CHAPTER 20

28 3 0
                                    

Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nakatitig kay Vin no'n.

Siya 'yon? Paanong nangyari 'yon?

Nang nakilala niya ito, alam na pala nitong kapatid siya nito.

Naging magkaibigan pa sila ni Kai. Paanong?

“I-Ikaw...” hindi niya magawang matuloy ang sasabihin niya nang ito na rin mismo ang nagtuloy.

“Yes, Lil' sis. Ako ang kuya mo. Si Grandma ang kumuha sa akin.” anito nang nakangiti.

A-Ano raw? Lola? Ang Lola talaga nila ang kumuha rito?

Pero sabi ng kanyang ina, hindi alam kung sino at kung ano'ng puwedeng dahilan nang kumuha sa kapatid niya.

'Yong araw na naaksidente ang mga ito, pupuntahan kaya ng mga ito ang kapatid niya?

“P-Paano mo ako nahanap?” utal niyang tanong.

Hanggang ngayon hindi pa rin siya makapaniwala.

“You know, Agatha Marie?” tanong nito na ikinagulat niya.

Si A-Agatha Marie? Kilala nito ang bestfriend niya?

“Kilala mo siya?” tanong niya rin.

Ngumisi ito bago muling nagsalita, “Agatha Marie Santiago. Of course, I know her. She happened to be my ex-girlfriend. Paanong hindi ko siya kilala?” tawa pa nitong sagot sa tanong niya.

Natulala siya rito. Si Agatha? Girlfriend nito? Paano?

“Paano...” tanong dapat 'yan pero hindi niya na nagawa.

“Ang kaibigan mong 'yon, future investigator yata e.” anito.

Ehh?

At 'yon nga kinuwento nito ang lahat. Sabi nito, hinanap daw ito ni Agatha kasi mag-isa na lang daw siya.

Para talagang investigator si Agatha dahil tanong daw ito nang tanong kung kani-kanino.

Kung may kilala ba raw ang mga itong Ran Clavince Tuarez. Ganito, ganyan.

Aksidenteng sa kakahanap daw ni Agatha. Napagtanungan daw nito ang mismong driver ng Lola nila.

Basta mahabang kuwento.

Kung gano'n, si Agatha ang dahilan bakit nahanap ako ng kuya ko? Tanong niya sa kanyang isipan.

'Yon kaya ang surprise na sinasabi sa kanya ni Agatha para raw sa birthday niya?

Ibig sabihin alam ni Agatha na si Kuya ang kumuha sa kanya sa hospital? May alam ito?

Kaya ba nang araw na 'yon. Nang tinitigan niya ito, tumigil ito?

Ano'ng nangyari sa kaibigan niyang iyon at sa Kuya niya?

Tumingin siya kay Vin, mali, sa kuya niya pala.

“Ano'ng nangyari sa inyo?” Maingat na tanong niya.

Ngumiti ito, “Wala?” anito saka ito tumawa pero alam niyang pilit iyon.

Wala? Paanong, wala? May nangyari ba?

“A-Ano'ng nangyari?” kabado niyang tanong.

Umiling-iling ito at ngumiti, “Long story, kapatid. Pang-telenovela. Saka ko na lang iku-kuwento sa'yo.” anito.

Hindi na siya nagpumilit pang magtanong rito.

“Paano mo ako nailabas sa hospital? May alam ba si Agatha? Si Lola?” lito niyang tanong.

Falling For Kai LorenzoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon