Sa biyahe pa lang, kinakabahan na siya.
Hindi niya naman kasi akalain na malalaman ng ina at ama nito ang tungkol sa kanila ng binata.
Nalaman rin niya na ang nagsabi sa mga ito ay ang Lolo nito.
Paano nito nalaman iyon? Talaga nga sigurong kalat ang relasyon nila ng binata at umabot iyon sa Lolo nito.
“Li, I'm driving...”
Agad niyang nilingon ang binata nang magsalita ito.
Alam naman niyang nagmamaneho ito.
“Alam ko,” sagot niya. “Nakikita ko naman...” dagdag niya.
Umiling ito, “You're distracting me. Kanina ka pa balisa.” anito.
Napabuntung-hininga siya. Sino naman ang hindi?
She's going to meet his parents kahit na pekeng relasyon lang naman ang mayroon sila.
“I'm nervous. Siguro naman ay puwede ko iyong maramdaman? I'm going to meet your parents. Hindi ko alam ang gagawin ko. We're not really in a relationship. We were just pretending. Paano kung magtanong sila nang kung ano-ano at hindi ko alam ang isasagot ko? Ikaw ba? Hindi ka ba kinakaba-”
Halos masubsob siya sa harapan nang bigla nitong itigil ang kotse sa harap ng isang magarang bahay. Mabuti na lang at may suot siyang seatbelts!
Hinarap siya nito, “You're thinking too much, Li. We've been pretending in front of our schoolmates for almost five months now. Ngayon ka pa kakabahan?” tanong nito.
Tinanggal niya ang suot niyang seatbelts at mas hinarap ang binata, “At sino ang may sabing hindi ako kinakahaban sa loob ng limang buwan na iyon?” tanong niya pabalik. “I'm dating Kai Lorenzo Valderama, grandson of Celestino Valderama, the owner of Grand Celestino University, kung saan ako nag-aaral. Kai, sino'ng hindi kakabahan ro'n? Nasa akin, atin ang atensyon ng lahat dahil do'n.” dagdag niya pa.
Tinanggal rin nito ang suot na seatbelts at hinawakan ang magkabilang balikat niya, “That's my point, Love. You just have to act like you really loves me. Like we were really in a relationship and not just pretending. You've been doing this for five months now. Nagtaka ba sila? Hindi di'ba?” tanong pa nito.
Like she really loves him?
I do love you, you dumb handsome. Anang isip niya.
Hindi lang naman basta pagpapanggap ang kanya. Totoo na ang ipinapakita niya rito. Manhid lang talaga ito!
“Pero, mga magulang mo sila.” aniya.
He sighed, “And, they likes you.” anito.
His parents likes her? For what? For him?
“I would not dragged you here with me kung hindi ka nila gusto. They asked for you. Ikaw nga lang ang gusto sana nilang papuntahin rito. Ayaw nila ako rito dahil ang tingin nila ay aagawin ko lang ang oras mo na dapat ay sa kanila,” anito.
Napatulala siya rito. Siya lang ang gustong makita ng mga magulang nito?
He smiled, “Which is somehow right. You're my girlfriend, that means your time was meant only for me.” he said, chuckling.
His girlfriend. His FAKE girlfriend, yes.
Kinuha nito ang bag niya at isinakbit iyon sa leeg nito, “I'm not asking you to kiss me in front of them...” dagdag nito dahilan nang pamumula ng pisngi niya.
Agad niya itong nahampas sa dibdib, “Gago ito!” gulat niyang mura.
Natawa ito at napailing, “You always cursed me on my face, Li. Is that how you show your love?” tanong nito saka tumawa.
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romance•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...