Sinalubong sila ng isang may edad na babae.
Napailing siya sa naisip. Pamilyar si Nanay. Nakita ko na ba siya?
“Si Lolo?” tanong ng binata sa matandang babae.
“Nasa hapagkainan, Sir.” sagot naman ng babae.
Medyo may edad na ito. Mayordoma kaya nila? Tanong ng isipan niya.
Sir? Muling tanong ng isipan niya.
“Alright, Nay. And, I told you to call me by my name, right? Why are you keep on calling me, Sir? Do I really looked like Lolo?” tanong naman ng huli.
Sabay silang natawa ng matanda.
Nanay na nga lang itatawag ko... Anang isip niya.
“O, sige, Lorenzo. Ikaw talagang bata ka..” anang matanda saka tumawa.
Saka ito napatingin sa kanya. Napansin yata nitong tumatawa rin siya...
“Nobya mo s'ya ulit?” tanong ng matanda.
Ramdam niya ang dugong nag-akyatan sa mukha niya.
Lalo na sa huling narinig niya. Nobya? Ulit?
“No, hindi po gano'n, Nay... Friend n'ya po ako and uhh, scholar po ni Mr. Valderama.” paliwanag niya.
Napaisip siyang muli.
Ulit? Ano'ng ibig sabihin no'n? Hindi kaya kamukha ko ang ex nitong si Kai? Sunod-sunod na tanong niya sa sarili.
“Ah, akala ko pa naman ay kayo na ulit.” anang Ginang saka ngumiti sa kanya.
She looked at the old lady. Kami na ulit?
“Let's go, Lienne.” yaya ni Kai sa kanya saka nito sinenyasan ang matanda nang kung ano.
Hala? Ano'ng mayroon? Tanong ng isipan niya.
Saka niya naramdamang muli ang kamay ng binata sa kamay niya saka siya nito iginiya patungo sa dining room at doon ay nakita nila ang Lolo ng binata. Mr. Celestino Valderama.
Mr. Valderama fixed his gazed on them. No, not to them but to their intertwined hands.
Agad siyang napabitaw. Nako!. 'Yong puso ko nangalahati na lang yata. Sigaw ng isipan niya.
“Lo!” bati ng binata sa Lolo nito nang pasigaw.
Hindi niya alam kung ano'ng gagawin niya.
“Lorenzo!” Mr. Valderama greeted back, shouting.
Err. Kailangan ba nilang sumigaw? Should I shout, too? Anang isipan niya.
“Lolo, this is Jona Lienne, your Scholar.” Kai introduced her.
“Good afternoon, Mr.Valderama.” bati niya.
“Just call me, Lolo. You're Jona Tuarez, am I right?” tanong naman ni Mr. Valderama sa kanya.
Para namang hindi niya ako pinuntahan sa Apartment ko kasama ng Secretary niya. Anang isip niya.
Or hindi lang niya talaga ako maalala sa dami ng Scholar niya? Muling tanong niya sa sarili.
Tumango siya sa sinabi nito, “Yes, L-Lolo.” naiilang ba sabi niya.
“Take your seat. Join me.” yaya nito sa kanila ni Kai.
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romance•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...