Hindi niya maintindihan ang sarili. She felt comfortable when he's around. Para bang sanay na sanay na siya sa presensya nito.
Masaya siya kapag kasama niya ito.
Saka napansin niya, sa kanya lang ito ganito. 'Yong hindi nahihiyang ipakita ang tunay nitong ugali.
Minsan nga nangangati ang dila niya na tanungin ulit ito kung sino 'yong Lili na binanggit nito no'n.
Kasi kung talagang may girlfriend nga ito bakit lumalapit ito sa kanya?
Oo nga at nasabi nitong hindi siya maalala nang sinasabi nitong babae, pero, bakit?
Paano kung makita sila ng babae'ng 'yon? Hindi ba ito natatakot na magalit ang babae?
Kapag siya ang kasama nito, biro rito, biro roon, pero pagdating sa iba masungit at isnabero pa rin ito. Lagi nitong dahilan, na hindi naman raw kasi nito kilala. Haynako.
Paano nito makikilala kung hindi ito makikihalubilo, di'ba?
At kapag wala silang pasok, sumasama sila sa Lolo nito sa palayan nito sa Quezon Province.
Opo, hindi po maarte ang Lolo. Akala niya nga gano'n kasi mayaman ito e.
'Yon pala laking probinsya rin ito.Sumama sila rito para tumulong sa bukid. Ang saya niya kapag naroon sila.
Pakiramdam niya nga, taga roon talaga siya, e...
Iyong pakiramdam na rito siya galing. Na para bang ilang beses na niyang napuntahan ang lugar na 'to.
Kaya ang saya-saya niya kapag narito sila... Nakakagaan lang kasi sa pakiramdam niya.
Gaya ngayon, narito sila. Close na rin niya lahat nang mga taga rito... Masayang kasama at kausap ang mga ito.
“Bakit hindi mo na lang hubarin ang salamin mo? Hindi ka ba nahihirapan? Nasa bukid tayo, o.” ani Kai.
Napatingin siya rito. Ano naman kung nakasalamin siya? Bakit ba? Sanay naman na ako, e.
“Mas komportable kasi, e. Hayaan mo na, okay? Lagi mo na lang pino-problema ang salamin ko kapag nandirito tayo.” tawa niya.
Lagi kasi nitong problema ang salamin niya, e hindi naman ito inaano.
Sumimangot naman ito na ikinatawa niya.
“Para kasing ang hirap tingnan e.” anito.
Napailing na lang siya. Ang kulit talaga nito.
“Okay lang ako, Kai, okay?. Sige na gumawa ka na r'yan.” aniya.
“Concern lang naman ako, Lienne. Mamaya malaglag pa 'yan.” anito.
“H'wag mo na lang kasing pansinin ang salamin ko. Nananahimik na nga 'to e.” saway niya pa.
“Fine. Just make sure it won't get on your way.” pagsuko nito.
Agad naman siyang tumango para manahimik na ito.
Nasa gilid sila ng palayan kaya naman humakbang pa siya palapit sa mga ito para pagmasdan.
“Tuwang-tuwa ka na naman d'yan.” pamamansin nito. “Are you that happy that you're here?” tanong nito.
Tumingin siya ulit rito. Nasa Q&A ba ako?
“Ewan ko nga rin e. Pero kapag nandito ako, iba ang feeling ko. Sobrang saya.” aniya. “'Yong tipong ilang beses na akong nakapunta rito.” ngiti niyang dugtong sa sinasabi..
Tumango-tango naman ito habang nakangiti. May kislap sa mga mata nito pero hindi niya mawari kung para saan.
“Iwanan ka namin dito, gusto mo?” ngisi nito.
Sinamaan niya ito nang tingin. Pero, okay lang kaya? Hindi na masama, ha. Masaya naman dito. Saka, maraming prutas at iba pang pagkain. Haha. Ayy, may klase pa nga pala ako. Hindi puwedeng lumiban, lalo pa't scholar lang ako. Sayang! Panghihinayang ng isipan niya.
“Hey, Lienne! I'm just kidding! H'wag mong sabihing gusto mo talagang maiwan!” sigaw nito bigla.
Tingnan mo ang isang ito. Siya itong nag-offer tapos biglang ganito. Anang isipan niya.
“Ikaw itong nag-offer di'ba?” simangot niya.
“Nagbibiro lang ako. Gusto mo talaga?.” irap naman nito.
Bakla ba 'to? May pa-irap-irap pa. Naiiling na sabi ng isipan niya.
“Haynako, syempre hindi ako magpapaiwan, 'no.” aniya.
Napailing-iling naman ito, “I know you. You can't fool me.” anito.
Sinimangutan niya nga ito. Akala mo talaga e 'no.
“Mga Apo!”
Napalingon silang sabay sa tawag na iyon ng Lolo ng binata.
“Po?” sabay na sagot nila.
“Halina muna kayo rito at mag-meryenda!” sigaw muli nito.
“Sige po!” sagot niya pabalik.
Pumunta muna raw sila sa kubo at kakain daw muna.
“H'wag mo ubusin ha. Marami sila rito.” anito saka tumawa.
Sinamaan niya ito nang tingin.
Baliw talaga ang isang ito. Anang isipan niya. Inirapan niya ito saka niya ito iniwan do'n at tumakbo papuntang kubo. Bahala siya r'yan!
“Slow down, Lienne! Baka madapa ka! Aist!” sigaw naman ni Kai sa kanya.
Nilingon niya ito saka binigyan ng mapang-asar na mukha. Napailing na lang ito saka tumakbo na rin para habulin siya.
“Kayo talagang dalawa, o. Maupo na kayo.” ani Nay Cora.
Isa ito sa nagbabantay ng bukid dito. Naging close na rin niya ito.
“Ito po kasing si Kai, Nay Cora e.” sagot niya saka tumawa.
Natawa naman ito.
“Ako na naman sinisi mo.” agap ni Kai nang makarating rin sa kubo.
Tinawanan lang nila ito ni Nay Cora at ng Lolo nito.
“Tama na muna 'yan. Mamaya na ang asaran. Maupo na muna kayo.” ani Lolo.
Umupo naman agad sila at nagsimula nang kumain. Hindi halatang gutom sila ni Kai dahil talagang nagkamay na sila.
Natawa siya dahilan para matawa rin ang binata.
Matapos nilang kumain ay nagpahinga lang sila saglit at hinila na niya itong muli patungo sa bukid.
Gustung-gusto niya ang pakiramdam na nakalublob ang paa niya sa putikan.
“You can do this again, later. Hindi mo kailangan bumalik agad.” reklamo naman ni Kai.
Umiling siya rito, “Wala rin naman tayong gagawin do'n, e. Saka isa pa, nag-eenjoy ako rito.” sagot niya.
“Sinusulit mo, ha.” saka ito ngumiti.
Tumango siya, “Bukas kasi aalis na tayo rito. The day after tomorrow naman back to school na.” sagot niya saka niya ito binalingan nang tingin, “Kaya h'wag kang kill joy d'yan, okay?” saka siya ngumiti.
Naiiling na lang itong nakatingin sa kanya at nanonood.
Gusto niya talagang tanungin kung bakit hindi ito gumagawa nang paraan para maalala ito no'ng Lili.
Maanong galaw-galaw din, hindi 'yong laging siya ang sinasamahan nito.
Kaso baka maging malungkot na naman ito kapag nagtanong siya gaya no'ng unang beses na binanggit niya 'yong pangalan no'ng babae e.
Nakakaawa lang kasi ang itsura nito nang araw na 'yon, e. Kala mo inagawan ng kung ano.
Kaya ipinagsawalang-bahala na lang niya ang nais na gawin. Baka mamaya ay sabihin pa nitong nangingialam siya, e. Samantalang wala naman siyang kinalaman do'n.
Hayy...
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romance•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...