CHAPTER 16ATHENA reported for her official first day as Blake's assistant very early as instructed. Inaasahan siya nito ng alas sais ng umaga kaya naman alas singko pa lamang ay nasa gusali na siya.
Pagkatapos niyang huminto at makipagkwentuhan sa dalawang guwardya ay nagtungo na siya sa opisina ng CEO sa pinakamataas na palapag. Ngayon na may access card na siya ay hindi na niya kailangan pang pumunta sa reception area at pakisamahan ang limang "Sam's" na naroon.
Dahil maaga pa ay wala pang naroon upang bumati sa kanya, kaya naman kaagad siyang naglibot sa hallway at hinanap ang kanyang opisina.
Si Blake at ang dalawa pang executives na sina Calvin and Carson Tuazon— na sa tingin niya ay relatives ni Blake—ay silang may pinakamalaking opisina sa palapag na iyon. Ang mga pinakamaliit na opisina naman ay pagmamay-ari ng mga assistant ng dalawang tuazon, kabilang na ang head assistant ni Blake at ang isa pa. Inisa-isa niya ang mga pinto upang hanapin ang kanyang pangalan ngunit ni isa sa mga iyon ay wala ang kanyang pangalan.
Huminto siya sa reception area ng palapag na iyon at kinuha ang kanyang cellphone upang tawagan si mrs. Romero ngunit nawala iyon nang mabasa ang mensahe ni Brenda at pinapaalam sa kanya ang mga gagawin nito kasama ang kanyang kambal.
Marahil ay tulog pa ang kanyang kambal at napakaraming gagawin ng mga ito sa buong araw. Tuloy ay hindi niya maiwasang malungkot dahil wala siya sa tabi ng kanyang mga anak. Nagugustuhan ni Athena ang masayang plano ni Brenda sa buong maghapon, ngunit hindi niya maiwasang mag-alala lalo na sa kanyang anak na babae. Kaya naman tinawagan niya si Brenda.
Hindi naman nagtagal nang sagutin iyon ni Brenda. "Pasensya na, kasusubo ko lang ng tinapay."
"Ok lang. May ihahabilin lang sana ako."
Ilang minuto rin nilang pinag-usapan ang plano ni Brenda at binigyan rin niya ito ng paalala tungkol kay Selene. Siniguro naman ni Brenda na titingnan nitong mabuti ang kanyang mga anak lalo na si Selene.
"Please, Brenda, hindi siya pwedeng tumanggap ng kahit anong pagkain kanino man."
"Pangako, hindi ko hahayaan na may lumapit sa kanila. At napack ko na rin ang EpiPen sa kanilang bag. Huwag kang mag-alala!"
"Salamat." Nagugustuhan ni Athena ang confidence ni Brenda pero hindi pa rin niya maiwasang mag-alala.
Nang unang beses niyang mapakain ang kambal niya ng matitigas na pagkain ay labis ang pangamba niya nang matunghayan niya ang kalagayan ng anak niyang si Selene na mangisay at hirap sa paghinga nang makatikim kahit na maliit lang na butil ng mani. Nagpapasalamat siya dahil nang sandaling iyon, ang pinsan ng kuya niya na si Eros ay isang doktor at kaagad na inalalayan ang kanyang anak. Ilang minuto ang nakaraan at naging maayos ang paghinga ni Selene at kaagad nilang dinala ang anak sa ospital para mas lalong masuri. At doon niya nalaman na allergic ang anak sa mani—
Ang tunog ng pagbukas ng elevator ang nakapagpabalik sa kanya sa huwisyo at bumaling siya roon. Binati siya ng matalim na tingin ni Blake na halos umalingawngaw ang pagpadyak ng mga paa sa makinis at makintab na sahig ng hallway.
Gayunpaman, hindi niya maiwasang mamangha sa mala-adonis nitong awra na animo'y kakagaling lang sa photoshoot ng isang sikat na magazine. Ang suot nitong black and white suit ay hindi nabigyan ng hustisya ang napakagwapo nitong mukha. Ang mga mata nito na kung hindi lang matalim ang tingin sa kanya ay tiyak na lulunurin siya sa maladagat nitong kulay.
Just like her twins, his eyes was a deep blue sea with a hing of gray. They are the spitting image of him. No doubt.
At kung hindi lang ito galit sa kanya, malamang ay tinakbo na niya ang pagitan nila at pinulupot ang sarili sa leeg nito at parang pusa na manlalabing.
YOU ARE READING
Hate To Want You
RomanceAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...