Chapter 27

1K 92 12
                                        


WARNING: Graphic content. Read at your own risk.

Chapter 27

DRESSED in a white bathrobe and her dark hari extensions piled high in a messy bun, she looked flawless as usual. Ang mukha nito ay walang makeup dahil nahuli nila ito sa gitna ng makeup routine.

"Dyosa Athena! This had better be good. What the heck is going on. Hindi pa ako nakapaglagay ng makeup."

At iyon ang dahilan kung bakit nakuha ng kaibigan ang 'Darling' award mula sa kababaihan sa meeting room.

Maging ang mga kalalakihan ay humihiyaw at pumipito sa kaibigan.

"Magtigil ka, nasa trabaho ako." Suway niya sa kaibigan.

"So, what's up?" Tanong nito. "Ano ba ang maipaglilingkod ko sa aking Dy—Oh, hi Blake!"

Panalangin na lamang ni Athena ay bumuka ang sahig at lunukin siya ng buo sa labis na kahihiyan. Marahas siyang umiling at pinandilatan ang kaibigan, nagmamakaawa na manahimik na lamang ang kaibigan at huwag siyang ilaglag.

Hindi napansin ni Blake ang tahimik na pagpapalitan nila ni Clara ng tingin. Kinawayan ang kaibigan at magalang na tango. "Hi, ms Gozon."

"Clara nalang. Para namang hindi na tayo pamil—"

"Okay, that's it!" Putol ni Athena sa kaibigan bago pa siya nito ilaglag. "Naghahanap kami ng influencers at gusto ka nilang tanungin. Pwede ba?"

"Okay, shoot, it is like Q&A thing?"

Pero bago pa niya maipaliwanag kay Clara ang lahat ay nagsimula ng magtanong ang marketing at PR sa kaibigan.

At dahil naayon sa kanya ang kapalaran sa mga sandaling iyon, ay bumalik na siya sa kanyang kinauupuan. Ang kanyang isip ay dumako sa wallpaper ng kanyang cellphone at iniisip na kung ano ang ipapalit roon.

Muntik na siyang mabuko. Mabuti na lamang at iyon ang napili niyang wallpaper.  Pero kailangan niya iyong palitan bago matitigan ng husto ni Blake ang mukha ng mga anak. Kahit na bagong sanggol pa lamang ang mga ito ay hindi maitatanggi ang pagkakahawig kay Blake. Lalo na at asul ang mga mata ng dalawa.

Pero isa lamang ang kailangan niyang gawin. Ang aminin na lamang kay Blake ang lahat nang sa gano'n ay hindi na lumalim pa ang galit nito sa kanya.

Oo at galit ito sa kanya at malayong magkaroon sila ng maayos na co-parenting sa kanilang mga anak. At kung minalas malas man siya ay baka hindi matanggap ni Blake ang mga anak. Pero kailangan niya itong aminin, mas maigi na iyon kaysa malaman nito mula sa blog ng kai—

"Athena?" Nawala siya sa kanyang kamunduhan nang tawagin siya ni Carson. "Any question for Clara?"

Tumingin siya sa screen at napakurap nang makitang tapos na lahat ng Q&A at naka-full make up na ang kaibigan.

"I'm good. Kilala ko na ang lahat kay Clara." Aniya na may malapad na ngiti kay Carson.

"Bitch, I can still surprise you!" Sigaw ni Clara mula sa screen at nagtawanan ang mga nasa meeting room.

Sinamaan na lamang niya ng tingin ng kaibigan at napailing.

"Love you, chat you later." Ani Clara sa kanya bago nito inoff ang video call at muling nabalik sa wallpaper niya ang screen.

Nang matapos na ang kanyang trabaho ay mabilis tumayo siya at tinanggal ang cellphone na nakakonekta sa screen saka in-off.

"Good job, ms Bernardo, the chat with Clara was insightful." Ani Blake na malalim ang pagkakakunot ng noo habang nakatitig sa kanyang cellphone.

Hate To Want YouWhere stories live. Discover now