Gumising siya nang napaka-aga para sa isang bagay. Ito lang kasi ang naiisip niyang gawin para sa binata. Gusto niyang, siya ang magluto ng almusal nilang dalawa.
Peace offering? Puwede na rin. Basta ang gusto lang niya, ay ang magkaayos silang dalawa ng binata.
Bakit ba kasi kailangan nitong magalit nang dahil lang do'n? Haynako...
Naligo na siya at nagsuot na nang uniform niya.
Pagbaba niya ay naabutan niya si Nanay na magsisimula na sana sa pagluluto kaya agad niya itong pinigilan.
“Nay!” pag-pigil niya rito.
Tila nagulat niya yata ito sa ginawa niya.
“Jusko, hija! Ginulat mo akong bata ka!” gulat na sabi ni Nanay.
“Sorry po. Uhm, Nay? Puwedeng ako na lang ang magluto ng almusal natin? Please?” aniya.
Kumunot saglit ang noo nito ngunit nang may napagtanto ay agad rin itong ngumiti sa kanya, “Para ba ito kay Lorenzo, hija?” tanong nito.
“Puwede na rin po. Peace offering ko po kumbaga. Saka gusto ko rin po kasi sanang ipagluto ka, Nay.” aniya.
Tumango-tango naman ito.
“O, sige. Ito, o, Ikaw na ang bahala r'yan. Aayusin ko muna ang labahan ko sa likod. Ayos ka bang mag-isa rito?” tanong nito.
Tumango-tango siya, “Oo naman po. Sige po. Tatawagin ko na lang po kayo kapag okay na.” ngiti niyang sagot.
Ngumiti naman ito, “Hala, sige.” anito at umalis na.
Sinimulan niya nang magluto. Bacon, hotdog, fried rice. 'Yan ang mga niluto niya. Nagluto naman siya ng pancakes para sa sarili niya... That's her favorite.
Sana okay na ito para kay Kai. Anang isipan niya.
Done! Tapos na siyang magluto. Lalabas na sana siya para tawagin si Nanay nang makita niya si Kai sa pintuan ng kusina.
Seryoso ang mga mata at nakatitig lang sa kanya. Agad siyang napaiwas nang tingin. Ang mga matang 'yon!
Kainis! Kanina pa kaya siya r'yan?
“Uhh, n-nagluto ako ng b-breakfast, K-Kai. K-Kain na t-tayo. T-Tawagin ko lang si Nanay...” Nauutal niyang sabi.
Kinakabahan siya sa tingin na ibinibigay nito. Hindi niya alam kung bakit!
Hindi ito sumagot kaya inangat niyang muli ang tingin niya rito at nakitang nakatingin lang ito sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Napaiwas na naman siya bigla. Kailangan niya si Nanay dito!
Agad siyang naglakad. Lalagpasan na sana niya ito nang magsalita itong bigla.
“Where are you going?” seryoso nitong tanong.
“Uhm, t-tatawagin ko lang si Nanay. E-Excuse me.” aniya saka niya nilagpasan ang binata.
Nang makarating siya kung nasaan si Nanay ay nakahinga agad siyang nakahinga nang maluwag. Grabe! Ano ba 'yon!
Kinalma niya muna ang sarili niya bago niya ito tinawag, “N-Nay...” tawag niya rito.
Napalingon ito sa kanya at ngumiti, “Tapos ka nang magluto? Mauna ka na muna at ibababad ko muna itong puti.” anito sabay talikod sa kanya.
No!! Hindi niya pa yata kayang kasabay ang binata kumain!
“Nay...” tawag niyang muli rito.
Napalingon naman itong muli sa kanya nang may pagtataka, “Oh? Ayos ka lang ba?” tanong nito.
Halong tango at iling ang naging sagot niya. Kaya mas naguluhan ito.
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romance•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...