CHAPTER 12

27 3 0
                                    

Hindi na siya maayos na nakatulog nang gabing 'yon. Ayos lang naman dahil mahaba-haba naman ang tulog niya nang nasa kuwarto siya nito.

Tatlong araw na rin niyang medyo iniiwasan ang binata. Ewan niya ba pati tuloy siya naiinis na sa sarili niya. Tsk.

Siya naman ang may problema e. Ang pusong niya ang may problema! Kainis!

“Lienne...”

Tumingin siya rito na ngayon ay nasa likuran na pala niya. Sinundan pala siya nito.

“Hmm?” tanging sagot niya.

Tinitigan siya nitong maigi. Naman. Tsk...

“Are you avoiding me?” kunot-noo nitong tanong.

Hindi siya makasagot... Umiling lang siya sa tanong nito. Alangan namang sabihin niyang, 'Oo, iniiwasan nga kita. Obvious ba?'

“You, sure?” tanong pa nito.

Tumango lang siya. Hayy...

“I know you, Lienne. What is it?” tanong nito.

Haynako! “Ano ba'ng sinasabi mo r'yan?” pagmamang-maangan niya pang tanong.

Umiling-iling ito, “C'mon. You know what I'm talking about, Lienne.” anito. “You've been like this for three days now. You're distancing yourself, and I don't like that. Kung may nagawa ako, tell me. Hindi iyong, bigla ka na lang manlalamig.” dagdag nito.

Gano'n ba siya kadaling basahin? Halos pitong buwan pa lang naman silang magkasama. Kilala na agad siya nito? Hayy.

“Wala naman e. Ikaw lang itong masyado kung mag-isip.” pilit siyang ngumiti rito.

“Ang peke nang ngiti mo.” anito nang seryosong nakatingin sa kanya.

Napaiwas siya ng tingin. May gano'n ba? Hayy...

“Is it because of---” hindi na nito natuloy pa ang sasabihin nang putulin na niya ito.

“No.” aniya sabay tayo. Alam na kasi niya ang sasabihin nito, e.

Nakaupo kasi siya sa damuhan dito sa garden ng school. Pinagpag niya ang suot niyang pantalon bago muling nagsalita.

“Mauna na ko. May pasok pa kasi ako, Lorenzo e. Sige ha.” paalam niya saka dire-diretsong naglakad at nilagpasan ang binata.

Yeah, Lorenzo. Ewan ba niya kung ano ang pumasok sa isip niya at iyon ang ginamit niyang pangalan nito. Hindi pa siya sanay. Nasanay siyang Kai ang tinatawag niya rito. Alam niyang pansin nito 'yon. Bahala na.

Pakiusap niya lang na sana lang ay h'wag na muna siya nitong sunda---

“Lienne.” Tawag nito sa kanya saka niya naramdaman ang paghawak nito sa braso niya.

Kasasabi niya lang e. Hayy... Nilingon niya ito saka ngumiti nang pilit.

“Bakit?” tanong niya.

Kumunot ang noo nito. Ayan na naman...

“...Lorenzo?” lito nitong tanong.

Titig na titig ito sa mga mata niya habang tinatanong iyon. Hindi niya alam pero gusto niya na lang tumingin sa mga mata nito nang mga oras na 'yon. Pakiramdam kasi niya may kung ano sa mga mata nito, na para bang may gusto itong ipahiwatig o sabihin.

“Lienne.” tawag nitong muli sa pangalan niya nang hindi siya sumagot.

Ano'ng idadahilan niya?

“Tinry ko lang.” pilit na tawa niyang sagot.

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon