CHAPTER 16

32 3 0
                                    

Kahit sa pagpasok nila, hindi niya ito magawang kausapin. Ewan, basta hindi niya kaya!

Isa pa, kanina pa niya ito napapansin na susulyap-sulyap sa gawi niya. Nakakainis!

Pagdating nila sa school ay lumabas agad siya ng kotse nito. Nas-suffocate siya habang katabi niya ito.

Agad niyang tinakbo mula parking area hanggang sa building nila.

Suwerte niya na lang kasi hindi niya ito kaklase. At pasalamat siya dahil 3rd year student ito.

Pagpasok niya ng pintuan ay may agad siyang nabunggo.

“Omg!” anang nakabungguan niya.

Agad siyang humingi ng paumanhin rito. Babae rin kasi.

“Sorry, Miss. Hindi ko sinasadya. Nagmamadali kasi ako. Hindi kita napansin. Pasensya na.” aniya nang nakatingin rito.

Pero ito, parang nakakita nang multo. Nanlalaki kasi ang mga mata nitong nakatitig sa kanya.

“Uh, Miss?” pagkuha niya nang atensyon nito.

Tila natauhan ito sa tawag niya.

“L-Lienne?” anang babae.

Ha? Kilala siya nito? Kumunot ang kanyang noo. Paano nito nalaman ang pangalan niya? Samantalang, ngayon lang naman niya ito nakita.

“Uh, kilala mo ako?” tanong niya rito.

Nakakapagtaka lang. Ngayon lang kasi niya ito nakita pero kilala siya nito?

“L-Lienne...” anang muli ng babae.

Ano ba naman ito. Puro pangalan ko naman sinasabi. Anang isipan niya.

Tatanungin na sana niya ulit ito nang may nagsalita galing sa likuran niya, at alam niyang si Kai 'yon, sa boses pa lang.

“Lienne,” ani Kai.

Haynako. Hinarap niya ito saka sinagot, “Ano 'yon?” tanong niya. Pero kinakabahan na rin siya.

“We're going have our lunch together. H'wag na h'wag kang magtangkang takasan ako.” seryoso nitong sabi.

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango. Pero hindi niya inaasahan na kilala pala nang babaeng nakabungguan niya si Kai.

“Lorenzo?” anang babae.

Napalingon dito si Kai at agad niyang napansin ang galit sa mukha ng nito nang makita ang babae.

“Frances...” ani Kai.

Frances? Sino naman siya? Magkakilala pala sila. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa dalawa. Siya kaya si Lili? Pero, Frances daw, e.

“What the hell are you doing here.” ani Kai.

Hindi 'yon tanong. Talagang sinasabi nito kung ano ang ginagawa nang babaeng 'yon dito at kita mo talaga ang galit sa mukha nito.

Ano ba ang nangyayari? Sino ba itong babae? Tanong niya sa sarili.

Nalingunan niya ang babae at nakitang nalipat sa kanya ang tingin nito.

Ano ba'ng problema nang mga ito? Girlfriend kaya ni Kai ito? Or Ex? At ano? Galit siya kasi nalaman niyang kasama ko lagi si Kai? Tanong muli ng isipan niya.

Pero napaimposibleng si Lili ang babae dahil iba naman ang pangalang itinawag rito ng binata.

“Uhh... You two... Are you guys--” hindi na natapos ang sasabihin nito nang putulin 'yon ni Kai.

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon