A month has been passed, things between them went smoothly. Naalala niya pa ang reaksyon ng kaibigan niya nang magkuwento siya rito nang araw na iyon.
“Aga...” tawag niya rito.
Tumingin ito sa kanya, subo-subo ang twisted bread na binili pa nila sa Cafeteria at dinala pauwi sa bahay niya.
“...tha Marie Santiago. Nahiya ka pa. Hindi mo pa kinompleto?” anito.
Napanguso siya na ikinatawa nito, “Ano ba 'yon? Sabi mo magku-kuwento ka?” tanong nito.
Kagat ang ibabang labi, nilakasan niya ang loob, “Liligawan ako ni Kai...” panimula niya.
Walang ekspresyon ang mukha nitong tumingin sa kanya habang ngumunguya, “Share mo lang? Ano? Nang-iinggit ka na liligawan ka ng boyfriend mo? Ikaw na may boyfriend.” nakanguso nitong sabi saka napailing.
Doon niya naalala na hindi nga pala nito alam na nagpapanggap lang sila ng binata.
“I'm sorry for hiding the truth, Aga... We were just pretending as a couple. Hindi talaga kami. Tinulungan niya ako kasi may lalaking lumapit sa akin no'n at natatakot siya na baka balikan ako no'n at muli na namang kulitin. Hindi talaga kami. But now, he told me that he loves me. Mahal ko rin naman siya. Kaya naman sabi niya ay liligawan niya ako. Sorry kung itinago ko sa-”
Napatigil siya sa pagsasalita nang ibagsak nito ang kamay sa mesa.
“I'm sorry, Aga... Please, sana h'wag kang magalit sa paglilihim ko sa'yo... Si Kai kasi, gusto niyang pati sa'yo ay ilihim nam-”
“Stop.” anito.
Agad siyang napatigil no'n at tumingin sa kaibigan ng kinakabahan.
“That's it? Pumayag ka na lang na ligawan ka? Bes, naman! Nagpa-hard to get ka man lang sana! Haynako!” Dagdag nito na ikinatunganga niya rito.
Ni hindi man lang ito nagulat sa ibinalita niya rito at iyon pa ang sinabi.
Napailing na lang siya habang inaalala ang isa pang sinabi nito sa kanya.
May sorpresa raw ito sa kanya sa birthday niya at tiyak ito na magugustuhan nina iyon.
Samantalang ang kaarawan niya ay malayo pa. Limang buwan pa mula ngayon. Minsan, hindi niya talaga masabayan ang kaibigan sa mga naiisip nito.
NGAYON, kasama naman niya ang ina ng binata. Talaga ngang itinakas siya nito matapos nang pag-uusap nila ni Kai no'n.
Ilang beses na siyang itinakas ng ina nito. Gaya ngayon na katatapos lang ng klase nila. Nag-text ito sa kanya na h'wag magpakita sa binata na aalis at hihintayin siya nito sa parking lot.
Pagkarating niya ay naroon na nga ito.
“Tita, Kai will freak out. That's for sure. He told me we'll go home together. Ihahatid raw po niya ako, e...” aniya pagkapasok pa lamang niya sa loob ng kotse ng ina ng binata.
Tumawa ito, “Let him freaked out, then.” anito saka mas natawa.
Napangiti na lang siya sa kakulitan ng ina ng binata.
Sinuot niya ang seatbelts saka tumingin sa Ginang, “Tita, promise me you'll back me up, okay?” aniya. “Baka isipin na naman no'n ay may lalaki ako. Kagaya na lang no'ng nakaraan.” biro niya pa rito nang maalala ang nangyari.
Practice game nito at nang araw na iyon ay grabe ang pagkaselos nito.
Hindi man lang muna siya tinanong sa nakita nito, sa halip ay bigla na lamang tumalikod at umalis.
Mabuti na lang at tinawagan siya ng ina nito at umuwi nga raw ito sa bahay ng mga ito. Kaya naman agad siyang umalis sa practice game no'n at mabuti na lang ay dumating ang manager ng team.
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romansa•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...