Chapter 33
AFTER he went to his barber salon and wore his new burberry and put on his perfume, he went to picked up a bouquet of flowers he ordered from the flower shop.
Fifty red rose for Love, fifty white rose for a new beginnings for both of them and five yellow and pink tulips to symbolized his sincere apology.
Maingat niyang inilagay ang palumpon ng bulaklak sa backseat, sinigurong maayos ang mga ito saka nagtungo sa driver seat.
Gusto niyang ihatid si Athena pag-uwi kaya naman pinilit niya ang driver niya na siya na ang magdrive ng kanyang kotse. Ang kanyang security details ay nasa dalawang SUV at nakasunod sa kanya.
Malakas ang tibok ng puso niya na pinaharurot ang sasakyan patungo sa Casa d'amore kung saan hihintayin niya si Athena.
Nang marating niya ang destinasyon ay kinuha ng isa sa kanyang bodyguard ang sasakyan at siya ay tumungo sa loob ng restaurant. Sumalubong sa kanya ang hostess ng restaurant na nakaputing polo at itin na slacks. Ang buhok ay maayos na nakatali.
"Welcome, sir." Bati nito sa kanya.
"I booked a reservation under my name. Blake Tuazon."
Nakangiting tumango ito at hindi nakatakas sa kanyang mga mata ang pagnanasa sa kanya nito. Ang babae ay malamang na walang karelasyon o 'di kaya'y nakalimutan na may karelasyon ito dahil sa kanya.
Well too bad, she is not Athena.
Pasimple niyang itinaas ang hawak na bulaklak upang ipakita sa babae na naroon siya dahil sa espesyal na okasyon at tanga na lang siguro ang hindi maiintindihan kung ano ang ibig sabihin ng bulaklak na hawak niya.
The restaurant are nothing like he expected and saw from the picture in their page. It was cozy and fancy. With a four chandeliers in the big hall with fifteen tables with perfect dining settings. Ang mga mesa at silya ay gawa sa kahoy at sa bawat dingding ng malawak na restaurant ay may iba't ibang klase ng painting na nagmula sa italia.
Meron ring long-bar sa kaliwang bahagi ng malawak na hall kung saan konektado ang isang hagdan patungo sa ikalawang palapag. The long-bar itself was fancy with lots of branded and famous wines and fifteen high stool for those who prefer wine date.
The smell of the restaurant was the combination of lavander and sweet honey. It was delicious.
Overall, the restaurant theme and ambiance are so Italian. Just like it's name. He'll give it a hundred percent positive feed back for it's eye catching ambiance and decorations.
Ngayon ay alam na niya kung bakit iyon ni-recommend ni Carson sa kanya. Sana ay masarap ang ihahanda sa kanila.
"Come with me, sir." Ani ng babae.
Tumango siya at sinundan ito patungo sa ikalawang palapag kung nasaan ang mga private dining rooms. Binuksan nito ang isang pinto at iminuwestra ang loob kung saan bumulaga sa kanya ang kahanga hangang ambiance ng loob ng kwarto.
It was impressive, he admitted. Sa mataas pa lamang na glass window kung saan tanaw nila ang nagkikinangang ilaw ng iba't ibang gusali na napagtanto niyang nasa pinakamataas pala sila ng lugar.
Sa gitna ay may mesa at dalawang upuan sa magkabila at magkaharap. Tulad ng nasa hall ay kahoy rin ang mga ito. Ang pinagkaiba nga lang ng mga upuan ay may cushion ito at ang mesa ay may puting table cloth. Sa gitna ng mesa ay may tatlong kandila na iba't iba ang taas at napapaligiran ng rose petals.
May chandelier rin pero hindi malaki kumpara sa nasa ibaba dahil maliit lamang ang kwarto.
Sa gilid ay may cart at sa ibabaw niyon ay may maliit na balde at sa loob niyon ay may red wine.
YOU ARE READING
Hate To Want You
RomantikAthena Bernardo's heart broke when her fiance called off there wedding one month before the big day. Her fiance, Jay cheated on her with one of her bestfriend Lori. Six week after her broken engagement, Athena and her three bestfriends went to Have...