Special Chapter

18 1 0
                                    

NGUMITI siya sa dalagang kaharap. Ngayon lang siya nagkaroon ng lakas ng loob para lapitan ito.

Minsan na siyang nilampasan lang nito nang makasubong niya ito.

Sa isip niya, galit ito sa kanya.

Sino nga ba ang hindi magagalit sa nakita nito?

One year. It's been a year since he last saw her. At nang makita niya itong lumabas tatlong linggo na ang nakararaan galing sa loob ng Dean's office. Pakiramdam niya ay tinakasan siya ng lakas.

Tinangka niya itong lapitan. Sa kagustuhan ring mayakap at makausap ito. Pero tumango lang ito nilampasan lang siya na para bang hindi siya nito kilala.

At nang ibalita niya sa kanyang Lolo na nakita na niyang muli ang dalaga, ngumiti lang ito sa kanya. Doon niya nalaman na ito pala ang naghanap sa dalaga. Na inalok nito ang dalaga na mag-take ng scholarship.

Ang ikinagulat rin niya at hindi agad pinaniwalaan ay ang sabihin nito sa kanya na walang maalala ang dalaga.

Kaya sinundan niya at nilapitan ito nang nasa library ito at nagbabasa.

Hinila niya ang kamay nito patayo dahilan para magulat ito at mapasigaw.

“Come with me,” he demanded.

Nakita niya ang pagkalito sa mukha nito.

“What?” tanong nito sa kanya.

“I said, come with me.” he said.

He heard a few words from other students. Of course, he knew why. At alam rin niyang kilala nang mga ito kung sino ang babaeng hawak-hawak niya ngayon.

Nakausap na ang mga ito ng kanyang Lolo. At isa na ro'n ay ang magpanggap ang mga itong hindi nila kilala ang babae.

Maliban na lang sa mga bagong istudyante na kakapasok pa lang at hindi alam ang nangyari.

“Why would I?” tanong nitong muli para mawala siya sa naiisip.

“Save your questions for later, please?” pakiusap niya sa dalaga.

Hinila niya ito palabas. Mabuti na lang at hindi na ito muli pang nagtanong.

Pero akala niya lang pala iyon, “Ano ba'ng kailangan mo?” tanong nito sa kanya.

Hindi niya alam kung ano ang isasagot niya, “Nothing. Wait, I'll just go somewhere.” sagot niya.

Tumakbo na siya bago pa ito magsalita.

Saglit lang naman siya. May bibilhin lang siya para sa dalaga.

Nang makarating sa Cafeteria, agad niyang binayaran ang binili. Her favorite twisted bread and a chuckee. Alam niya kung gaano nito iyon kapaboritong kainin.

Nang makabayad, agad siyang tumakbo palabas para balikan ang dalaga.

Pero iba ang naabutan niya. Nagkatinginan sila ni Agatha. Agad siyang napaisip.

Ano'ng ginagawa nito at bakit may mga kasama itong first year. Bakit ito kasama ng mga ito.

Nang makita ang isang babaeng naka-ambang sasampalin ang dalaga, napapikit lang ito. Hinihintay na lumapat ang palad sa sariling pisngi.

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon