Lumipas ang mga araw, matapos pagbantaan ng binata sina Flaire at ang mga kasama nito, medyo tinigilan naman siya ng mga ito.
Mabuti naman dahil baka hindi na talaga niya mapigilan pa at masaktan niya rin ang mga ito.
At kagaya nang ginagawa niya tuwing araw ng linggo, aalis rin siya ngayon para magsimba.
“Hey, Lienne. Are you done?” Napatingin siya sa nagsalita at si Kai 'yon.
Mula nang sumama ito sa kanya nang isang beses, lagi na rin itong sumasama sa kanya.
“Yup!” sagot niya.
“So, let's go?” yaya nito.
Well, this has been their routine every Sunday.
Minsan kasama nila si Nanay at ang apo nito. Minsan naman 'yong bata lang ang kasama nila.
Gaya ngayon...
“Sure ba kayo na isasama niyo pa itong si Camia?” tanong sa kanila ni Nanay.
Nagkatinginan sila ni Kai. Ngumiti sila sa isa't-isa saka niya nginitian si Nanay bago nagsalita, “Nay, naman. Syempre naman po. Masaya po kasi kapag kasama namin si Camia.” sagot niya.
“Haynako. Hala, sige. Mag-iingat kayo, ha.” paalala nito.
Tumango-tango naman silang dalawa ni Kai.
“Opo, Nay.” sabay nilang sagot.
Saka sila nagpaalam at umalis.
---
After magsimba, iginala muna nila si Camia sa mall. At ang bata, tuwang-tuwa. Kaya pati tuloy siya, natutuwa na rin...Ang saya kasi nitong panoorin kahit wala naman itong masyadong ginagawa. Taba-taba kasi nang pisngi e!
“You really do like Camia, ha, Lienne?” tanong ng binata sa kanya saka ngumisi.
Tumingin siya rito at ngumiti, “Alam mo naman, hindi ba? Saka, bakit ba? Ang cute kasi niya... Para siyang laruan.” aniya saka tumawa.
Magsasalita na sana ito para sagutin siya nang may marinig silang nagsalita mula sa likuran nila.
“Jona? Lorenzo?” Napalingon silang sabay sa tumawag sa kanila at pamilyar ito.
It's Vin. Kai's friend.
She smiled at him kaya lumapit pa ito sa puwesto nila.
“Uy, Dude.” ani Kai sabay fist bump kay Vin.
Tumingin ulit sa kanya si Vin at ngumiti, “Long time no see, Jona!” bati nito.
Ngumiti rin siya rito, “Oo nga e. Kamusta?” tanong niya.
Tinaas nito ang dalawang balikat nito bago nagsalita, “Okay naman! Alam mo, Jona. Mas maganda ka kapag walang salamin.” ani Vin nang nakangiti.
Well, hindi siya naka-salamin ngayon. Just a simple top and a pants lang ang suot niya and a doll shoes.
Ngumiti siya rito. Bola na naman...
“Bola... Basketball player ka nga.” tawa niya pa.
Tumawa naman rin ito sa sinabi niya. Napadapo ang tingin niya sa nakasimangot na Kai sa tabi ni Vin...
Oh? Ano'ng nangyari rito? Anang isip niya.
Napansin yata ni Vin ang tinitingnan niya kaya napatingin rin ito kay Kai. Kumunot muna ang noo nito bago ngumisi at bumulong kay Kai.
Hindi niya narinig pero nakita niya ang pagkairita ni Kai sa sinabi nito.
Napatingin sa kanya si Kai. Ngingiti na sana siya rito pero inirapan lang siya nito at sumimangot.
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romance•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...