CHAPTER 11

30 3 0
                                    

Nagising siya nang maramdamang may mabigat na bagay ang nakapatong sa kanyang tiyan.

Nakayakap ba s'ya sa akin?! Gulat na tanong ng isip niya.

Nasa kuwarto nga pala siya nito!

Haist! Nakatulog pala siya!

Unti-unti niyang inalis ang mga braso nitong nakayakap sa kanya ngunit mas lalo lang iyong humigpit.

He's deeply asleep. Hayy...

Baka magising ito kapag gumalaw pa siya.

Kaya naman mas minabuti niya na lang na manatili sa ganoong puwesto nila. Hanggang sa magising ito...

Pero ang kaalamang ang lapit lang nilang dalawa sa isa't-isa? Na ganito kalapit?

Ang puso ko, putek! Sigaw ng isipan niya.

Masarap sa pakiramdam na nakayakap ito sa kanya.

Ano ba ito? Am I already falling for him? Why? Tanong niya sa kanyang sarili.

Naman, Jona! Baka nakakalimutan mong may Lili 'yan! Asik naman ng kabilang isipan niya.

She have to stopped what she feels for him...

This ain't right. May girlfriend na ito... Hayy. Anang isipan niya.

She admitted that she's starting to like him. Sino namang hindi di'ba?

Nako naman! Sana hindi lumala itong nararamdaman niya. Hayst!

Dehado siya kapag gano'n. Paano kung mahulog nga ang loob niya rito at kapag inamin niya iyon sa binata at hindi sila parehas nang nararamdaman dahil may Lili na ito, ano'ng mangyayari sa kanya? Masasaktan lang siya sa huli kapag nagkataon.

At kung sakali man na tanggapin nito ang nararamdaman niya, paano kung pilit lang? Dahil lang pala hindi ito maalala no'ng Lili?

Magagawa kaya ni Kai 'yon sa kanya? Gano'n ba ito?

What if, masaktan siya nito? Mapapatawad kaya niya ito??

Napailing siya sa naisip.

“Deep thoughts? Care to share it to me, Lienne?”

Nagulat siya sa bigla nitonh pagsasalita. Gising na pala ito. Hindi niya namalayan. Masyado nga yatang napalalim ang pag-iisip niya.

“Ah, hindi. Ahm... Wala naman. Hinihintay ko kasi na magising ka. Ayoko naman na biglang tumayo.” aniya sabay tingin sa kamay nitong hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa kanya.

Napatingin ito ro'n at agad naman nito 'yong inalis. Napatingin ito sa kanya kaya nginitian niya ito.

“Labas na ko, Kai. Lipat na ko sa kuwarto ko.” aniya.

Hindi na niya ito hinintay pang sumagot at tumayo na siya. Lumabas agad siya nang kuwarto nito nang hindi na nagsalita. Dumiretso siya sa kanyang kuwarto at humiga sa kama.

Ang mga mata nito kanina. Gusto niya na lang na laging nakikita 'yon.

Muli siyang napailing sa muli niyang naisip. Nababaliw na nga yata siya. At talagang dahil pa sa binata.

Napatingin siya sa oras at alas-10 na pala nang gabi. Hindi na sila nakapaghapunan. Bukas na lang nang umaga siya kakain bago pumasok.

Hayy, kasabay nga pala niya bukas ang binata? Tsk. Ano'ng gagawin niya? Iiwas ba siya o iiwas? Haynako!

Hindi naman puwede 'yon. Naman, oh. Ang binata ang lahat ang first niya. First kiss. Pati ba naman ito? First love? Nako, pati nga yata sa pagtulog, first time niya na may makatabing lalaki at ito pa talaga. Take note, nakayakap pa sa kanya.

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon