CHAPTER 23

37 2 0
                                    

Ilang beses na pagkatok mula sa pintuan ng kanyang kuwarto ang gumising sa kanya.

Inaantok na idinilat niya ang kanyang mga mata.

“Hija, umaga na. Handa na ang agahan. Gising ka na ba?” dinig niyang pagtawag sa kanya ni Nanay mula sa labas.

Bumangon siya at inayos ang sarili, “Gising na po, Nay. Sunod na po ako...” sagot niya rito habang inaayos ang hinigaan.

“O, sige. Hintayin ka namin sa baba.” Iyon lamang ang sinabi nito.

Isang linggo mula nang maayos nila ang lahat at nakilala niya ang kanyang kapatid.

Still, it feels so new to her. Parang kahapon lang nangyari.

Tumingin siyang muli sa salamin at inayos ng kaunti ang buhaghag niyang buhok bago siya lumabas ng kanyang kuwarto at bumaba.

Naabutan niya sa hapag ang Lolo ng binata, si Kai, si Nanay at ang apo nitong si Camia.

“Maupo ka na, hija.” anang Lolo ng binata.

Tumango siya at umupo sa tabi ni Kai.

Habang nasa hapag-kainan. Kuwento lang nang kuwento ang Lolo nito about sa business trip na dinaluhan nito.

Nakinig naman silang lahat do'n. Lalo na ang apo nitong si Kai.

“Apo, your Mom and Dad called me awhile ago.” pag-iibang usapan ni Lolo.

Mama at Papa ni Kai? Si Tita Rina at Tito Luis? Tanong ng isipan niya.

“And?” tanong naman ni Kai.

“They both wanted to see you two. Hope you don't mind coming with Lorenzo, hija?” baling na tanong naman ni Lolo sa kanya.

Medyo kinabahan siya sa tanong nitong 'yon.

“O-Oo naman po, Lo...” sagot niya.

Tumango-tango naman si Lolo, “Good. Bring Camia with you. Is that fine with you?” tanong naman nito kay Nanay.

“Oo naman. Ang kaso, ayos lang ba sa inyong dalawa? Sasama ba ako sa kanila.?” tanong ni Nanay.

“Hindi na. Walang magbabantay sa bahay. Okay lang naman siguro sa inyo 'yon, Hija? Hijo?” tanong ni Lolo sa kanilang dalawa ng binata.

Nagkatinginan sila ni Kai...

“Oo naman po, Lo...” siya na ang sumagot.

Matapos ng agahan ay nagpaalam na si Lolo at may bagong business trip daw ito.

Kaya siya, si Kai, Camia at Nanay na lang ang naiwan sa bahay.

“Kailan pala ang punta natin sa inyo, Kai?” tanong niya rito.

Nasa sala sila ngayon.

“Maybe on Saturday night? May pasok pa tayo ng tanghali so, Saturday night.” sagot naman nito habang buhat si Camia.

“Ahh, okay. Hanggang kailan tayo ro'n?” tanong niyang muli.

“We'll be home by Monday morning. May pasok pa tayo no'n...” sagot naman niya.

Napatango-tango naman siya.

Tinitigan niya ito na ngayon ay buhat pa rin si Camia.

Medyo nagiging kahawig na tuloy nito ang bata.

Para silang magtatay... Natawa siya sa naisip.

“Nagiging magkamukha na kayo ni Camia, Love.” puna niya na titig na titig sa dalawa.

“Really? Maybe because she's always with us? All day, all night?” anito saka tumawa.

Natawa rin siya sa sinabi nito. Baliw talaga...

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon