Bagsak ang mga balikat na bumaba siya at nagtungo sa kusina. Naabutan niya si Nanay roon.
“Nag-aaway ba kayo, hija?” tanong nito.
Umiling siya. Hindi naman talaga e, “Hindi po. Galit s'ya kasi sasama ako kina Lester kanina para gumawa ng school works ko.” sagot niya.
“Nang dahil lang ro'n?” tanong nito.
Tumango-tango siya. Kumunot ang noo nito, “Nagpaalam ka ba nang maayos? Baka nag-alala lang 'yon.” anito.
Napatingin siya rito. Talaga bang kailangan niyang magpaalam sa binata kung saan siya pupunta? Kailangan ba no'n?
“Hindi ka nagpaalam, hija?” tanong nitong muli.
“Nay, kailangan ba lahat nang kilos ko ay alam n'ya? I mean, naiintindihan mo naman po ako di'ba?” aniya.
Tumango-tango ito.
“Wala naman pong dahilan para magpaalam ako sa kanya, e.” dagdag niya pa.
“Naiintindihan ko, hija. Ang ibig ko lamang sabihin ay mag-a-alala 'yon sa'yo. Lalo pa't 'di ka pala nagpaalam nang maayos.” anito.
May punto naman ito ro'n pero kasi, “Maiintindihan ko naman po kung gano'n. Pasensya na po. Gusto ko po talaga na mag-sorry agad kaso sinara naman niya agad ang pintuan ng kuwarto niya...” aniya.
Narinig niya ang mumunting-tawa ni Nanay kaya napatingin siya rito...
“Nay, naman. Tinatawanan mo naman ako e...” simangot niya.
Tumawa itong muli. Nanay talaga...
“Baka naman kasi, alam mo na 'yon, hija.” ngiti nitong sabi sa kanya.
Naguguluhan siya. Ano raw?
“Po? Ang ano po?” tanong niya.
“Ang ibig kong sabihin, ay baka naman, alam mo na, baka may nararamdaman na pala 'yang alaga ko para sa'yo.” tudyo nito.
Napalingon agad siya rito at ramdam niya ang pag-init ng pisngi niya.
“Nay, naman! Ano ba 'yan!” hiyaw niya.
Ngumisi lang si Nanay sa kanya. Naman! Nakakahiya.
“E, bakit ka namumula, hija? Nagbibiro lang naman ako.” pang-a-asar nito.
Naman! Sabi na e! Namumula siya!
“Nay, naman...” giit niya.
Huminga ito nang malalim bago muling nagsalita, “Hija, pu-puwede kang mag-sabi sa akin nang kahit na ano,” ani Nanay.
Napatingin siya rito, “Po?” tanong niya.
“Matagal ko na itong napapansin. Hija, may nararamdaman ka ba para sa alaga ko? Para kay Lorenzo?” tanong ni Nanay na para bang dapat ay 'OO' ang isagot niya sa paraan nang tingin nito sa kanya.
Napatulala siya rito nang dahil sa tanong nitong 'yon. Gano'n ba siya kahalata? Aamin ba siya rito? Paano kung sabihin nito sa binata?
Siguro naman alam ni Nanay ang tungkol sa babaeng sinasabi ni Kai na nakalimot daw rito.
“Hija,” ani Nanay sabay lapit sa kanya.
Hinawakan pa nito ang mga kamay niya bago muling nagsalita, “Kung ang ikinakabahala mo ay baka sabihin ko kay Lorenzo. Hindi, okay? Hahayaan kong siya mismo ang maka-alam nang nararamdaman mo.” anito saka ngumiti.
Hinawakan nito naman ang pisngi niya gamit ang kanan nitong kamay samantalang ang kaliwa ay nanatiling hawak ang mga kamay niya.
Huminga itong muli bago nagpatuloy sa pagsasalita, “Kaya, Hija. Asahan mo ako r'yan. Wala kang ibang masasabihan dito, alam ko. Hayaan mo ako na maging ina sa'yo, naiintindihan mo?” ani Nanay.
Napatulala siya rito dahil sa sinabi nito. Na-miss niya bigla ang kanyang mga magulang. 'Di niya alam pero kusang tumulo ang mga luha niya.
“Hija,” pag-alo ni Nanay sa kanya.
“Okay lang po ako, Nay. Namiss ko lang po si Mama at Papa...” iyak niya.
Niyakap siya nito at pinatahan. Ang sarap sa pakiramdam nang yakap nito. Parang ang Mama niya noon, ganito ito kapag umiiyak siya.
“Sssshhhh, ayos lang 'yan. Kahit ako ay nakikita ko sa'yo ang aking anak.” ani Nanay saka muling ngumiti sa kanya.
Niyakap niya ito at tumango-tango, “Opo, Nay...” aniya.
Nag-yakapan lang sila nito hanggang sa tumahan siya.
“Ayusin niyo ang gulo n'yo ni Lorenzo." ani Nanay.
Tumango siya, “Opo, pasensya na po...” ngiti niyang sagot.
Ngumiti rin ito, “Sige na. Magpahinga ka na. Ikaw, ha. Winala mo ang usapan, haynako.” asar ni Nanay sa kanya.
Otomatikong pinamulahan siya. Ramdam niya 'yon.
“Nay, naman...” aniya.
Tumawa ito. Kaya napangiti na naman siya.
“Biro lang. Gumaganda ka lalo kapag nakangiti ka. Sana hindi 'yan mawala. Ayokong makita na masaktan ka, hija. Sa mahigit pitong buwan mo rito, itinuring na kitang anak.” anito.
Napangiti siya at niyakap ito nang mahigpit, “Salamat po, Nay. Sana nga laging masaya ang buhay. Ayoko ring mawala ang ngiti kong maganda sa paningin niyo.” tawa niya pa.
Natawa rin ito, “Sige na, sige na. Kumain ka muna at nang makapagpahinga ka na.” anito.
Tumango-tango siya at nagsimula nang kumain. Niyaya niya itong sumabay sa kanya sa pagkain. Kaya sumabay naman ito.
Matapos niyang kumain, pumanhik na siya sa kuwarto niya para mag-pahinga.
Napapaisip na lang siya habang nakahiga. Minsan sumasakit ang ulo niya, lalo na nitong mga nakaraang araw.
Pakiramdam niya naman ay gawa-gawa lang nang isipan niya ang mga naririnig niya mula noong gabing narinig niya ang boses na isang lalaki sa isipan niya na may tinawag na 'Love'...
Kaya lang nitong mga nakaraang araw, minsan nawawala, minsan sumasakit naman.
Tapos ito pa ngayon, masama pa yata ang loob nang isang 'yon sa kanya.
Sana nga, sana nga hindi mawala ang sinasabi nilang ngiti niya. Ayoko rin niyang mangyari 'yon.
Na kamuhian ang mundo at talikuran ang mahahalagang tao sa buhay niya.
Ano ba ang puwede niyang gawin para sa isang 'yon? Paano niya ba susuyuin ang boyfriend niyang 'yon?
Natawa siya bigla sa naisip. Boyfriend sa mata nang iba.
Minsan nga kapag magkasama sila sa Campus, lalo na kapag nasa open-space sila na marami ang makakakita, hindi niya mapigilan ang hindi magpalinga-linga nang tingin.
Baka kasi nasa paligid lang 'yong Lili. Iba kasi ang pakiramdam niya lalo pa at parang iba ang binata no'n habang sinasabi nito na hindi ito maalala no'ng babae.
Kung aamin siya na may nararamdaman siya para rito tapos bigla naman itong maaalala no'ng babae? Sigurado siyang, hindi siya ang pipiliin ng binata kapag dumating ang araw na 'yon...
Bakit niya nga ba iniisip ang mga bagay na 'yon? As if naman magagawa niyang umamin rito?
Hayy, panahon na lang talaga ang makakapagsabi kung ano ang mangyayari.
Pa, Ma, gabayan niyo po ako. Ayoko pong magkamali sa mga desisyon na gagawin at gagawin ko pa lang. Anang isip niya.
Be with me, always. I missed you, both.
BINABASA MO ANG
Falling For Kai Lorenzo
Romance•COMPLETED❕ Falling for KAI LORENZO VALDERAMA over and over again! Note: If you were reading this book somewhere else other than Wattpad, then you probably reading a stolen and plagiarized book. I only published this book here in Wattpad. So, please...