blake sa kanya.
"Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin," paninimula niya dahil alam niyang kung sinuman sa kanila ang magsisimula ng usapan, ay siya iyon.
YOU ARE READING
Hate To Want You
RomanceAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...