Chapter 11
"FOLLOW me." Mariin sabi nito saka siya tinalikuran.
"Pero naroon ang elevator?" Turo niya sa kabilang gawi ng direksyon. Kabisado na niya ang lugar ngayon, salamat sa interactive map. Ang limang Sam ay napasinghap at napamaang nang huminto si Blake. Nilingon siya nito na may matalim na tingin sa kanya. Dahil doon ay alam niyang nakagawa siya ng isang malaking kasalanan.
"Sorry," magsasalita pa sana siya pero hindi na niya nagawa nang tapatan siya nito ng napakalamig na tingin. Kinagat niya ang kanyang dila at mahigpit na humawak sa manipis na strap ng kanyang bag na para bang doon nakasalalay ang kanyang buhay.
"I don't have the whole day, ms. Bernardo!"
"Yes, mr. Tuazon." Bahagyang tumungo si Athena at napamura sa kanyang sarili dahil animo'y tinatrato niya ang lalaki na parang hari. But then again, he is the king and the impressive 37 story building is his castle.
"Bilis!" Singhal nito at nagdarasal siya na sana ay mahaba ng kaunti ang kanyang mga hita upang mahabol si Blake na may malalaking hakbang.
Sa kabilang dako ng gusali na animo'y hindi pwede sa ibang tao ay mas tahimik. Sa dulo niyon ay may nag-iisang elevator na may kakaibang dating kompara sa elevator na malapit sa reception. Bumukas iyon at ilang segundo ang lumipas ay nakaramdam si Athena ng kuryente sa katawan nang dumantay ang palad ni Blake sa kanyang likuran upang maingat na itulak siya papasok elevator.
How was she aware of him, and he remained passively cool?
Siguro ay wala itong maalala, aniya sa isip at naiisip sa pagtatantong siya ay isa lamang sa ikinama nito noon, isa sa libo-libong babae na ikinama nito sa taon na iyon. Ilan nga ba ang naikama nito pagkatapos ng mainit nilang pag-iisa?
"—Ms. Bernardo?"
Napabalik si Athena sa kanyang huwisyo at pumikit-pikit bago nag-angat ng tingin kay Blake. "Sorry, sir. May sinasabi kayo?" Pinamulahan siya at kaagad na nagbaba ng tingin sa kanyang mga paa, umaasang hindi nito napansin ang pamumula ng kanyang mga pisngi.
"Gusto kong malaman kung nasisiyahan ka ba?"
"Saan ho?" Napalunok si Athena sa sobrang kaba, ang kanyang utak ay dinadala siya sa iba't ibang senaryo at nalilito sa kung ano ang ibig nitong sabihin.
Tinutukoy ba nito ang gabi ng kanilang pag-iisa? Naalala ba nito ang nakakahugot hiningang oras na pinagsaluhan nila sa bawat isa?
Nag-angat muli siya ng tingin sa lalaki at iyon na ata ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya at nanalangin na hindi niya nakita ang multo ng ngisi na dumantay sa mga labi ng lalaki.
"Playing with the interactive map, of course." Ang ngisi nito ay lumapad na naging ngiti at sa ilang segundong iyon ang lalaking nasa tabi niya ay ang Blake na nakilala niya tatlong taon na ang nakararaan. Ang lalaking nagligtas sa kanya sa labis na sakit at kahihiyan sa buhay. Ang nagpalimot sa kanya sa isang bagay na ngayon ay wala ng saysay.
At sa nakakatuksong sandaling iyon, ang gusto lamang gawin ni Athena ay hatakin ang lalaki at halikan sa labi, pero pinigilan niya ang sarili. Bahagya siyang lumayo at binigyan ng espasyo ang pagitan nito.
"So?"
"I did." Sabi niya. "I love it, sir. Kung sinumang gumawa niyon ay napakalawak ng pag-iisip."
Tumango ang lalaki, animo'y natutuwa sa kanyang sinabi.
Hindi niya naisip na ang elevator ay nakadirekta sa penthouse nang pindutin iyon ni Blake. Nanlaki ang kanyang mga mata. Hindi nasabi sa kanya ni Mrs. Romero na ipapakilala siya nito sa magiging boss niya.

YOU ARE READING
Hate To Want You
RomanceAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...