CHAPTER 25

28 2 0
                                    

Ngayon na ang alis nila papunta sa bahay ng mga magulang ni Kai.

“Wife, are you done?” tanong ni Kai.

Wife na raw itatawag nito sa kanya dahil kasal na sila. Um-oo na lang siya. Lalo pa nang ipaalala nito ang nangyari noon na tinawag niya itong 'Hubby' sa harap ng isang lalaki.

Nasa labas ito ng kuwarto nito. Kuwarto kung saan, pati siya ay doon na natutulog. Inilipat nito ang lahat ng gamit niya mula sa kuwarto niya sa kuwarto nito.

Sila lang ni Camia ang nasa loob dahil binibihisan niya ito dahil nga aalis sila.

Well, pina-process na ang adoption nila for Camia.

“Almost. Wait, pumasok ka na lang kaya.” aniya.

Bumukas naman ang pintuan at pumasok ito, “Wow, ganda naman ng baby Camia namin.” anito sabay lapit kay Camia.

“Mimi, tsoo.” ani Camia. (Mimi, too)

Tumingin naman sa kanya si Kai at ngumisi. Inirapan niya nga. Mang-aasar na naman kasi ito.

“Ayaw ko na sanang itanong pa ito pero curious ako bakit lagi na lang pretty ang tingin sa'yo ni Camia...?” pang-aasar nito.

Sabi na e, “Ewan ko sa'yo.” irap niya rito.

Tumawa naman ito sa reaksyon niya.

Then, he kissed her again on her lips. Kahit alam nitong narito si Camia kasama nila.

Nasanay na siya. Lagi na lang, e.

Napailing na lang siya.

“O, bakit?” ngisi nitong tanong.

“Wala.” iling niya.

Tumawa itong muli, “Of course, Camia. Mimi's pretty, too. That's why, she's Daddy's Wife.” anito, kunwari'y seryoso.

Napairap siyang bigla.

Kung hindi niya lang ito mahal, Nako!

“Done. Let's go?” aniya nang matapos talian ang buhok ni Camia.

Tumango naman si Kai at binuhat si Camia.

“Let's go.” anito saka hinawakan ang kamay niya at lumabas na sila ng kuwarto.

Sa baba ay naabutan nila si Lolo at Nanay na hawak ang iilang gamit pang bata .

Binigay nito ito sa kanya, “Hayan na, hija ang mga kakailanganin ni Camia. Gatas, Diaper at kung ano-ano pa.” ani Nanay Lita.

Tumango-tango siya sa sinabi nito, “Sige po, Nay. Salamat po.” aniya.

“Mag-ingat sa pagmamaneho, Lorenzo. May kasama kayong bata.” paalala ni Lolo.

Tumango-tango naman si Kai at sumagot, “I will, Lo.” sagot ni Kai.

Saglit lang ang binyahe nila at narating nman nila ang bahay ng parents ni Kai nang maayos at ligtas.

Sa gate pa lang ay nagulat na siya nang lumabas si Rina na tumatakbo sabay yakap sa kanya nang marating ang puwesto nila.

“Hija! I've missed you. It's been a long time, and you're still beautiful as ever!” ani Rina, ang ina ni Kai at niyakap pa siyang lalo.

Napangiti siya sa papuri nito. Beautiful as ever.

Narinig niya naman ang tawa ni Kai sa kanyang tabi. Haynako. Kontrabido.

“Namiss din po kita, Tita.” aniya sabay yakap din rito.

“Mama na, okay? Asawa ka na ng anak ko. Namiss talaga kita!” anang ina ni Kai. “Hindi kami nakadalo sa kasal niyo dahil nasa business trip kami!” anang muli nito. “At, ikaw naman!” sigaw nitong baling kay Kai, “Hindi mo man lang hinintay na makauwi muna kami!” simangot nito.

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon