Nakita naman niya agad ang dress na tinutukoy ni Kai.
Sa likod niya naman ay biglang lumabas si Nanay na nakaayos na.
“N-Nay...” tawag niya rito.
Ngumiti ito sa kanya. May alam ito sa mangyayari ngayon?
“Naka-set na ito, hija. Mabuti na lang at um-oo ka. Nakiusap sa amin no'n si Lorenzo.” ngiti nito.
Naka-set? Planado na ito? So, kung humindi siya, cancel lahat ng paghahanda ng mga ito?
Kaya ba napakaraming pananakot ang sinabi ng binata kanina sa kanya?
Kesyo, ngayon lang ito magtatanong? Haynako naman!
“Kailangan ko pong tawagan ang kapatid ko, Nay.” aniya.
“Natawagan na siya ni Lorenzo kanina. Kaya h'wag mo nang alalahanin...” Ngiti nitong sabi.
Ano raw? Agad-agad ha?
“Suotin mo na 'yang dress na white, Aayusan ka pa...” ani pang muli nito.
“Aayusan? Nino po? Kaya ko na po ang sarili ko...” aniya.
Umiling-iling ito. Hindi sang-ayon sa sinabi niya, “Make-up artist raw iyon, okay? Sige na, magbihis ka na...” anito sabay tulak sa lanya papasok banyo ng kuwarto niya.
Wala na siyang nagawa kung hindi ang magpalit. Hayy...
Mapapasubo pa yata siya nito nang wala sa oras, or let's say, ikakasal siya nito nang wala sa oras.
30 minutes siguro ang ginugol bago siya matapos ayusan.
Biglang may kumatok, “Nasa wedding hall na raw po sila.”
Pamilyar ang boses na iyon sa kanya.
Agad niyang nilingon ang nagsalita at nagulat siya nang makita niya si Agatha.
“Best wishes to you, Bessy...” ngiti nito nang matagpuan nito ang mga mata niya.
Natulala siya rito at hindi nakapagsalita.
Narito ito. Narito ang Bestfriend niya.
“Aga,” tanging sambit niya.
Ngumiti ito at lumapit sa puwesto niya, “Puwede ko bang mayakap ang Bestfriend ko?” ngiti nitong tanong, nakalahad ang mga braso sa kanya.
Hindi na siya sumagot pa at siya na mismo ang yumakap sa kaibigan.
“Na miss kita! Na miss kita, sobra...” mangiyak-ngiyak niyang sabi.
Hinagod nito ang kanyang likod at mahinang napatawa, “Hoy, gaga! H'wag kang umiyak. Masisira make-up mo. Saka kasal ng Bestfriend ko ngayon, hindi ko yata mapapalampas ito!” tawa pa nito.
Mahigpit niya itong niyakap, “Hindi ka na galit sa akin? A-Ano ba'ng ginawa ni Lola?" tanong niya rito.
Humiwalay na ito sa kanya at tinitigan siya nito.
Ngumiti lang ito, “Saka na ako magk-kuwento. At hindi na ako galit. Hindi naman talaga ako galit. Kung ang iniisip mo ay ang mga bullies na kasama ko? Don't worry, kahit sila naubusan na nang acting skills para lang magalit ka namin. Saka, kinausap na ko ni Lorenzo at ni Vince.” anito at napaiwas nang tingin.
Ang kapatid ko? Kailan sila nag-usap?
Tumingin ito sa kanya nang mapansing 'di siya nagsalita.
At nagulat ito nang makitang nakangiti siyang nakatingin rito.
Iniwas nito agad ang tingin sa kanya at muling nagsalita.
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romance•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...