Tumagal sila nang isang linggo sa Hawaii.
Kahit gusto niyang magtagal do'n ay ayaw naman niya. Dahil may pasok pa siya. Sila.
Isa pa, 'di por que may-ari ng school ang Lolo ng napangasawa niya ay ayos lang ang umabsent.
Kinausap na rin pala siya ng Lolo ni Kai tungkol ro'n. She's now a 3rd year ME student.
Third year. Kahit na hindi naman niya napasukan ang isang taon niya.
Ang ginawa na lamang ay, pinagreview siya at pinagtake ng exam. Nakapasa naman siya pero gusto niya pa rin sana na pasukan ang taong hindi niya napasukan.
Kaya lang, laki ang pagpigil ni Kai sa gusto niya.
Ang sabi ng Lolo nito sa kanya, kaya raw ayaw ni Kai na pasukan niya pa ang second year ay dahil hindi raw siya nito mababantayan.
Haynako...
Pero may isang bagay na naging dahilan para hindi masyadong isipin pa iyon.
Camia, now is officially her daughter!
Kasabay niya ngayong pumasok si Kai.
“Wife, tandaan mo lagi ang sinabi ko...” kunot-noo nitong sabi.
“Na ano?” tanong niya habang sinusubo ang sandwich na baon nila.
Nasa biyahe na sila papuntang school.
“No boys for you, wife.” simangot nito.
Natawa siya sa narinig. Haynako, Kai. Seloso as always.
“H'wag mo 'kong tawanan. I'm serious here, wife.” anito.
Tumango-tango naman siya agad, “Oo na po. Kala mo naman napakaganda ko para lapitan ng mga lalaki.” natatawa niya pang sabi.
“You. Are. Beautiful.” seryoso nitong sabi.
Napatigil siya sa pagtawa at napangiwi. Corny, e.
“Talaga lang, ha.” irap niya rito.
“Wife. No boys, okay?” paalala nitong muli kahit iisa naman sila ng classroom at subject na papasukan.
“Love, parang 'di mo ako mababantayan, ha. Baka nakakalimutan mong parehas tayo ng schedules? Tsk. papaalala ka pa r'yan.” irap niyang muli.
“I'm just reminding you, Wife.” tawa pa nito.
Inirapan na lang niya itong muli.
Papaalalahanan pa siya, e, magkaklase naman sila. Sigurado naman siyang hindi naman siya nito lalayuan do'n. Psh.
“Let's go. Thank God, that Lester Dog is not our classmate.” anitong muli.
What the? Agad siyang napatingin kay Kai at taas-kilay siya nitong tiningnan.
“Ano? Si Lester? Ano naman ang problema mo sa kanya, Love? Isa pa, first year lang 'yon at hindi siya aso, okay?” saway niya rito. Kahit kailan talaga.
“Tsk. Pagtatanggol pa. Basta, aso siya. At nagpapasalamat ako at first year pa lang 'yon.” irap nito.
Aba! Inirapan pa siya!
Haynako, Valderama...
“Napaka-seloso mo na ngayon. Ano ba'ng nangyari sa'yo matapos kong ma-aksidente? Hay, lumala yata 'yang sakit mong 'yan...” aniya saka napailing.
"Hindi ako seloso." sagot naman nito.
Tumingin siya rito, “Oo nga hindi,” aniya.
Ngumiti naman ito agad sa narinig, “I kno--”
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romance•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...