CHAPTER 2

48 3 0
                                    

Days had been passed at naabutan niya itong nasa gate ng Campus.

Is he waiting for someone? 'Yong girlfriend niya kaya? May girlfriend naman pala, bakit sa akin pa nanggugulo? Mamaya awayin ako ng jowa nito. Anang isip niya.

“May inaantay ka?” tanong niya rito.

He looked at her, smiling.

So he really is waiting for someone. How lucky. Muling turan ng isipan niya.

“Sino?” tanong niyang muli bago siya lumingong muli sa kanyang likuran.

Iniisip na baka nasa likod na niya ang inaantay nito, malagot pa siya.

Napailing siya sa huling naisip.

Muli niyang ibinalik ang tingin sa binata. Hinihintay na sumagot ito sa tanong niya.

Minsan pa naman walang kuwentang kausap ang isang 'to. Anang isip niya.

“Yes. I did wait. Kararating nga lang, e.” sagot nito.

So, she looked back again to see who was he referring to.

His girlfriend? Nasaan? Tanong niya sa sarili.

“Saan?” tanong niyang muli.

Nagulat siya nang kuhanin nito bigla mula sa kanya ang mga librong bitbit niya.

“She just arrived. What took you so long? Anyway, let me carry this for you.” He said, smiling.

He caught her off guard with his words.

G*g*ng ito a. Ano'ng trip niya? Tanong ng isip niya. Lalo pa't saglit na kumabog ang dibdib niya sa sinabi at ginawa nito.

“May kailangan ka ba?” tanong niya rito.

“Huh? What? Nothing.” sagot nito.

Umiling siya na ikinatawa naman nito.

Sinubukan niyang kuhanin ang libro mula rito, “Akin na 'yan. Ibabalik ko pa 'yan.” aniya sabay kuha ng mga libro.

But, he just took it away from her again, “Let me.” anito.

Ang kulit. Komento ng isip niya.

“No. Ako dapat magbalik n'yan, kasi ako ang nanghiram.” paliwanag niya rito.

Kukunin na sana niyang muli ang mga libro ngunit mabilis rin nitong nilayo muli sa kanya ang mga ito.

Hayy. Pagsuko ng isipan niya.

“Okay, fine. But, let me carry this. This is too heavy for you.” anito.

Mabilis na tumingin siya sa paligid at agad na nakita na nakatingin na naman sa kanila ang ibang istudyante.

Haynako, Self. Pinapatay ka na naman nang mga tingin. Poor you. Anang isip niya.

“Pinagtitinginan na tayo. Akin na 'yan.” Muli niyang sabi.

Ang kulit naman ng lahi nito. Anang isip niya nang umiling ito.

“Let them, Lienne. I don't care.” anito saka siya hinawakan sa kamay.

Bakit ba ang clueless niya? Hindi ba siya nahihiya? Tanong niya sa sarili.

When they arrived at the library, she just returned the books and went out immediately.

Sobra talaga siyang nahihiya.

Liliko na sana siya patungo sa classroom niya nang may bigla na namang humaglit ng kamay niya.

Naman, Lorenzo!

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon