Special Chapter 2 Part 1

10 1 0
                                    

“Ikaw 'yong kinuha nilang sub-manager?”

Agad siyang tumango sa tanong ng kaharap.

She was actually interested in basketball. She was part of women's basketball team in her high school.

“Yes, po. Jona Tuarez, po.” pakilala niya.

Tumango ang kaharap, “Raffaello Guanzon. Just call me, Raff.” anang kaharap.

Tumango siya.

Agad niyang kinuha ang papel na inabot nito, “Here. Sorry to ask you for this but, can you look for Lorenzo Valderama? Hand this to him and tell him to fill this up. Okay lang ba?” tanong ni Raffaello sa kanya.

Tiningnan niya ang hawak na papel. It's an application form for basketball team.

Tumango siya, “Okay lang po. Ano'ng year na po ba nito? Kakapasok ko lang po kasi, wala pa po ako masyadong kilala rito.” aniya.

Ngumiti ito, “Bago lang din 'yan. Kasabayan mo siguro 'yan bang nag-orientation kayo. Anyway, kapag nahanap mo siya, bigay mo na lang 'yan. Ako na ang kukuha sa kanya pagkatapos. Baka hindi mo kayanin ang ugali ng isang iyon.” ani Raffaello.

Agad siyang napaisip. Bakit? Ano'ng ugali ba mayroon ang Lorenzo Valderama na 'yon?

Ngumiti siya pabalik sa kausap, “Sige po, kuya Raff. Hanapin ko lang po siya.” aniya.

Tumango ito, “Sige. Balik ka rito pagkabigay mo n'yan.” ani Raffaello.

Tumango siya saka tumalikod rito at umalis.

Nang orientation nila no'n, nasabi nila na kailangan nga nang sub-manager for basketball team.

Gusto sana niyang maging miyembro ng women's basketball team kaya lang hindi pa raw iyon aprobadong muli sa Unibersidad na ito lalo pa't minsan nang nagka-iringan ang mga kababaihang sumali noon. Mayroon na sana noon kaya lang ay hindi naman nagkakasundo ang mga babaeng miyembro ng team.

"Maarte kasi". Iyan ang sinabi sa kanila noong orientation nila.

The School Committee decided to dissolve the team. Hindi raw kinaya ng mga ito ang kaartehan mg mga miyembro.

When they were having a practice, may ilan pang magm-make up muna bago sumalang sa court.

Napailing na lamang siya no'n habang naririnig ang mga iyon.

Grabe. Samantalang sa school niya no'n, hindi naman maarte ang mga babae. Siguro kasi high school pa?

Agad niyang nilapitan ang isang lalaki para magtanong. Tinawag niya ito nagbakasakali siyang hihinto ito, “Excuse me...” aniya.

Nang magkaharapan na sila, “Kilala mo ba si Lorenzo Valderama? May ibibigay lang sana ak---” naiwan sa ere iba pa niyang sasabihin nang nilampasan lang siya nito.

Napabuntung-hininga siya at napailing.

Sinubukan niya ulit maghanap ng mapagtatanungan. Kaya lang, lahat nang napagtanungan niya ay hindi rin sigurado kung nasaan ang hinahanap niya.

Hanggang sa makarating siya sa soccer field. Sinubukan niya uling magtanong sa isang babae.

“Hello po. Tanong ko lang po sana... Kilala niyo po ba si Lorenzo Valderama? At kung nasaan po siya ngayon?” tanong niya sa babae.

Ngumiti ito nang hinarap siya. Saka ito tumuro sa direksyon ng soccer field, “Ayon si Valderama, o. Bakit mo siya hinahanap?” tanong nitong balik sa kanya.

Umiling siya saka niya ito sinagot, “May sasabihin lang ako. Salamat, ha.” aniya.

Nang makita niya ang lalaking tinuro nito, gusto na lang niya agad na puntahan ito at awayin.

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon